KABADONG-KABADO si Sassa nang magpalipat-lipat ang tingin niya kay Phillip at Kuya Alex niya. Pormal na niyang naipakilala ang mga ito. Nanunukat ang tingin na ipinukol ng kuya niya kay Phillip. Si Phillip naman ay hindi nag-iwas ng tingin. Sinalubong lamang nito ang tingin ng kapatid niya. Hindi naman ito nagmukhang mayabang o arogante. “Nanliligaw ka sa kapatid ko?” pormal na tanong ng kuya niya. “Opo. Malinis po ang intensiyon ko kay Sassa.” “Paano naman ako makasisiguro na malinis nga ang intensiyon mo? Paano mo mapapatunayan sa `kin na hindi ka nga gagawa nang anuman na makakasakit sa kapatid ko?” “May kapatid din po akong babae. She’s sixteen, turning seventeen soon. She’s very beautiful and I know many boys admire and adore her. Naiintindihan ko kayo sa nararamdaman n’yo ngayon

