REECE Makalipas ang mahigit na kalahating oras, narating na namin ang resthouse ng pamilya ni Archer. Kahit medyo malayo sa sentro ay mabilis nakuha ni Serge ang address. Pagdating namin ay naghihintay na sa labas ng resthouse si Archer, kasama ang mga kaibigan niya at ang tatlong babae, na tiyak akong girlfriend ng tatlo sa kaibigan niya. Excited na bumaba ang mga kasama ko. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng sasakyan. Lumawak ang ngiti ni Archer nang makita ako. "Finally, you're here," he said, his eyes fixed on me as if I were the only one who had arrived. “Siya ba si Reece, pare?” tanong ng isa sa kasama ni Archer. Makahulugan ang ngiti na ipinupukol nito sa aming dalawa ni Archer nang tinapunan ko ito ng tingin. “Yes,” tugon ni Archer, na hindi mawala-wala ang ngiti sa

