NAKASIMANGOT si Snoopy habang nagmamaneho. Sinulyapan niya si Garfield na prenteng nakaupo sa passenger's seat habang natutulog. Naka-shades pa ang mokong. Pero nang makita niya ang payapa nitong anyo ay naglaho ang inis na nararamdaman niya. Hindi pa rin kasi niya nakakalimutan ang ginawa nitong pagsama sa kanya noong birthday niya.
The things he did and said that night touched her heart deeply. Nabawasan ang lungkot niya nang gabing iyon. And he made her birthday special.
"'Wag mo naman ako masyadong titigan. Nako-conscious ako." Garfield opened his eyes and winked at her.
Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito. Napansin kasi niyang lalo itong gumuwapo sa paningin niya ngayon. "Hindi kita tinititigan. Isinusumpa kita. Bakit ba binawi-bawi mo pa 'tong kotse mo kung ako rin naman pala ang palaging magmamaneho nito?"
"Kapag ako ang pinagmaneho mo, maaaksidente tayo."
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?"
"Kapag nagmaneho ako habang nasa tabi kita, mahihirapan akong tumingin sa daan dahil sigurado namang hindi ko mapipigilan ang sarili kong titigan ka. Crush kasi kita."
Hindi iyon ang unang pagkakataon na sinabi ni Garfield na crush siya nito, pero ngayon lang yata nagwala ang mga paruparo sa tiyan niya. Noong una ay binabale-wala lang niya iyon dahil mababaw lang ang crush para sa kanya. Pero ngayon, nagiging masaya na siya kapag sinasabi nito iyon. Nararamdaman kasi niyang espesyal siya rito, at iyon ang bagay na matagal na niyang gustong maramdaman. She felt secure and cherished.
"Kinikilig ka?" panunudyo ni Garfield sa kanya.
Nag-init ang mga pisngi niya. "Ewan ko sa 'yo, Garfield."
"Snoopy, stop. We're here."
Ipinarada niya ang kotse sa tapat ng establisimyento na itinuro ni Garfield. Pagbaba niya ng kotse ay tumingala siya sa gusali. "Tee House" ang nabasa niyang pangalan niyon.
"My sister owns that shop," proud na sabi ni Garfield. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa braso at marahang inakay papasok sa Tee House.
Katulad ng pangalan niyon, puno nga ng T-shirt na may iba't ibang nakakaaliw na disenyo ang shop. Nakakatuwa rin ang mga nakasulat na statement sa mga tee na suot ng mga manikin. Hindi siya madalas magsuot ng T-shirt pero naku-cute-an siya sa mga nakikita niya ngayon.
"Garfield!"
Isang babaeng may nakasabit na DSLR sa leeg ang lumapit sa kanila. Magulo ang pagkakapusod ng buhok nito, at ang suot nito ay maluwag na T-shirt na may nakasulat sa harap na "I'm Sexy And I Know You're Jealous," maong na pantalon, at sneakers. Magulo man ang hitsura nito ay maganda naman ang mukha nito. She looked like the female version of Garfield.
"Snoopy, this is my twin sister, Odie," pagpapakilala ni Garfield sa kapatid nito.
Oh. They're twins.
"And Odie, this is Snoo—"
Biglang hinawakan ni Odie ang kamay niya. "You're Snoopy, right? Ikaw 'yong crush nitong si Garfield, 'di ba? Madalas ka kasi niyang ikuwento sa 'kin."
Nagulat siya na pati ang kapatid ni Garfield ay alam ang tungkol sa pagkaka-crush nito sa kanya. Pero hindi niya alam kung mas nagulat ba siya sa nalaman na pinag-uusapan siya ng mga ito madalas.
"Ahm, yes. I'm Snoopy. Madalas ba akong siraan ni Garfield?" biro niya.
Natawa si Odie. "Of course not! Puring-puri ka kaya ng kapatid ko."
"Hey!" saway ni Garfield dito.
"Hey-in mo'ng mukha mo," angil naman ni Odie, kapagkuwan ay hinawakan siya nito sa kamay at hinila papunta sa mga nakahilerang T-shirt sa isang estante. "Ito ang mga bago kong design na tee. Mamili ka ng kahit anong gusto mo, ibibigay ko sa 'yo nang libre bilang tanda ng pagkakaibigan natin."
Gulat na nilingon niya ito. "Gusto mo akong maging kaibigan?"
Ngumiti ito. Lalo nitong naging kamukha si Garfield dahil parehong maamo at nangingislap ang mga mata ng dalawa. "Oo naman. Bihira lang maging malapit si Garfield sa ibang tao, lalo na sa babae. You must be special for him to like you. In all fairness naman sa kakambal ko, magaling siyang pumili ng magiging crush. I like you already."
Natuwa siya. Mainit ang pagtanggap ni Odie sa kanya. And like her brother, she was so warm and honest. Magaang ang loob niya rito dahil nararamdaman niyang totoong tao ito at mukhang gusto talaga siya nito bilang kaibigan.
"Thank you, Odie," nakangiting sabi niya.
"Mas maganda ka kapag nakangiti. Naiintindihan ko na ngayon kung bakit crush ka ni Garfield," nakangising sabi nito.
Akmang may sasabihin siya nang hinawakan siya ni Garfield sa magkabilang balikat mula sa likuran. Pagkatapos ay hinila siya nito kaya napasandal siya sa matatag nitong dibdib. Ang mas ikinagulat niya ay nang yakapin siya nito at ipatong pa nito ang baba nito sa ulo niya.
Kasabay ng pag-iinit ng magkabila niyang pisngi ay ang pagwawala ng puso niya. His warmth seemed to wreak havoc in her system.
"Dinala ko si Snoopy dito dahil gusto ko siyang ipakilala sa 'yo. Pero hindi ko sinabing solohin mo ang crush ko. Nagseselos na ako," parang batang reklamo ni Garfield.
"Tumigil ka nga, Garfield. Mas gusto kong kasama si Odie kaysa sa 'yo," paggagalit-galitan niya upang itago ang kabang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
"Ouch!"
Nagkatinginan sila ni Odie, pagkatapos ay nagkatawanan. Sa pagkakataong iyon natawa na rin si Garfield. Hindi niya akalain na magiging ganoon siya kasaya dahil sa kambal na ito, lalo na sa lalaking nag-enjoy na yata sa pagyakap sa kanya.
Hindi rin naman niya magawang lumayo dahil nagustuhan na rin niya ang pagyakap ni Garfield sa kanya mula sa likuran. Pakiramdam kasi niya, ayaw na siya nitong bitawan. That was what she had always hoped for: to be held by someone who was afraid to let go of her.
"I think alam ko na kung anong tee ang babagay sa inyong dalawa," nakangiting sabi ni Odie, pagkatapos ay saglit itong nagtungo sa loob ng "storage room" daw. Pagbalik nito ay inabutan sila nito ni Garfield ng tig-isang T-shirt. "'Ayan, isuot n'yo na. Dali!" excited na utos nito.
Kumalas sa kanya si Garfield pero umakbay naman ito sa kanya. "Pasensiya ka na diyan kay Odie. Bossy talaga 'yan."
"Hey!" saway ni Odie dito.
"Hey-in mo'ng mukha mo," panggagaya ni Garfield sa linya ni Odie kanina, pagkatapos ay inakay na siya nito sa fitting room. "Okay lang ba sa 'yo na isuot 'yan? Ni minsan kasi, hindi pa kita nakitang naka-T-shirt. Baka hindi ka kumportable."
Nakangiting umiling siya. "Okay lang, 'no. I'm happy na binigyan ako ng kapatid mo nito."
Ngumiti si Garfield saka masuyong pinisil ang pisngi niya. "All right. Try it on then."