LAKAS-LOOB na tinanong ni Gabriel si Almira kung maaari ba niya itong ligawan. Isang matapang na hakbang ang ginawa niya dahil isusugal niya ang kaniyang nakaraan para sa kaniyang kasalukuyan. Wala siyang alam sa kaniyang nakaraan pero ang sigurado siya ay sa nararamdaman niya kay Almira ngayon. Mahal na niya ang babae. Sa ilang buwan na nakasama niya ito sa iisang bahay ay napatunayan niyang totoo ang nararamdaman niya para dito. Nakalimot man ang kaniyang utak pero hindi nakalimot ang puso niya na magmahal. Hindi naman niya inakala na kay Almira pa iyon titibok. Pero hindi na rin naman siya nagtataka. Hindi mahirap mahalin ang babaeng laman ng kaniyang puso. Kinakabahan si Gabriel sa pananahimik ni Almira. Nagulat ba ito o sadyang ayaw nito sa kaniya at nahihiya lang it

