REECE
Matalim na tingin ang binigay ko sa kanya. Makakarating ito kay Kuya Ravi. Hindi ko mapapalampas ang pananamantala niya sa akin.
“Bastos!”
“Ako pa ngayon ang bastos,” sarkastikong sabi niya.
Lalo akong nainis sa sinabi niya, kaya hinampas ko ang dibdib niya. Binawi ko na rin ang kamay ko na hawak niya at mabilis na umalis sa ibabaw niya. Pero kung kailan bahagya na akong nakalayo, bigla namang dumulas ang isang tuhod ko sa edge ng kama, kaya muli akong bumagsak sa kanya.
Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil muntik na namang sumubsob ng mukha ko sa katawan niya. Nang sulyapan ko siya ay nagsalubong ang kilay ko nang makita ko ang pamumula ng mukha niya. Naglabasan din ang litid ng ugat sa leeg niya na ngayon ay pulang-pula na rin. Para siyang may iniinda na masakit sa kanyang katawan.
“M-my balls, Miss Reece. My balls, f**k!” dumadaing na sabi niya habang mariing nakapikit.
“What? I don't understand you.”
Tiningnan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Sinusubukan niya itong alisin kung saan ako nakahawak.
“You're holding my ball, for goodness sake!”
Salubong ang kilay ko nang bumaba ang mata ko sa tinutukoy niya. Hindi ko pa rin makuha ang ibig sabihin niya na hawak ko. I even squeezed it. Pero mabilis na pumantay ang kilay ko at unti-unting namilog ang mata ko ng mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy niya.
Mabilis na kumalat ang init sa mukha ko nang napagtanto ko kung saan ako nakahawak, na nagawa ko pang pisil-pisilin. Mayamaya lang ay napuno ng tili ko ang buong unit.
Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at parang wala sa sariling tumakbo palabas ng kwarto niya. Pumasok ako sa silid ko at diretso sa washroom para maghugas ng kamay. Ilang beses akong naghugas ng kamay, na parang sa ganitong paraan ay mawala ang dumi na kumapit dito. Para akong tangang naghuhugas ng kamay kahit wala naman akong duming hinawakan.
“What was that I touched?” I asked, even though I already had an idea of what I had touched.
Naiiyak ako sa inis at kahihiyan. Kinikilabutan ako sa tuwing sumasagi sa isip ko kung ano ang hinawakan ko.
Tumigil lang ako maghugas ng kamay nang makita ko na kulubot na ang balat sa kamay ko dahil sa pagkakababad nito sa tubig. Naglagay rin ako ng alcohol na halos ubusin ko na rin ang laman. Pero kalaunan ay napag-isip-isip ko, kahit maraming beses akong maghugas at ilang beses ako maglagay ng alcohol sa kamay, hindi nito mababago ang nangyari na.
I touched his balls!
I squeezed his balls!
Sinubsob ko ang mukha sa unan ko at impit na sumigaw. Hindi ako makapaniwala na nakahawak ako ng balls. Hindi ko naman sinasadya, pero bakit parang hindi na ako inosente?
Kinalkula ko ang mga nangyari. “I haven't done anything wrong. I'm still innocent,” kumbinsi ko sa sarili. Ngunit muli akong napaisip. Tumihaya ako at natagpuan ang sarili na tinitingnan ang isang kamay ko. Ito ang kamay na hindi sinasadyang hawakan ang balls niya. Natigilan ako ng natagpuan ko ang sarili na parang dini-demonstrate ko pa kung paano ko pinisil ang balls niya. Bigla akong natigilan. “But my hands are no longer innocent!” sabi ko, kasabay ang nakabibinging sigaw sa apat na sulok ng silid ko.
Nagkulong ako sa silid ko. Nagpalit na rin ako ng pambahay. Nasira na ang plano ko ngayong araw. Kumakatok siya sa pinto, pero hindi ko siya pinagbubuksan. Nagluto raw siya. Mabuti na lang ay nakisama ang tiyan ko kahit hindi pa ako kumakain ng almusal.
Nilibang ko ang sarili sa panonood ng movie sa laptop ko. Lahat na yata ng genre ay pinanood ko. Suspense, horror, drama, at ang huli ay comedy. Para na nga akong nababaliw dahil paiba-iba ang emosyon ko. But the f**k! The scene in Serge's room earlier keeps flashing in my mind, and I find myself staring at my hands.
Mayamaya lang ay nakaramdam na ako ng pangangalam ng sikmura. Tiningnan ko ang oras sa digital clock na nakapatong sa bedside table. Pasado ala una na ng hapon, kaya pala nagugutom na ako.
