[KINABUKASAN]
Maaga pa lang ay nagising na si Leona. Inasikaso niyang maigi ang ina. Hanggang sa pagdating ng oras ng operasyon. Pumunta pa siya sa cashier ng ospital para magtanong pero ang tangi lang sinabi nito ay bayad na ang lahat ng kakailanganin nila. Hindi nito sinabi kung sino ang nagbayad. Wala siyang nagawa kaya umalis din siya kaagad.
Hindi niya maiwasang hindi kabahan. Pero kung si Gab ang tumawag kay Aling Marga, bakit hindi man lang nito sinabi sa kaniya?
Bakit ba kasi hindi nito sinasagot ang tawag niya? Ang hirap pa namang makitawag dahil kahit walang sumagot ay may bayad.
Wala rin na silang kamag-anak dito sa Batangas dahil lahat halos ay nasa malayong pulo na. Kung sa side naman ng tatay niya na matagal ng namatay, malabo din. Ni wala nga siyang kilalang kamag-anak ng ama.
Imposible rin namang 'yung Intsik na may-ari ng commercial building malapit sa may palengke. Palagi yung humihingi ng collateral bago maglabas ng pera.
Hayyyy...
Napasabunot siya sa buhok. Wala talaga siyang maisip. Wala din naman silang kapitbahay na mayaman.
Suss. Lalong malabo. Tiyak kung tatama ang mga iyon sa lotto baka mauna pang magtago ang mga iyon kesa tumulong.
Tumingin siya sa harap ng Operating Room. Ilang oras pa ang hihintayin niya bago matapos ang operasyon. Pero hindi siya pwedeng umalis. Gusto niyang siya ang unang makaalam ng sitwasyon ng ina. Kung pwede nga lang siyang sumama sa loob ay ginawa na niya. Tsaka niya na iisipin kung sinong tao ang nagpakagastos sa kanila. Kung sino man siya, salamat. Sana ay magawa niyang makabawi sa lahat ng tulong nito. Kung hindi man, ang Diyos na ang bahala sa kaniya.
"Kape?" Napapitlag si Leona ng may magsalita mula sa gilid niya. Nilingon niya ito.
"Max!" Gulat niyang bulalas. Pinagmasdan niya ang binata. Madilim noong gabi kaya hindi niya halos napagmasdan ito. Kahit ilang buwan itong nawala ay hindi man lang nagbago ang hitsura nito. Tila nga mas lalo pa itong gumwapo. Lalo na sa suot nitong itim na jacket, puting T-shirt na V-neck at pantalon.
Naupo ito sa tabi niya bago inaabot sa kaniya ang isang paper cup na may lamang kape.
"Salamat." Wala sa loob na wika niya. Binuksan niya ang taklob. Kaagad naman niyang naamoy ang mabangong aroma ng kape.
Bahagya siyang sumimsim.
Masarap.
Hanggang ngayon alam pa rin nito ang kapeng gusto niya.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila hanggang sa siya na mismo ang hindi nakatiis. "Paano mo nalamang narito kami?" naitanong niya.
"Updated ako sa lahat ng nangyayari sa atin," casual na sagot nito. Dama niyang lumingon ito sa kaniya. "Lalo na kung tungkol sa iyo."
Napasunod-sunod ang sipsip nya ng kape kaya halos magkangsasamid siya.
"Hey... Relax lang." Bahagya nitong hinaplos ang likod niya.
Kasi naman! Bakit naman kasi ganoon ang banat?
Hindi niya maunawaan ang sarili. Ang buong akala niya ay nakalimutan na niya ang paghangang nararamdaman para sa binata pero mukhang hindi pa rin pala. Kagaya pa rin ng dati ang epekto nito sa kaniya.
Bumibilis ang t***k ng puso niya. Nagpapawis ang mga palad niya at para bang may humahalukay sa tiyan niya. Hindi niya rin magawang mag-isip nang maayos kapag malapit ito. Lalo na ngayon na magkatabi sila.
"S-salamat..." nahihiyang wika niya.
Tumango-tango ito.
Natahimik muli ang paligid. Ilang sandali silang nakaupo doon na walang kibuan. Hanggang sa tumunog ang cellphone ng binata.
"Excuse me," paalam nito bago tumayo. Lumayo ito ng konti sa kaniya pero malaya pa rin itong nakikita.
Kahit saang anggulo tingnan ay gwapo ito. Kaya nga maraming babae ang nagkakagusto dito. Bukod doon ay mayaman at mabait din ito. Wala ring kinikilingan kung sa trabaho naman ang usapan. Kaya nga takot gumawa ng kalokohan sa kanila ang mga tao. Makita lang ito ng mga tambay sa kanto, parang maamong tupa ang mga ito.
Ilan lang iyon sa mga bagay na nagpapatunay na malabong magkagusto ito sa kaniya.
Malungkot na napahalumbaba siya.
