PUPUNGAS-PUNGAS si Jeric nang magising siya ng umagang iyon dahil sa pagtunog ng kaniyang cellphone. Sa pagmulat ng kaniyang mata ay medyo nagulat siya nang malaman na wala siya sa kaniyang kwarto. “f**k! Kill that noise!” reklamo ng lalaking nakahiga sa tabi niya. Nasa iisang kama lang sila ng lalaki na walang saplot sa katawan katulad niya. Nakadapa ito at nakatagilid ang mukha. Sino ba ang animal na ito? Tanong niya sa sarili. Upang makita niya kung sino ba ang katabi niya ay sinilip niya ang mukha nito. Nalaman niyang si David na naman pala ito. Mahina niyang minura ang sarili sabay sapo ng ulo nang may kumirot doon. Hang-over. Ang sakit ng ulo niya. Nagpakalasing na naman siya kagabi kasama si Sasha sa isang bar at ang huli niyang natatandaan ay nakita nila doon si