“Nasa sala kaya siya?” usal ko.
Medyo masakit na ang mata ko, kaya huminto na ako sa panonood. Umalis ako sa kama at dahan-dahang tinungo ang pintuan. Maingat ko itong binuksan ng bahagya. Mula sa maliit na siwang ng pinto ay sumilip ako. Napangiti ako dahil hindi ko siya nakita sa sala. Sigurado akong nasa silid siya sa mga oras na ito.
Lumabas ako ng kwarto. Nakayapak pa nga ako ng pumunta ako sa kusina. Gutom na gutom ako, kaya kahit hindi ako pamilyar sa niluto niya ay marami akong kinain. Pagkatapos ay hinugasan ko ng dahan-dahan ang pinagkainan ko. Para akong nasa ibang bahay na pumupuslit kumain para lang hindi ako mahuli.
Natigilan ako. Bigla akong napaisip. Mayamaya lang ay nilibot ko ang tingin sa buong kusina. Huminto ang mata ko sa naka-install na CCTV. Nasa bandang itaas ito ng estante. Kayang-kaya kong abutin. Masama ang tingin na lumapit ako at huminto sa tapat nito, saka hindi nagdalawang-isip na ipakita ang middle finger ko.
“This is my place!” mariing sambit ko.
Gusto kong ipaalala sa kanya na bodyguard ko lang siya at ako ang amo niya. Akin ang unit na ito, hindi sa kanya!
Matagumpay na ngiti ang pinakawalan ko nang talikuran ko ang CCTV. Makita man niya o hindi ngayon, hindi ko na babawiin. Marunong naman siguro siya mag-review ng CCTV footage.
“Jesus Christ!” Parang tumalon ang puso ko nang makita ko siya sa bungad ng kusina, nakahalukipkip ng tayo habang nakasandal sa pader. “You startled me!” gulat na sabi ko.
“Nagulat ka pa sa mukhang ‘to,” puno ng kumpiyansa na sabi niya.
“Bigla ka na lang sumusulpot. Ugali mo ba ‘yan?” Hindi ko namamalayan ang presensya niya, kaya nagugulat ako lagi sa kanya.
“Mas mabuting ako ang nanggugulat, kaysa ako ang magulat,” makahulugan niyang sabi. Mayamaya lang ay tumuwid siya ng tayo at nakapamulsang naglakad palapit sa akin. “Bakit dyan ka pa sa harap ng CCTV, nandito lang naman ako?”
Humakbang ako paatras habang nag-iisip ng isasagot sa kanya. Sigurado akong nakita niya ang ginawa ko. Napasinghap ako nang bumangga ang likod ko sa edge ng counterpart. Kahit patuloy pa rin ang paglapit niya at hindi inaalis ang tingin sa akin, ay hindi ako natinag sa kanya. Ako ang boss niya, kaya hindi dapat ako nasisindak sa kanya.
“Ipapaalala ko lang sa ‘yo na ako ang boss mo. Baka kasi nakakalimutan mo na,” matapang na saad ko.
“Ginagawa ko lang ang trabaho ko.”
Shit, malapit na siya!
"So, maybe you should think about your limits." My breath hitched as he stopped in front of me. There was still space between us, but it felt like I couldn't breathe in his presence.
"I'm well aware of my limitations, Miss Reece," he said, his voice flat and emotionless.
Inisang hakbang niya ako, kaya ang kaunting espasyo ay nilamon niya. Nilayo ko ang katawan ko nang bahagya pa siyang lumapit. Kulang na lang ay idikit na niya ang mukha sa akin. Mayamaya lang ay tinukod niya ang isang kamay sa edge ng countertop. Awtomatikong umangat ang isang kamay niya. Napapikit ako at hinintay ang gagawin niya.
“Kaya pala malabo.”
Dumilat ako nang marinig ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko nang tila may ginagawa siya sa taas ng ulo ko. Nang mag-angat ako ng mukha para tingnan ang ginagawa niya ay napaawang ang labi ko. Pinupunasan pala niya ang CCTV.
Huminto siya sa ginagawa niya at nagbaba ng tingin sa akin. Nagtagpo ang mata naming dalawa. Salubong ang kilay niya habang titig na titig sa mga mata ko. Mayamaya lang ay bumaba ang mata niya sa ibabang bahagi ng mukha ko at muling binalik sa akin ang tingin niya.
“How old are you, Miss Reece?” tanong ng niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit mo tinatanong?”