Siya? Wala siyang ibang maipagmamalaki. Ni hindi nga siya nakapag- college. Ang alam niya lang ay magtinda ng mga gulay sa palengke. Maglaba ng mga damit sa mayayamang pamilya.
Magka-iba ang mundo nila.
Nang muli niya itong lingunin ay nakatingin na ito sa kaniya habang may kausap pa rin sa cellphone. Nginitian niya ito. Ngumiti din ito sa kaniya bago pinatay na ang tawag at lumapit sa kaniya. Umupo muli ito sa tabi niya.
"Baka may trabaho ka pa."
"Nope. I've been working for months. At straight iyon. Napagbigyan ko na sila. Tinapos ko na rin ang kailangan kong tapusin sa Manila kaya this time..." Nakangiting tinitigan nito siya. "Kayo naman ang iintindihin ko," masuyong wika nito.
Napakurap siya. Maang niyang tiningnan ito. "A-anong ibig mong sabihin?"
"Sorry kung ngayon lang ako bumalik. Sorry kung hindi man lang ako nakapamaalam noon. O kahit sulat, text o tawag ay wala... Sorry..." masuyong saad nito bago hinawakan ang kanang kamay niya at dinala iyon sa labi nito.
May kung anong kiliti siyang nadama nang lumapat ang mainit nitong mga labi sa balat niya. Gusto niyang bawiin ang kamay niya dahil nakakahiya naman sa malambot nitong palad at labi. Kalyuhin at halos mangulubot na ang kamay niya tapos...
"Max...." Akmang babawiin ang kamay niya pero humigpit ang hawak nito sa kamay niya.
"Huli na ba ako?" Masuyong tanong nito habang nakatingin sa mga mata niya.
Napakagat-labi siya upang pigilan ang mga luha sa pagtulo. "Ano bang huli?"
Eh, kahit kailan naman ay hindi ito napaltan sa puso niya. Kahit pa noong alam niyang hanggang kaibigan lang sila. O kahit hanggang ngayon.
Napayuko siya. Hindi pa ito ang oras para sa sarili niya. Kailangan pa nga pala niyang hanapin ang taong tumulong sa kanila.
"May problema ba?" nag-aalalang tanong nito.
Binalingan niya ito. "May kailangan pa akong gawin. Iyong taong nagbayad ng lahat ng kailangan namin dito. Kailangan ko pa siyang hanapin."
Napakunot-noo ito. "What for?"
"Siyempre kailangan kong magpasalamat sa kaniya. Kung hindi dahil sa kaniya baka hanggang ngayon ay hindi pa rin naooperahan si nanay. Baka nga nasa kalye pa rin ako at hindi alam ang gagawin." Napapikit siya ng maalala ang binalak gawin kagabi.
She's been saved.
God saved her from doing what was wrong. Binigyan siya nito nang pagkakataong ‘wag malubog.
Hindi hinayaan ng Diyos na maipagbili ni Leona ang katawan at kaluluwa para lang maligtas ang ina niya. Hindi Niya hinayaan na makita ni Max siya na isa sa mga babaing hinuli kagabi.
Napaluha na siya. Kung napaaga pa siya. Baka kasama siya sa na-raid. At hindi lang basta pagbibigay ng aliw ang maipaparatang sa kaniya. Baka pati sa pagdo-droga ay makasama siya. Kung nagkataon makukulong siya. Paano na ang nanay niya? At ngayon si Max?
"Leona?" Naramdaman niya ang kamay nito sa magkabilang pisngi niya.
Nagmulat siya ng mata. Pinahid nito ang mga luha niya.
"Muntik ko nang ginawa..." Naiiyak at nahihiya niyang wika.
Mukhang nauunawaan naman nito ang ibig niyang sabihin.
"Muntik ko ng gawin... Hindi ko pinansin ang mga paalala ni nanay... Hindi ko inisip na mali. Ang gusto ko lang ay mailigtas siya... Paano kung..." Hindi na niya napigilan ang sarili at napaiyak na siya.
Hindi niya kayang isipin ang reaksyon ng nanay kung kasama siya sa mga nahuli. At mas lalong hindi niya kayang tanggapin kung sa ganoong tagpo siya aabutan ni Max.
Umiling-iling ito. "Tama na. Wala kang ginawa. Wala kang nagawang mali. Sinubukan mo pero hindi hinayaan ng Diyos. Hindi niya hahayaang mapahamak ka dahil mabuti kang tao, mabuti kang anak. At kahit maging masama ka pa. Tiyak hindi ka Niya pababayaan." Hinalikan nito siya sa noo. "Thank God, He makes me come in time," dinig pa niyang wika nito.
Niyakap siya nito. Yumakap naman siya nang mahigpit dito, umaamot ng lakas. Tunay na ang Diyos ay nagpapadala ng tulong. Hindi man natin nakikita ang pagkilos niya, kung maniniwala tayo... Diringgin Niya tayo...
