HINDI maalis ang pagkamangha ni Almira nang makita niya si Maureen na suot ang kulay puti nitong gown. Naroon na sila sa pagpapatahian nito ng gown. Nakapagpasukat na rin siya ng simpleng dress. Pero ang pinili na lang niya ay iyong ready to wear na para mas mura. May nagkasya naman sa kaniya. Kaunting remedyo na lang ang gagawin doon ng mananahi. Kumbaga, arkila lang. Ibabalik din niya matapos niyang gamitin. Nagpaikot-ikot pa si Maureen sa harapan nila ni Gabriel. “What do you think, guys? Bagay ba sa akin?” Huminto ito at nag-pose pa na akala mo ay isang modelo. “Bagay na bagay sa iyo, Maureen! Ang ganda-ganda mo na talaga lalo dahil sa gown na iyan!” Nakangiting saad ni Almira. Sadyang nagagandahan talaga siya sa kaibigan kaya hindi mapalis ang ngiti sa labi niya. “H

