NANLALAMBOT na si Sassa nang makapasok sila sa villa. Karga-karga ni Phillip si James na tumigil na sa pag-iyak. Mahigpit itong nakayakap sa leeg ng ama. Kahit na may kargang bata ay inalalayan pa rin siya ni Phillip. Si Damian ay inalalayan si Aline na tila nasa state din ng shock. Nadatnan nila sina Lola Ancia, Yllen Stacy, Cameron, at Lola Pacing sa living room. Kaagad silang sinalubong ni Lola Ancia. Distress was written all over her face. She didn’t look well. Namumutla ito at bahagyang nanginginig ang katawan nito. Si Lola Pacing ay kaagad na niyakap ang apo nito. “Ano ang nangyari?” nag-aalalang tanong ni Lola Ancia. “Maayos na po ang lahat, Lola,” sagot ni Damian. “Salamat kay River na kasama ni Wilt na umuwi sa `tin. Maraming salamat din sa mga ahas at sa kidlat.” “Nakagapos n

