SA paglipas ng mga araw at mga linggo ay mas naging malapit pa si Almira kay Gabriel. Siya ang palaging kasa-kasama nito kapag kailangan nitong magtungo sa ospital para sa check up nito. Mabait naman kasi talaga si Gabriel kaya agad na naging palagay ang loob niya dito. Nakakapagbiruan na silang dalawa at palagig magkausap kung wala siyang trabaho. Halos isang buwan na si Gabriel sa bahay nila pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong naaalala. Hindi naman nila ito pinupwersa na makaalala lalo na’t pinayuhan sila ng doktor na hayaan lang si Gabriel. Makakaalala din daw ito basta huwag lang itong mai-stress. Isang tanghali, kakabalik lang nila ni sa kanilang bahay mula sa ospital. Pagpasok nila sa bakuran nila ay naabutan niyang kausap ng tatay niya si Mando. “O, Mando. N

