NAPALUNOK ng laway si Almira nang maghinang ang mga mata nila ni Gabriel. Tila may malakas na magneto sa pagitan nila at hindi nila magawang alisin ang pagkakatitig sa isa’t isa. Awtomatiko din ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Hindi niya iyon napigilan. Maya maya ay ipinilig ni Gabriel ang ulo at umiwas ng tingin sa kaniya. Siya naman ay naiilang na iniba rin ang direksiyon ng mata. Inilagay niya iyon sa dagat. “M-malamig dito. Pasok na tayo sa loob. Kailangan mong magpahinga, Gabriel.” Niyakap niya ang sarili. Akmang tatalikod na siya para bumalik sa bahay nang hawakan siya ni Gabriel sa braso. “Sandali lang!” anito. Napapitlag siya dahil tila may kung anong kuryente ang dumaloy sa buo niyang katawan nang dumaiti ang palad ni Gabriel sa kaniyang balata. “B-bakit?” Na