“Gusto ko lang malaman.”
“Paano kung ayaw kong sabihin?”
Pilyo siyang ngumiti. “Are you sure?” Nilapit pa niya ang mukha sa akin.
“A-anong ginagawa mo?” utal na tanong ko.
“Kinukumbinsi ka na sagutin ang tanong ko,” sagot niya.
Ganito ba ang paraan ng pangungumbinsi niya? Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Tumatama na sa mukha ko ang mainit na buga ng hininga niya.
Hindi ako nagpatinag sa kanya. Alam kong sinusubukan lang niya ako kung hanggang saan ang kaya kong makipagtagisan sa kanya.
"You wouldn't dare, Serge," I said, my voice firm and unwavering.
A wide grin spread across his face. "I'm glad to hear my name from you, Miss Reece.” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa mata at labi ko. “What do you think I'm going to do with you, huh?”
Oh, God! His voice had suddenly become so seductive that I couldn't help but swallow. Para na akong nauubusan ng hangin. Ano ba ang naglalaro sa utak niya? Bakit ganito siya umasta sa harap ko?
“S-stop it, Serge.” Dumapo na ang kamay ko sa dibdib niya at bahagya siyang tinulak. “I'm twenty,” sagot ko.
May ideya na pumapasok sa utak ko, pero alam kong hindi niya kayang gawin, lalo na't amo pa rin niya ako. Isa pa, kapag sinumbong ko siya sa kuya ko, tiyak na matatanggal agad siya. Kahit parang walang pakialam sa akin si Kuya Ravi, ako pa rin ang papanigan niya dahil kapatid niya ako.
Tumango-tango siya. Nakahinga ako ng maluwag ng sa wakas ay lumayo na siya sa akin.
“Hindi ka na pala bata. So, okay lang pala na nakahawak ka ng itlog,” sabi niya at tumalikod.
Tulala ako at nakaawang ang bibig. Biglang hindi na proseso ng maayos ang utak ko sa sinabi niya. Mayamaya lang ay biglang bumalik sa balintataw ko ang nangyari kanina, kung paano ko pa pinisil-pisil ang nasa pagitan ng hita niya.
Sinapo ko ang mukha ko at impit na tumili, sabay mariing umiling. Pilit kong winawaglit sa isip ko ang tagpo kanina pero paulit-ulit lang itong nagre-reflect sa isipan ko. Bigla na namang umusbong ang inis ko sa kanya. Kung hindi niya sinabi ay hindi ko maaalala.
Kinabukasn ay wala akong imik sa sasakyan. Tinatahak na namin ang daan patungong D'Amico University. Iniiwasan ko rin na tumingin sa kanya. Hangga't maaari ay ayoko muna magkaroon ng interaction sa kanya. Baka kasi mauwi na naman kami sa pagtatalo.
Pagbaba ko ng sasakyan ay kaagad ko siyang tinalikuran. Pero hindi pa ako nakakapasok sa loob ng campus ay sinalubong na ako nina Dimple at Anne na parehong malawak ang ngiti habang nakatingin sa likuran ko. Nagpapa-cute na naman ang dalawa sa kapreng iyon.
“Pumasok na tayo.” Hinila ko silang dalawa, pero pinigilan nila ako.
“Sandali. Mamaya na tayo pumasok. Maaga pa naman. At saka, may hinihintay kami,” sabi ni Anne.
“Doon na lang kayo maghintay sa loob,” sabi ko at muli silang hinila.
“He's here,” malawak ang ngiti na sabi ni Dimple, kaya napahinto ako.
Kumunot ang noo ko. Sino ba ang hinihintay nila? Mayamaya lang ay may humintong sasakyan sa tapat namin. Hindi ako nakahuma ng lumabas si Archer.
Pasimpleng nilapit ni Anne ang bibig sa tainga ko. “May sasabihin daw s'ya sa ‘yo,” bulong niya sa akin.
Hindi ko na nagawang sumagot dahil nasa harap ko na si Archer.
“Hi,” nakangiting bati niya.
Ngumiti ako. “May sasabihin ka raw?” walang paligoy-ligoy na tanong ko.
Nahihiyang napakamot siya sa ulo at alanganing ngumiti.
"Would you be my partner for the masquerade ball?” nahihiyang tanong niya.
Iyon lang pala. Akala ko kung ano na.
Ngumiti ako. “Of—”
“I'm sorry, but I suggest you find someone else because she already has a partner, and that's me.”
My mouth fell open in shock. Did he just say... he's my partner for the ball?
Hell, no!