Burning the Image (PART 3)

1145 Words
“Magkita na lang tayo sa may tulay, Jack!” sigaw ni Jill at nawala na sa paningin niya. Napakurap siya at tumakbo para habulin ang kakambal pero nawala na ito. Hinanap niya ito pero nang hindi makita ay minabuti na lang niyang puntahan muna si Mang Berting. Nangako itong bibigyan siya ng mga sasakyang pwedeng linisin. Maganda ang kita niya doon dahil bukod sa bayad ni Mang Berting ay may tip ang mga costumer. Nang dumating siya sa garahe ni Mang Berting ay marami ng sasakyan ang nakahilera. “Jack, tamang-tama lang dating mo,” salubong nito sa kaniya sabay bato ng basahan sa kaniya. “Magsisimula na po ako,” aniya at mabilis na ibinaba ang bag at nagsimulang maglinis ng mga sasakyan. Nakailang sasakyan din siya nang nilinis at halos dilim na ng matapos siya. Pagkakuha niya ng bayad kay Mang Berting ay hinanap naman niya si Jill. “Si Jill ba ang hinahanap mo?” tanong ng isa sa mga kaklase ni Jill na nakasalubong niya sa paglalakad. “Oo, nasaan siya?” “Nasa harap ng barangay hall,” tugon nito. “Bakit nandoon siya?” “Lagi siyang pumupunta roon kapag hapon pagkatapos naming mag-sideline. Hindi mo alam?” Hindi siya sumagot. Dahil hindi naman talaga niya alam. Hindi rin niya gusto ang isipin na tila may itinatago ito sa kaniya. “Akala nga namin ay may kinakatagpo siya doon,” wika pa nito. Hindi maiwasang hindi kabahan ni Jack dahil sa narinig. Hindi na nga niya gusto ang isiping naglilihim sa kaniya ang kakambal ay hindi rin niya gusto ang isiping may kasintahan na ang kakambal. Para sa kaniya, napakabata pa at napaka-inosente pa nito. Hindi na niya nagawa pang magpasalamat sa babae at tumakbo na papunta sa may barangay hall. May kalayuan iyon sa kung nasaan siya pero hindi niya alintana. Nagmamadali siyang tumakbo, hindi pansin ang mga nakakasalubong. Kalat na ang dilim nang dumating siya sa barangay hall. Naroon nga ang kakamabal pero mag-isa itong tila naghahanda pauwi. “Jack!” gulat nito nang makita siya. “Paano mong nalaman na narito ako?” Hindi niya magawang sumagot. Tinitigan niya ang kapatid. Wala namang iba dito. Palagi pa rin itong masigla, masaya, nakangiti at tila napaka-inosente. Wala siyang nakikitang senyales na itinatago nito. “U-Uuwi na tayo,” nasambit niya. Hind niya magawang komprontahin ito o tanungin kung totoo ang sinabi ng kaklase nito. “Sige,” masigla nitong saad. Tahimik siya habang ito ay maingay na nagkukwento habang pauwi sila. At gaya ng dati, masigla itong nagkukwento ng buong maghapon nito. Wala siyang nakita o napansin na pagbabago o kung may itinatago ba ito. At dahil disimulado siya pero hindi magawang tanungin ang kakambal, palihim niyang sinundan ito ng sumunod na hapon. Sinundan niya simula sa pagkakabit ng poster kasama ng mga kaibigan hanggang sa matapos ito. Pagkaraang magpaalam sa mga kaibigan ay umalis ito at nagmamadaling pumunta sa may tapat ng barangay hall. Nakaupo ito sa isa sa mga bench doon at nakatulala sa kabilang kalsada. Dahil nasa malayo siya at hindi niya gustong makita siya, hindi malinaw sa kaniya kung may hinihintay ba ito. Lumipas ang ilang minuto at tila nainip ito. Naglabas ito mula sa bag ng isang notebook at lapis bago nagsimulang magsulat doon. Nagsusulat ito bago susulyap sa kabilang kalsada, bago igigilid ang mga mata sa paligid at ibabalik ang tingin sa notebook. Habang pinagmamasdan niya ang kakambal ay lalong lumalaki ang pangamba niyang baka nga may kinakatagpo ito. Ngunit nagsisimula nang dumilim at nang maghanda na itong umuwi ay wala pa ring dumating. Sa pagnanais na makatiyak, ilang araw niyang sinundan t’wing hapon ang kapatid. Mangangalakal siya ng konti o magsa-sideline kay Mang Berting tapos pupuntahan ang kapatid sa harap ng barangay hall. Pinagmamasdan niya ito nang palihim. Tinitiyak kung anong ginagawa nito. Ang labis lang na nakakapagtaka ay ilang araw na pero walang lalaki o kahit sino ang dumating para puntahan ang kakambal niya. Wala rin itong ibang ginagawa kundi ang magsulat sa notebook nito. Sigurado naman siyang hindi iyon assignment dahil bago matulog ay magkatulong pa rin silang nagsasagot ng assignment. Dalawang linggo ang matuling lumipas at ganoon pa rin ang ginagawa ni Jack. Susundan niya ang kakambal sa hapon at titiyakin kung anong ginagawa nito doon. Ngunit isang hapon, hindi ito sumama sa mga kaibigan para mag-deliver at dumiretso sa barangay hall. Muli, mula sa malayo ay tinanaw niya ang kakambal. At para siyang pinagsakluban ng lupa nang makita ang lungkot sa mga mata nito habang nakatitig sa kabilang kalsada. Nang lingunin niya ang kabilang kalye ay maraming tao ang naglalakad roon. May grupo ng magkakaibigan, may mga galing sa trabaho, at ilang pares ng magkakasintahan. Hindi madaling tukuyin kung alin sa mga iyon ang nagpapalungkot sa kakambal niya. Akmang lalapitan niya ang kakambal nang makitang nagsimula na naman itong magsulat sa notebook nito. Unti-unti’y nauunawaan niya na ang nangyayari. Maaring gumagawa ang kakambal niya ng sulat para sa lalaking hindi na muling nagpakita pa rito. Kuyom ang kamao at naniningkit ang mga matang nilisan niya ang lugar. Bukas na bukas din, magpapakita siya sa kapatid at pipiliting paaminin ito. Aalamin niya ang lalaking dahilan kung bakit malungkot ang kakambal niya. Nang dumating siya sa bahay ay naroon na si Jill at ang tatay nila na naghihintay sa kaniya. Hindi kaagad siya umuwi para pakalmahin ang sarili. “Magandang gabi po,” bati niya sa ama at nagmano. “Ginabi ka na,” puna ni Jill sa kaniya. Sinulyapan niya ito. “Marami akong natanggap na customer.” “Hindi naman ninyo palaging dapat gawin iyan,” sabat ng tatay nilang matamang nakatingin sa kanilang dalawa ni Jill. “Ako ang tatay kaya tungkulin kong magtrabaho at ibigay ang pangangailangan ninyo,” dugtong pa nito sa mahinang tinig. “Gusto po naming tumulong ni Jack,” masuyong wika naman ni Jill at niyakap ang ama nila. Inakbayan ito ng ama at tumingin sa kaniya. “Hayaan ninyo na po kami,” iyon lang ang nagawa niyang sabihin. Gusto rin niyang yakapin ang ama pero pakiramdam niya’y naninigas ang mga paa at katawan niya. Gusto rin niyang sabihing mahal niya ito pero nauumid ang dila niya. Tipid na ngumiti ang ama nila sa kaniya. “Ang swerte ko talaga sa inyo,” sambit ng tatay nila. “Tiyak, kung buhay ang nanay ninyo, sobrang saya niya,” kumukurap-kurap pa ito na tila ba pinipigil ang luhang anumang oras ay babagsak. “Mas maswerte kami sa inyo, ‘tay,” matinis ang tinig na singit ni Jill bago tumingin sa kaniya. “Di ba, Jack?” “Ha? Ah, oo,” mabilis niyang pagsang-ayon. Tumawa lang tatay nila sa inasta ni Jill at niya bago inaya na silang kumain. At gaya ng mga nakalipas na gabi, magkakasabay silang kumain, gumawa ng assignment, at nanood ng tv. ***** ShimmersErisJane
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD