The Scroll

2223 Words

LABIS ANG PAG-ALALA ni Esmeralda mula nang dagitin ng mayara ang kaniyang bagong kaibigan na si Satur. Walang sandali na hindi niya sinisisi ang kaniyang sarili dahil sa nangyari. Lalo na nang hindi nila matagpuan ang engkantado kung saan nila nakita ang tandang nilikha nito. Kaya naman, ganoon na lamang ang kaniyang saya nang makita niya mula sa kaniyang tahanan ang tandang gumuhit sa kalangitan at ang agarang paglisan ni Omal. Ibig niya mang sumama rito ay hindi niya na ito naabutan pa. Malalim na ang gabi nang magising siya dahil sa mga tawa ni Omal mula sa labas. Naulinigan niyang mayroon umanong engkantado na nakakita rito at pumalahaw sa takot nang batiin niya sa gitna ng kaniyang pagtakbo papunta kay Satur. Napangiti si Esmeralda at kaagad na bumalikwas ng bangon. Patakbo siyang l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD