12

1925 Words

MAS NAGING maligaya si Sassa nang mga sumunod na araw. Wala na yata siyang mahihiling pa sa kanyang buhay. Sa sobrang kaligayahan nga niya, minsan ay kinakabahan na siya. Baka kasi ang kapalit ng sobrang kaligayahan niya ay sobrang kalungkutan. Ayaw niyang mag-isip ng anumang negatibo sa relasyon nila ni Phillip kaya kaagad niyang binura iyon sa isip niya. Ayaw niyang bahiran ng kahit na ano ang kaligayahan niya. Halos perpekto na si Phillip bilang nobyo. Kung malambing ito noong nanliligaw ito, mas malambing pa ito nang maging nobyo niya ito. Palagi pa rin siya nitong binibigyan ng bulaklak. Palagi siya nitong inihahatid pauwi pagkatapos nilang maghapunan sa karinderya ni Aling Panyang o sa isang magandang restaurant. Inihahatid at sinusundo pa rin siya nito sa unibersidad na pinapasukan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD