Chapter 31

2505 Words

REECE Pinakiramdaman ko si Serge. Mayamaya lang ay narinig ko na ang pagsara ng pinto. Napabuntong-hininga na lang ako nang hindi ko na naramdaman ang presensya niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang unti-unting nag-sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi ko. Pakiramdam ko tuloy, ang sama kong tao. Parang naging masama ako sa paningin niya dahil nagawa kong makapagbitaw ng ganoong salita kay Eliana sa harap niya. Pinilit kong matulog, pero hindi ko magawa. Paulit-ulit lang na sumusulpot sa isipan ko ang mga sinabi ko kay Serge. Baka bigyan niya ng kahulugan ang huli kong sinabi sa kanya. Iritableng bumangon ako sa higaan. Kaysa magmukmok ako dito, makikipagkulitan na lang ako sa mga kaibigan ko. Patay-malisya na lang siguro kapag nagkaharap kami ni Serge. Susubukan ko na lang din na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD