Chapter 8

1989 Words
REECE Narinig ko ang singhap ng dalawa kong kaibigan. Gulat at dismaya naman ang mababanaag sa mukha ni Archer, habang ako ay inaapuhap pa sa sulok ng aking isipan ang sasabihin. I was surprised when Serge said that. Kung si Archer nagulat, ano pa kaya ako na walang kaide-ideya na bigla na lang sasabihin ng bodyguard ko na siya ang partner ko sa ball. “I-I thought…” Mabigat ang buntong-hininga na pinakawalan ni Archer. “Good morning, Reece,” matamlay ang boses na sabi niya, saka ako tinalikuran at bumalik sa sasakyan nito. When Archer was out of sight, I turned to my bodyguard with a blank stare. “Why did you tell him that you're my partner for the masquerade ball?” I asked, confused. Kibit-balikat lamang ang tinugon niya sa akin bago minuwestra ang kamay na pumasok na ako sa loob. Wala akong nagawa kundi sundin siya. “Oh my God, Reecy girl. Partner mo si PK? Damn, nai-imagine ko kung gaano siya kakisig kapag nakasuot siya ng suit. I'm really looking forward to seeing him at the ball.” kinikilig na sabi ni Dimple. PK means, poging kapre. Nagkwento kasi ako sa kanila na hindi ko makasundo si Serge at nabanggit ko ang kapre. Hindi raw sila makapaniwala na kapre ang tawag ko kay Serge, samantalang pogi raw ito. Kaya pinasya nilang tawagin na lang na PK si Serge para hindi raw halata na malaki ang paghanga nila sa bodyguard ko. "He's not my partner; I don't even know why he said that to Archer," I said. “Kung ayaw mong partner si PK, akin na lang. Tutal, wala pa akong partner sa ball,” presenta ni Anne sa sarili niya. “Wait. Ako rin naman, wala pang partner. Akin na lang si PK,” sabi naman ni Dimple. “Mas maganda ka kaysa sa akin, kaya madali kang makahanap ng partner. Ibigay mo na sa akin si PK,” hindi nagpapatalo na sabi ni Anne. Napapailing na pinakikinggan ko na lamang ang pag-aagawan ng dalawa kay Serge. Ang tanong, pumayag kaya ang lalaking iyon na maging partner sila? Marahas akong nagbuga ng hangin. Paano ko kakausapin si Archer? Baka isipin niya na ayaw ko siya maging partner dahil sa sinabi ni Serge kanina. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ng kapreng iyon at sinabing partner ko siya? Kasalukuyan kaming nasa canteen. Kanina ko pa tinutusok-tusok ng tinidor ang pagkain sa plato ko. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa kung kakausapin ko si Archer. Pero kapag ginawa ko iyon, baka bigyan naman niya ng kahulugan. “Nakakainis!” sambit ko at parang kutsilyo na diniin ang tinidor sa plato, kaya napatingin sa akin ang dalawa kong kasama. “Anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Anne. “He's driving me crazy," I said, exasperated. “Sino?” curious na tanong ni Dimple. Magsasalita na sana ako nang may kumalabit sa balikat ko. Salubong ang kilay ko nang tumingala ako. Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa harap ko. Nakangiti siya sa akin. "Hi, I'm Oniel. I'm in the same class as Archer, and we're friends," he said. Kumunot ang noo ko. Ano naman kaya ang kailangan niya sa ‘kin? “Kilala kita. Ikaw ang madalas na kasama ni Archer,” sabi ni Dimple. Nakangiting tumango si Oniel bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan ko. “Kaya nga, kaibigan at classmate, girl. Malamang, lagi silang magkasama ni Archer,” pagtatama ni Anne sa kaibigan namin. Inismiran ni Dimple si Anne bago tinuon ang atensyon kay Oniel. “Ano'ng kailangan mo, Oniel?” Tumingin si Oniel sa akin. “Kung pwede ka raw makausap ni Archer.” Tumingin siya sa bandang kanan niya. Sinundan ko ang direksyon na tiningnan niya. Naroon mag-isang nakaupo si Archer. Nakangiting kumaway ito sa akin nang magtagpo ang mata naming dalawa. “Kung okay lang daw.” Impit na tumili ang dalawa kong kaibigan. Mayamaya lang ay nagtatakang tumingin ako sa kanila nang tumayo silang dalawa. “Saan kayo pupunta?” “Sa kabilang table. Mag-uusap kayo ni Archer, ‘di ba?” sagot ni Anne at hinila na si Oniel palapit sa table kung saan nakaupo si Archer. Awang na lang ang labi ko habang sinusundan ng tingin ang dalawa kong kaibigan. Hindi pa nga ako pumayag, pinangunahan na nila ako. Sabagay, kanina lang ay nag-iisip ako kung paano ko kakausapin si Archer. Ito na rin siguro ang tamang oras para magkausap kaming dalawa. Huminga ako ng malalim nang makitang tumayo si Archer. Mayamaya lang ay naglalakad na siya palapit sa akin. “Hi.” “Hello.” Para kaming mga ewan na nagkakahiyaan pa bumati sa isa't isa. “Pwedeng maupo?” Tumango ako bilang tugon. Umupo siya sa tabi ko. Nagkadikit ang balat namin, kaya parang nailang ako. “Sorry.” “It's okay. Tungkol saan pala ang pag-uusapan natin?” Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. “Is that true? Are you going to the ball with someone?" "No," I answered quickly. His face lit up with a hopeful smile. "Really?" I smiled and nodded. "Yes.” Totoo lang ang sinabi ko. Wala kaming pinag-usapan ni Serge na siya ang partner ko sa ball. Kakausapin ko na rin siya mamaya pagdating sa unit ko. "So, if you would do me the honor, would you be my partner for the ball?" he asked, his voice low and tender. “Yes,” walang paligoy-ligoy na sagot ko. Wala naman masama kung partner ko siya. Partner lang naman. “Yes!” puno ng excitement na sambit niya. Tuwang-tuwa siya sa naging sagot ko. “Saan kita pwedeng sunduin, Reece?” Bigla akong natigilan. Walang nakakaalam kung saan ako nakatira. Kahit sina Anne at Dimple ay hindi nila alam. Ang address na nakalagay sa identification card ko ay address sa bahay ng parents ko kung saan nakatira si Kuya Ravi. Ayaw ipaalam ng kapatid ko kung saan ako tumutuloy para na rin sa kaligtasan ko. "Let's just meet at the venue.” Halatang natigilan siya. Kalaunan ay tumango-tango na lamang siya bilang pagsang-ayon sa akin. "Let's just exchange numbers so I know when you're on your way, if that's okay with you.” “Sure.” Inabot niya ang cellphone sa akin. Pagkatapos ilagay ang number ko ay binalik ko na ito sa kanya. “Thank you, Reece. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya,” masigla niyang sabi bago tumayo. "See you at the masquerade ball! I'm looking forward to dancing with you, my princess.” Awang ang labi na sinundan ko na lang siya ng tingin. Parang biglang may nagliparang paruparo sa tiyan ko ng sinabi niyang prinsesa niya ako. Nagmamadaling bumalik ang dalawa kong kaibigan sa mesa namin. Sa reaksyon nila ay parang excited silang malaman ang pinag-usapan namin ni Archer. “Kumusta? Sinagot mo na ba?” Namilog ang mata ko sa tanong ni Anne. “Ano'ng ibig mong sabihin?” “Kung officially mag-on na ba kayong dalawa,” pagtatama ni Dimple. “Tumigil nga kayong dalawa. Kinumpirma lang niya kung partner ko ba talaga si Serge sa ball,” paglilinaw ko sa dalawa. Kung saan-saan na napunta ang malikot nilang pag-iisip. “Ops, akala namin kayo na. So, ano'ng sagot mo?” Dimple asked. “Sinabi ko ang totoo. Saka, tinanong ulit niya kung pwede raw ba niya akong maging partner sa ball,” sagot ko. Malawak ang ngiti ng dalawa. Parang may hinihintay pa sila na sabihin ko. “Then I say, ‘yes,’” pigil ang ngiti na dagdag ko. Impit na tumili ang dalawa sa sobrang kilig. Kanya-kanya pa silang hampas sa isa't isa. Ako naman ay natatawa lang na nakatingin sa ginagawa nila. Pagkatapos ng klase ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Archer. Excited na raw siya sa Biyernes. Biyernes ng gabi kasi gaganapin ang ball. I just replied that he was funny. Sinabi ko rin na ‘wag masyadong excited dahil baka hindi