"Stop crying. Baka makita ka ni Nay Linda. Sabihin pa niya na pinaiyak kita." Nagbibirong wika nito bago humiwalay sa kaniya. Kumuha ito ng panyo at pinunasan ang mga luha niya.
"Sorry." Natatawang wika niya bago siya na ang kusang nagpunas sa mukha.
Nang mapunasan ang mukha ay pinilit niyang ngumiti. "Salamat."
"No problem. Para sa iyo..." wika nito bago pinagdikit ang noo nila.
Mas lalo siyang napangiti..
*****
'Hindi lahat ng kwento maganda ang pagtatapos. Pero masaya akong ang kwento namin ay happy ending.'
"Ang daya mo! Hanap ako nang hanap, ikaw lang pala iyon." Nagtatampong ani Leona sabay sibangot kay Max.
Pero ang mokong tinatawanan lang siya.
'Masaya akong makatagpo ng mga taong mahal ako sa kabila ng mga bagay na wala ako.'
"Sorry na mahal. Natutuwa kasi ako sa iyo," lambing ni Max sabay yakap sa akin.
Umiwas nga siya dito. Nagtatampo talaga siya. Imagine. Mag-iisang buwan na nilang hinahanap ang taong tumulong sa nanay niya iyon pala ay si Max lang pala iyon. Nakakaloka ito. Naisahan siya nito at ni Gab.
"Walang nakakatuwa doon, Maxwell," kunwa'y iritang sabi niya.
"Lagi ka kasing busy kaya ginamit ko 'yong mga oras na iyon para makasama ka. Palagi ko namang sinasabi sa iyo na tiyak masaya siyang tumulong pero mapilit ka kasi." Paliwanag pa nito bago hinuli ang kamay ko para ikulong sa mga palad niya.
Kaya pala palaging nagmumukhang date ‘yung lakad nila. Iyong feeling na tama na ang trenta minutos nilang pagtatanong at paghahanap tapos mag-aaya na itong kumain. Pumunta dito. Pumunta doon. Gawin ito. Gawin iyon. Noong una ay naghihinala na siya dito pero umaasa pa rin kasi siya na aamin ito nang kusa.
'Masarap sa pakiramdam na makatagpo ng mga tao na gusto kang makitang masaya. Mga taong akala mo ay iniwan ka pero ang totoo ay lumayo lang pero nananatiling nasa'yo ang puso.'
"Dami mo nang utang na paliwanag sa akin ha," nagtatampo pa ring angal niya.
Umamin itong kahit nasa Manila ay nakikibalita kay Gab sa mga nangyayari sa kaniya, sa kanila. Kinailangan kasi nitong tapusin ang isang kaso doon na may kinalaman sa malaking bar na pinagtatrabahuhan ni Kris. At ngayon lang, pinaamin niya ito kung siya ba talaga ang tumulong sa kanila.
"Sorry na..." Nakangiting bulong nito bago niyakap siya. Sa pagkakataong ito, hindi na siya pumalag. Nakakapanawa palang mag-inarte.
'Masaya ako dahil nakikita kong masaya ang mga mahal ko. Lahat naman 'di ba ganoon. At tiyak lahat din tayo gagawin para sa mga mahal natin. Pero huwag nating kakalimutang kahit tama ang layunin, kung mali ang paraan. Nawawala ang halaga nito.'
"Halika, puntahan na natin si Nay sa palengke," pag-aaya ni Max. Mukhang nasasanay na siyang tawaging Nay si nanay niya.
Sa biyaya ng Diyos, successful din ang operasyon ni nanay. Mas lalo rin itong lumakas ngayon kaya naman mas lalo niyang pinag-igi ang pagtitinda sa palengke para sa ina.
Sila ni Max? Nanliligaw pa ito sa kaniya.
Nanliligaw pa lang ito para maging asawa niya...
Okay siya ng malandi. -_-
Nakilala na niya ang mga magulang nito at tulad nito, mababait sila. Hindi katulad sa mga napapanood niya sa teleserye at K-drama na mga judgemental.
Sana lahat ng ending masaya.
Pero alam nating hindi lahat. Gayunman, isang bagay lang ang sigurado siya.
Let God guide you in your story. Happy man o hindi ang ending isang bagay ang natitiyak ko. Hindi ka Niya iiwan. Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng buhay mo. Mananatili Siya sa tabi mo. At kung nasa punto ka na pagod, hirap, nalulungkot at unti-unting namamatay nang pag-asa tumawag ka lang sa Kaniya at tiyak magugulat ka na lang sa kung paano Niya babaguhin ang buhay mo. Magugulat ka sa mga taong gagamitin Niya para matuto, maging malakas at manatiling naniniwala sa Kaniya.
"Ako si Leona Mercado at ito'y maliit pa lang na bahagi ng kwento ng buhay ko.
Ikaw? Anong kwento mo?"
*****
written by: ShimmersErisJane