REECE
Araw ng Sabado, umaga pa lang ay abala na ako sa paglilipat ng gamit sa silid ko. Mabuti na lang ay katuwang ko ang lima sa tauhan ni Kuya Ravi at si Serge sa paglilipat ng mga gamit sa bagong unit ko. Kaya siguro lima na ang pinadala ng kapatid ko para mapabilis ang paglilipat ko. Heto nga at alas kwatro na ng hapon ay nag-aayos na lang kami ng gamit dito sa unit ko.
Ayaw na nga nila ako patulungin dahil sila na raw ang bahala. Pero hindi ako pumayag. Gamit sa silid ko lang naman ang concern ko. Sila na ang bahala sa ibang mga gamit.
Ngayon lang ako pumabor na lumipat ako ng unit. Lagi ko kasing nabubungaran ang mukha ng bago kong bodyguard sa sala sa tuwing gumigising ako sa umaga.
Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko sa silid nang may kumatok sa pinto. Tumayo ako at tinungo ang pinto. Pagbukas ko ay tumambad sa harap ko si Serge na salubong na naman ang kilay.
“What?” nakataas ang kilay na tanong ko.
“Nagpadala ng pagkain si Sir Ravi.”
Hindi ko na siya sinagot. Nilampasan ko lang siya at tinungo ang kusina. Nadatnan ko ang mga tauhan ni Kuya Ravi na natigil na kumuha ng pagkain sa mesa nang makita ako.
“Miss Reece, kain tayo,” yaya sa akin ng isa.
“Don't mind me. Kain lang kayo,” sabi ko at umupo sa bakanteng upuan. Kumuha ako ng pizza. “Pupunta ba si Kuya?” Nagbabakasakali ako na sana ay dalawin ako ng kapatid ko.
“Wala siyang nabanggit, Miss Reece.”
“How about, Tito Ernel?” Isa pa ‘yon na nakalimutan na rin yata ako.
Nagpadala ako ng mensahe sa kanya na nilipat ako ni Kuya Ravi ng unit. So, ang in-expect ko ay pupuntahan niya ako.
“Walang nabanggit si Boss Ravi, Miss Reece. Pero alam mo naman kung bakit bihira ka lang nila dalawin, ‘di ba? Para rin sa kaligtasan mo ang iniisip nila.”
Yeah, I know. They're just trying to protect me. Pero hindi ba nila naisip na kailangan ko rin ng atensyon nila? Ayaw na nga nila akong payagan lumabas, hindi pa nila ako pinupuntahan. Sana sa gubat na lang nila ako pinatira kung ganitong para akong nakakulong at ayaw nilang ma-expose ako sa mga tao.
“Whatever. Lagi naman nilang rason iyan.” Inis na kumagat ako sa pizza na hawak ko. “Sabihin n'yo na lang sa kanila, kalimutan na lang nila ako. I hate them.”
Napaawang na lang ang labi nila sa binitawan kong salita. Alam ko naman na hindi nila kayang sabihin ang sinabi ko sa dalawang mataas ang posisyon sa organisasyon. Hindi ko na lang pinansin ang naging reaksyon nila.
Nakasimangot na kumuha ako ng plato at naglagay dito ng dalawang slice ng pizza, saka nagsalin ng juice sa baso bago lumabas ng kusina. Naabutan ko si Serge sa sala, nakatuon ang atensyon sa phone niya. Napansin niya ako, kaya tumingin siya sa akin, pero hindi ko siya pinansin.
Sumalampak ako ng upo sa kama at nakasimangot na kinain ang pizza. Nilibot ko ang paningin sa loob ng silid ko. Kaunti na lang pala ang aayusin ko sa silid ko. Pagkatapos ko kumain ay humiga muna ako. Mayamaya lang ay namigat na ang talukap ko, kaya hindi ko na rin napigilan ang antok ko.
Paggising ko, madilim na sa loob ng silid ko. Ang tanging nagsisilbing liwanag sa silid ay ang mga ilaw ng malalaking gusali sa labas ng condo unit, na tumatagos mula sa sliding glass door sa balcony ng kwarto ko.
Humihikab na bumangon ako sa kama. Tinungo ko ang shower room para maligo. Makalipas ang ilang minuto ay nagbihis na ako. Hinayaan ko muna ang tuwalya sa ulo ko dahil basa pa ang buhok ko. Paglabas ko ng silid ay naabutan ko si Serge sa sala.
“Nasaan na sila?” tukoy ko sa mga tauhan ni Kuya Ravi,
“Umalis na.”
Tumango-tango ako.
“What are we having for dinner?”
“May tira pa kanina, initin na lang natin,” sagot niya. Nakatuon ang atensyon niya sa kanyang ginagawa.
Na-curious ako, kaya umupo ako sa pang-isahang sofa—katapat niya. May nakita akong maliit na kahon sa ibabaw ng mesa, kaya kinuha ko ito para buksan.
“What's inside?”
“CCTV camera?”
Napahinto ako nang akma kong bubuksan ang kahon. Salubong ang kilay na tumingin ako sa kanya.
“For what?” takang tanong ko.
“For security purposes,” he replied quickly.
“What?” gulat na sabi ko. “You mean, lalagyan mo ng CCTV itong unit ko?”
Mula sa hawak niya ay nang-angat siya ng mukha para sulyapan ako.
“Yes. Why? Do you have any problem with that?”
"Yes!" I exclaimed. "That completely invades my privacy! It's way too much!" I protested strongly.
Hindi na makatarungan ang ginagawa niya. Pumayag na nga ako na kasama ko siya sa unit ko, tapos, lalagyan pa niya ng CCTV camera?
No!
“Nagpaalam na ako sa kuya mo. Pumayag naman siya,” he said with a flat tone, as if my reaction meant nothing to him.
“Bakit hindi ka nagpaalam sa akin? Amo mo rin naman ako, a!” inis na sabi ko.
“Yes. But your brother hired me, so I have to follow his orders. Sa kanya rin ako magpapaalam kapag may mga susunod na hakbang akong gagawin, as long as they involves you. After all, kapag may nagawa akong hindi maganda, siya rin naman ang magtatanggal sa ‘kin,” kalmadong paliwanag niya at muling binalik ang atensyon sa kanyang ginagawa. Wala talaga siyang pakialam kahit parang nagwewelga na ako sa kanilang dalawa ng kuya ko.
“This is so unfair. So, ano lang ako rito? Ha?”
Muli niya akong sinulyapan. “Makulit na kuting,” walang paligoy-ligoy na sabi niya, kaya bigla akong natahimik.
Nanggigigil na tumayo ako at padabog na tinungo ang kusina. Idadaan ko na lang sa pag-kain ang inis ko. Hindi rin naman ako mananalo kapag nakipagtalo pa ako sa kanya. Galing kay Kuya Ravi ang permiso, kaya ano ang laban ko?
“Miss Reece.”
Hindi ko siya sinagot nang tinawag niya ako. Bahala siyang mapanis ang laway. Hindi porket kinain niya ang niluto ko noong nakaraan, kahit sunog, ay okay na kaming dalawa. Hindi pa rin ako natutuwa sa pakikialam niya sa akin.
“Maglalagay ako ng CCTV sa kwarto mo.”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya, kaya kaagad akong lumingon sa kanya. Natanggal ang tuwalya sa ulo ko, kaya nahulog ito sa sahig. Hindi ko na ito pinagtuunan na damputin dahil kinuha na naman ng kapreng ito ang inis ko.
“Wala na nga akong privacy sa sarili kong unit, pati ba naman sa kwarto ko, lalagyan mo?” hindi makapaniwala na sabi ko. Sumusobra naman yata ang panghihimasok niya sa buhay ko.
Naglakad siya palapit sa akin. Mayamaya lang ay dinampot niya ang tuwalya sa sahig.
“I'm just kidding. Ayaw mo kasi akong kausapin.”
Hindi ako nakahuma nang nilagay niya sa ulo ko ang tuwalya at sinimulang patuyuin ang buhok ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi rin niya inaalis ang mga mata sa akin. Titig na titig kami sa isa't isa. Para akong nanigas sa upuan dahil sa ginawa niya. Ang huling gumawa nito sa akin ay ang mommy ko.
“Hindi pa naman ako desperado para pag-interesan na makita ang katawan mo.”
Nagpanting ang tainga ko sa narinig ko, kaya tinabig ko ang kamay niya. Bahagya siyang napaatras nang tinulak ko siya.
“Hindi ko rin pag-aaksayahan na ipakita ang katawan ko sa ‘yo. Manigas ka!” singhal ko sa kanya.
Pilyo siyang ngumiti, sabay pinasadahan ako ng tingin. “But I already saw your body.”
Napasinghap ako at kaagad na niyakap ang sarili. Oo nga pala, nakita na niya ang katawan ko. May suot pa nga ako ng gabing iyon.
Sa inis ko ay binato ko ang tuwalya sa kanya, pero parang bola lang niya itong sinalo.
“Pervert!”
Hindi pa ako napikon sa tanang buhay ko. Sa kanya lang talaga parang mauubos ang pasensya ko. Kakausapin ko ang kapatid ko bukas. Sasabihin ko sa kanya na palitan ang kapreng ito.
He's getting on my nerves!
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Desidido na akong kausapin si Kuya Ravi. Pangako, hindi ko na tatakasan ang magiging bagong bodyguard ko, basta palitan lang niya si Serge.
Pagkatapos kong magbihis ng panlakad ay lumabas na ako ng silid. Muntik ko ng makalimutan na may sariling kwarto na pala siya, kaya hindi ko siya nakita sa sala.
Nilibot ko ang paningin sa sala. May nakita na nga akong naka-install na CCTV camera. Malamang ay mayroon din sa kusina at sa bawat sulok ng unit ko.
Kung tutuusin ay pwede ko na siyang takasan ngayon, pero hindi ko ginawa dahil sigurado akong naka-monitor na ako. I'm sure, gising na siya ng ganitong oras.
Naglakad ako palapit sa kwarto niya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Ilang katok muna ang ginawa ko bago bumukas ang pintuan ng kwarto niya.
“Aalis tayo…” Biglang humina ang boses ko nang bumungad siya sa harap ko.
Hindi ko mapigilang lumunok nang tumambad sa mga mata ko ang hubad niyang katawan. Parang katatapos lang niya maligo dahil tumutulo pa ang tubig sa buhok niya. Dumadaloy rin ang butil ng tubig pababa sa katawan niya.
Pero ang talagang nakakuha sa atensyon ko ay ang six-pack abs niya. Hindi ko inaasahan na ganito pala kaganda ang katawan ng kapreng ito. Mukhang babad siya sa workout. Ang bango rin niya. Nanunuot sa ilong ko ang sabon at shampoo na ginamit niya.
“What is it again, Miss Reece?”
Bumalik ako sa katinuan ng marinig ko ang boses niya. I quickly looked away, worried he might think I was fantasizing about his body. Tumagilid ako sa kanya para hindi mapunta ang tingin ko sa katawan niya. Para kasing may nag-uudyok sa akin na tumingin ako sa hubad niyang katawan.
“Aalis tayo,” nakahalukipkip na sabi ko.
“Saan tayo pupunta?”
“Sa kuya ko,” I quickly replied.
“Sige. Tatawagan ko muna si Sir Ravi.”
“What?” Nakatalikod na siya sa akin. Mukhang tatawagan nga niya ang kuya ko. “Bakit kailangan mo pa siyang tawagan?”
“Dahil iyon ang bilin niya sa ‘kin. Bago niya ako iharap sa ‘yo, may mga bilin na siya sa akin, at isa na rito ang tawagan muna siya kapag gusto mo siyang puntahan,” paliwanag niya.
I can't believe this. I know he's just being careful. Pinoprotektahan lang niya ako, pero pati ba naman ang pagpunta sa kanya ay kailangan pang ipagpaalam? Kapatid pa ba talaga ang turing niya sa akin?
Hawak na niya ang phone niya. Tatawagan na niya si Kuya Ravi. Pero nagbago na ang isip ko. Masama ang loob ko sa kapatid ko, kaya hindi na ako pupunta sa kanya.
Hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok sa kwarto niya. Napansin niyang pumasok ako, kaya tumingin siya sa akin. Salubong ang kilay niya at nakatingin lang sa akin habang palapit sa kanya.
“Huwag mo nang tawagan si Kuya,” sabi ko, sabay hablot sa cellphone niya dahil parang nagri-ring na ang phone ng kapatid ko.
Bigla akong na-out of balance, kaya muntik na akong matumba, pero kaagad niya akong nahawakan sa kamay at hinatak palapit sa kanya. Hinapit niya ako sa baywang, kaya bahagya akong nakatingkayad.
“Bitiwan mo nga ako.” Tinulak ko siya, pero siya naman ngayon ang nawalan ng balanse. Sa halip na mabitawan niya ako, sumama pa ako sa pagbagsak ng katawan niya sa kama.
Impit akong napatili ng sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ko ang daing niya. Napalakas yata ang pagtama ng mukha ko sa dibdib niya. Ramdam ko iyon dahil sumakit ang ilong ko.
Nag-angat ako ng mukha para sulyapan siya. Mariin siyang nakapikit. Mukhang nasaktan nga siya.
“Bakit kasi hindi mo ako binitiwan?” sermon ko sa kanya.
“Kung binitiwan kita, sa sahig ka babagsak,” nakapikit na katwiran niya.
Bumaba ang mata ko sa kamay ko na nakalapat sa dibdib niya. Grabe, pati dibdib niya, firm. Kahit pisilin ko yata ay matigas pa rin. Sa ganda ng tindig niya, pwede siya maging model, lalo na at maganda rin ang katawan niya. Aaminin ko, gwapo siya. Kaya hindi ko masisisi na humanga kaagad sa kanya ang dalawa kong kaibigan una pa lang siyang nakita. Tuwang-tuwa nga sila ng malaman na bodyguard ko siya.
"Are you done touching it?”
Nag-angat ako ng mukha. Bumaba ang mata niya sa dibdib niya. Saka ko lang napagtanto na nakabaon ang daliri ko sa dibdib niya.
Oh, no. Hindi ko namalayan na pinipisil ko na pala ang dibdib niya!
Tinukod ko ang kamay ko at bahagyang inangat ang katawan ko para umalis sa ibabaw niya. Pero muling nagdikit ang katawan namin ng biglang diniin niya ang kanyang kamay na nakapatong sa likod ko.
Nagtaka ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako nakahuma nang nilagay niya ito sa bandang may abs niya.
“Huwag ka nang mahiya. Pwede mong hawakan ang katawan ko hanggat kailan mo gusto,” nakangising sabi niya.
Namilog ang mata ko. Pervert talaga!