matuloy. He just responded, “Huwag naman, please.” Ang cute lang niya. Para siyang bata na iiyak kapag hindi natuloy ang pamamasyal sa labas kasama ang mga magulang. Salubong ang kilay na tinapunan ko ng tingin si Serge. Nasa pinakagilid ako ng upuan dito sa likod, bandang kanan ng driver's seat, kaya kitang-kita ko mula rito sa pwesto ko ang hindi maipinta niyang mukha. Simula ng sinundo niya ako ay wala na siyang imik. Nakapagtataka dahil parang ang tahimik niya ngayong araw. O baka umiiwas lang siya dahil sa ginawa niya kaninang umaga? Maging pagdating sa unit ko ay walang imik na dumiretso siya sa silid niya. Parang wala na yata siyang pakialam kahit takasan ko siya. Sabagay, may CCTV na nakabantay sa akin kahit wala siya sa harap ko. “Ano'ng problema ng kapreng ‘yon?” takang tanong ko nang pumasok ako sa kwarto ko. Pagkatapos ko magpalit ng pambahay ay lumabas ako ng kwarto. Tinapunan ko ng tingin ang pinto ng silid niya bago tinungo ang kusina. Nagbukas ako ng ref para tingnan kung may tira pang pagkain. Napangiwi ako dahil kahapon pa ang mga pagkain na nandito. “Hindi ba s'ya magluluto?” usal ko. Hindi yata siya gutom dahil hanggang ngayon ay nasa kwarto pa rin siya. Kumuha ako ng cup noodles sa taas ng cabinet. Ito na lang ang kakainin ko. Bahala na siya magluto ng pagkain niya. Hindi ko naman obligasyon na paglutuan ko pa siya. Saka, baka pintasan na naman niya ang luto ko. Naghintay ako ng ilang minuto bago maluto ang noodles. Makalipas ang ilang sandali ay binuksan ko na ang cup noodles. Nakangiting nilagay ko ang noodles sa mangkok, saka hinalo. Akma akong susubo nang makita ko siya, kaya napahinto ako. “Magluluto ka?” Kumuha kasi siya ng pechay sa ref at hinugasan ito, saka sinimulang hiwain ng maliit. Hindi niya ako sinagot, kaya hinayaan ko na lang siya. Susubo sana ulit ako nang bigla niyang kinuha ang chopstick na hawak ko, pati noodles. “What are you doing?” puno ng pagtataka na tanong ko. “Mas masarap ito kapag nilagyan ng gulay,” blangko ang mukha na sagot niya. Napangiti ako. Lalagyan pala niya ng twist ang noodles. Hindi pa naman ako nagugutom, kaya naghintay ako at pinanood siya. Parang marami siyang alam sa pagluluto. Baka natutunan niya sa kanyang ina. “Bakit nakasimangot ka kanina?” I randomly asked him. Curious lang ako dahil parang iba ang mood niya ng sinundo niya ako. Napahinto siya sa paghihiwa ng sibuyas. Naghintay ako ng sagot niya, pero lumipas na ang ilang segundo ay nanatili siyang tahimik at tinuloy ang ginagawa niya. Sumimangot ako at nangalumbaba. Mayamaya pang ay nasa harap ko na ang noodles with a twist. Parang masarap kahit walang kanin. “Kain tayo,” yaya ko sa kanya. “I'm not hungry,” seryosong tugon niya, sabay talikod sa ‘kin. Sinundan ko siya ng tingin. May problema kaya s'ya? Hindi ako nakatiis ay tumayo ako at sinundan siya. Naabutan ko siyang papasok na sa kwarto niya. “Serge!” tawag ko sa kanya. Sinulyapan niya ako. “Kanina ko pa kasi napansin na parang malalim ang iniisip mo. May problema ka ba?” concern na tanong ko. Baka kasi kailangan lang niya ng may masasabihan. I'm prepared to listen attentively. Tumaas ang isang kilay niya. Nakapamulsang tumuwid siya ng tayo. “Kaya mo bang solusyonan ang problema ko?” Hindi agad ako nakasagot. Gaano ba kalaki ang problema niya? “So, may problema ka nga?” “Yes,” mabilis na sagot niya. “Ano? Baka makatulong ako.” “Ang problema ko ay kung paano ko paaamuhin ang pasaway na kuting.” Ako ba ang tinutukoy niya? Ako naman ngayon ang tumaas ang kilay. “Itapon mo para hindi mo na problemahin,” suhestiyon ko. Ngumisi siya. “So, gusto mong itapon kita?” My lips parted slightly. Ibig sabihin, ako nga ang problema niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD