LALONG tumindi ang kaba ni Sassa habang nakatingin siya sa naglalakihang mga bahay na nadaraanan nila. Gusto na niyang tanungin si Phillip kung nasaan na sila ngunit hindi niya magawang magsalita. Ang sabi nito ay dadalhin siya nito sa bahay ng mga ito. Maingat na pinili niya ang isusuot niya. Nagpatulong pa siya sa roommate niya para ayusin ang buhok at mag-apply ng light na makeup sa mukha niya. Gusto niyang maging presentable siya kapag humarap na siya sa pamilya ni Phillip. Hindi niya maintindihan kung bakit naroon sila sa lugar na iyon. Doon ba ito nakatira? Hinawakan ni Phillip ang kamay niya at marahang pinisil iyon. Nang lingunin niya ito ay may nabasa siyang guilt sa mga mata nito. Tila kinakabahan din ito. Gumuhit din ang takot sa mga mata nito. Hinintay niyang may sabihin ito

