Chapter Eleven

960 Words
"I CAN'T believe na mako-confine ka sa ospital due to food poisoning. Ano ba'ng kinain mo, Odie?" naiiritang tanong ni Garfield sa kakambal niya. Tiningnan siya nito nang masama. Prente itong nakaupo sa hospital bed, nakasandal sa headboard, at kumakain ng mansanas. "Kasalanan ko ba kung hindi ko napansin na expired na pala 'yong tinapay sa shop ko? I was busy. Wala na akong time tumingin sa expiration date ng kinakain ko." He rolled his eyes. Hindi naman talaga siya galit kay Odie. Masyado lang kasi siyang nag-alala nang sabihin nitong nasa ospital ito. "Nasaan 'yong alipin mo?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang boyfriend nito. "Break na kami." "What?!" Sumimangot ito. "Garfield, genius ka kaya alam kong kahit hindi ko ulitin ang sinabi ko ay naka-register na sa utak mo 'yong sinabi ko." Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Wala roon ang mommy nila dahil hindi na nila sinabi rito ang nangyari kay Odie para hindi na ito mag-alala pa, tutal ay okay naman na ang kapatid niya. Pero nahiling niya na sana ay naroon ang ina niya para damayan si Odie. Hindi niya alam ang dapat sabihin para pagaanin ang kalooban nito. Umupo siya sa gilid ng kama ni Odie. Niyakap niya ito saka ito hinalikan sa noo. That was the only way he knew to comfort her. "May gusto ka bang kainin? Ibibili kita." Tumango ito. "Lasagna." Tumawa siya saka ginulo ang buhok nito. "Hintayin mo ako rito." Lumabas na siya ng pribadong kuwarto nito. Habang pababa siya ng hagdan ay may paakyat naman na isang lalaking may-edad, at may kasunod na babaeng mukhang sekretarya nito. The two looked like professional in the corporate world. Dahil sa utak niyang mabilis kumilala, napagtanto niyang ang lalaking ito ay si Alberto Labradal—ang ama ni Snoopy. Sigurado siya dahil minsan na niya itong nakita sa isang business magazine. "Sophie, pakitawagan si Snoopy. Sabihin mo sa kanyang hindi ako makakapunta sa dinner namin. Sabihin mong pipilitin kong i-reschedule 'yon sa susunod na buwan," malamig na sabi ni Alberto Labradal. "Yes, Sir," mabilis na sagot naman ng sekretarya nito, saka naglabas ng cell phone. Hindi na niya narinig ang sunod na pinag-usapan ng mga ito dahil nakalayo na ang mga ito. Sapat na ang mga narinig niya para mag-alala siya para kay Snoopy. Naikuyom niya ang mga kamay niya. He saw how excited Snoopy was then. Isipin pa lang niyang madidismaya ito, parang may pumipiga na sa puso niya. Naputol lang ang pag-iisip niya nang tumunog ang cell phone niya. It was his mom. "Yes, 'My?" "Hijo, nabati mo na ba si Snoopy?" Kumunot ang noo niya. "Bakit, Mommy? Ano'ng meron? Nanalo ba siya sa lotto?" "Loko kang bata ka! Twenty-first birthday ni Snoopy ngayon kaya dapat lang na batiin mo siya." Mabilis niyang pinutol ang linya pagkatapos marinig ang sinabi ng kanyang ina. Tinawagan niya agad si Snoopy. He needed to know where she was. He needed to go wherever she was. Dang, he needed to be with her. Pakiramdam niya, bawat pag-ring sa kabilang linya ay hinihila niyon pabagal ang oras. Nakahinga lang siya nang maluwag nang sagutin na ni Snoopy ang tawag niya. "Snoopy, nasaan ka?" "Ahm... I'm... having dinner with my dad." Napahigpit ang pagkakahawak niya sa cell phone niya. Nagsisinungaling ba ito dahil ayaw nitong kaawaan niya ito? "Really? Are you happy?" "Of course, I am. Alam ng lahat ang kuwento ng buhay ko. Alam mo rin dapat kung ano'ng nararamdaman ko ngayon na ako ang naging priority niya sa gabing ito." Natigilan siya sa paglalakad nang nasa exit na siya ng ospital. Nakita niya kasi roon si Snoopy. Nakasandal ito sa kotse nito paharap sa ospital. Nakatingala ito sa gusali kaya marahil hindi pa siya nito nakikita. She looked so sad, like she was about to cry. If you're happy, why do you look like you're about to cry? You said I should know how you should feel now that your father found time to be with you. Of course, you could have been happy if the father you rarely saw celebrated your birthday with you. But it didn't happen, Snoopy. And I can see that you're hurting right now. Your silent cry is breaking my heart. "O, bakit natahimik ka?" mayamaya ay tanong ni Snoopy. "Do you want me to end this call? I thought you were with your dad?" Nakita ni Garfield na nalaglag ang mga balikat nito. "Oh. You're right. I should hang up now." And she did. Pagkatapos ay nanatili itong nakatingala sa gusali ng ospital. Ilang sandali pa ay naglakad-lakad ito. She paced back and forth, as if she was debating with herself whether she should go inside or not. Nagtago siya sa likod ng poste para hindi siya nito mapansin. Pinanood lang niya ito. Nang mga sandaling iyon, unti-unti nang nagbago ang tingin niya kay Snoopy. She wasn't the mean girl he thought she was. She was just a lonely little girl. Sinundan niya si Snoopy nang tumawid ito ng kalsada at naglakad sa tapat ng mga nakahilerang shop roon. She stood out because of the pretty red dress she was wearing. Nataranta siya nang matapilok ito. Tumakbo siya para sana saluhin ito, pero hindi na pala kailangan dahil naitukod naman nito ang kamay nito sa metal railing sa gilid ng kalsada. Pero sa halip na tumayo nang deretso ay lalo pa itong yumuko. Nagsimula na ring yumugyog ang mga balikat nito. Shit! Hindi na niya kinayang panoorin na lang ito sa ganoong kamiserablehan sa gitna ng maraming tao, pero ni isa man lang ay walang pumansin o tumulong dito. Hinawakan niya ito sa braso saka marahang hinila patayo. Marahas na nilingon siya nito. Halatang nagulat ito nang makita siya pero bago pa ito makapagtanong ay niyakap na niya ito. Nagpumiglas si Snoopy pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya rito. "'Wag mo akong kaawaan," banta ni Snoopy sa basag na boses. "Then, don't show me that stupid face. Ayokong makitang umiiyak ang crush ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD