NAKASIMANGOT si Snoopy habang nakaharap sa mesa kung saan may nakahain na dalawampung cupcakes at isang malaking vanilla flavored cake sa gitna na isang pulang puso lang ang disenyo.
Nilinga niya si Garfield na katabi niyang nakaupo sa settee sa loob ng Harury's Sweets, ang shop na pinagdalhan nito sa kanya pagkatapos siya nitong makitang umiiyak sa gitna ng kalsada.
"Ano 'to, Garfield?" nayayamot na tanong niya rito.
Kumuha ito ng isang cupcake at kinagatan iyon. "Masarap daw ang cupcakes dito kaya gusto kong subukan. Tama sila, masarap nga. Tikman mo."
"Alam ko kung ano ang ginagawa mo, Garfield. You know how much I hated to be pitied, so quit it. Please."
"Sinabi ko na rin sa 'yo, kung naaawa man ako sa 'yo, maliit na bahagi lang 'yon ng pag-aalala ko para sa 'yo. I'm concerned about you, I care about you." He cupped her face. Napilitan tuloy siyang lingunin ito. "Snoopy, stop being stubborn and accept my feelings."
Inalis niya ang mga kamay nito sa mukha niya. "Feelings-in mo'ng mukha mo."
Napatitig siya rito. Garfield was probably the first person aside from her mom and Gummy who genuinely cared about her. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya para hindi maantig sa mga ginagawa at sinasabi nito sa kanya.
"Salamat, Garfield. Pero hindi naman kailangan na ganito kadaming cupcakes ang order-in mo, tutal naman ay my cake na tayo," nakangiting sabi niya.
Nag-iwas ito ng tingin sa kanya. "Twenty-one ka na, 'di ba? Sa twenty years na lumipas, hindi mo ako nakasama mag-celebrate. Kaya ise-celebrate natin ang twenty years na 'yon."
May mainit na bagay na bumalot sa puso niya. Hindi niya tuloy napigilang mapangiti. "Kung magsalita ka naman, parang malaking kawalan sa 'kin na hindi kita nakasama sa nakalipas na twenty-one years sa buhay ko."
"Hindi mo pa lang nare-realize, pero malaking kawalan talaga ako sa buhay mo—aw!"
Sinipa niya ang binti nito sa ilalim ng mesa. "Ang kapal talaga ng mukha mo."
"Biro lang. Magkuwento ka na lang ng mga nakalipas mong birthday memories para ma-celebrate natin 'yon ngayong magkasama na tayo."
Sumandal siya sa upuan saka humalukipkip. "Hindi ko na gaanong naaalala ang mga naging birthday ko noon, pero 'yong pakiramdam ko sa bawat taon na 'yon, hinding-hindi na yata mawawala. Alam mo 'yong pakiramdam na hinihintay mo si Santa Claus kapag Pasko noong bata ka pa? Gano'n ang nararamdaman ko tuwing magbe-birthday ako dahil palaging nangangako si Daddy na magse-celebrate kami nang magkasama. I was always hopeful, excited, and giddy.
"Pero alam mo, no'ng g-um-raduate ako ng high school, nakagawa ako ng isang malaking pagkakamali. Ang gusto kasi ni Daddy, makapasa ako sa school sa US kung saan nag-aaral ang half sister ko. Pero bumagsak ako. He said he was disappointed in me. Simula rin no'n, napansin kong naging mas malayo na ang loob niya sa 'kin. I can't make him proud the way my sister makes him proud.
"And then I saw my mom in me. Gano'n din kasi si Mommy noon—umaasa, naghihintay pero nabibigo lang sa huli. Ang bawat birthday ko, ipinapaalala sa akin na pangalawa lang ako sa half sister ko. Na kahit ano'ng sikap ko, magiging second place na lang ako sa mga taong mahalaga sa 'kin, gaya kung paanong pangalawa lang si Mommy kay Daddy. I will never be the best, and it hurts to always look up to other people."
Garfield groaned. "I should have not asked you that question. I'm sorry if I made you remember those painful memories."
Nilingon niya ito. Kitang-kita niya ang pagsisisi sa mukha nito. Ngumiti siya saka umiling. "Wala ka namang ginawang mali. Isa pa, I wanted to share what I feel with you."
Hinawakan nito ang kamay niya. "Bakit hindi ka tumuloy sa ospital kanina?"
"Kahit na sinabi na sa 'kin ng secretary ni Daddy na hinimatay lang ang ate ko dahil sa pagbubuntis nito, gusto ko pa rin sanang makita siya. Pero pinanghinaan ako ng loob." Yumuko siya. "And I can't look at my sister. My ate is close to perfection. She is everything a father could hope for in a daughter. Siguradong mai-insecure lang ako kapag nakita ko siya."
Matagal bago nagsalita si Garfield. "You're not happy with yourself."
Nag-angat siya ng tingin dito. Ang kirot sa puso niya ang patunay na tama ito. "Maybe I'm not."
"You know, Snoopy, don't ask other people to love you, show them that you are worth loving. And before you love other people, love yourself first."
Kahit malungkot ay ngumiti siya. "Trust me, I want that, too. Pero hindi ko mapigilang ma-insecure sa mga tao sa paligid ko."
Pinisil ni Garfield ang baba niya at marahan siyang iniharap dito. "I will help you love yourself, Snoopy. Hindi naman kita magiging crush kung wala akong nakitang espesyal sa 'yo, aside from your nice legs," halatang nagbibirong sabi nito.
Natawa siya. "Puro ka talaga kalokohan."
"Crush talaga kita."
Ngumiti lang siya saka ito binigyan ng magaang na halik sa pisngi. "Thank you. Okay lang sa 'kin na magka-crush ka sa 'kin, pero hindi mo ako puwedeng mahalin, ha?"
"Ang lupit mo."