Kabanata 5: Unang Gabi

1313 Words
Ah, pucha gising na naman sa umagang ito. Nagtimpla ako ng kape tapos binuksan ko muna yung computer ko. Tinignan ko yung notifications ko sa f*******:. *Tok tok tok* May kumakatok na naman, malamang si Ninang Hilda na naman to. Kaya binuksan ko yung pinto. "Oh, iho, saan na? Isinabit mo ba?", tanong agad ni Ninang Hilda sa akin. "Opo, isinabit ko. Andyan ho haha, talagang nag abala pa kayo para lang makitang sinabit ko ha.", sabi ko. "Hindi naman, may bagong lipat dito bukas, o baka mamayang gabi, dyan sya sa dulo titira, kaya wag ka masyadong maingay dito ha.", bilin ni Ninang. "Nako Ninang, napakatahimik ko kaya.", sabi ko naman. "Oh sya sige, ako'y bababa na, mamamalengke pa ako.", sabi ni Ninang. "Sige po!", tugon ko naman. Talagang nag abala pa sya para makita 'tong sabit sabit na yan hahaha. Tsaka sino kaya yung lilipat dito sa kabila ? Ahaha! m Magkakaroon na din ako ng kapitbahay ah. Nagluto ako ng hakdog, eklog tsaka beykon sa umaga. Medyo may katanghalian na pala. Kumain ako habang nanonood ako ng favorite ko na action and horror series sa Netflix. Putangina medyo kinakabahan ako pag pinapanood ko yun kase napakabobo ng bida, lagi syang nililigtas ng mga kasama nya laban sa bampira. Matapos ang ilan pang mga oras, naligo na ako at nag ayos. Pumunta ako sa Lino's para makapasok sa unang gabi. Manipis na backpack lang dala ko, kasya lang dun yung cellphone, susi ng bahay, wallet, batutang bakal, extra tshirt tsaka yung tatlong panghaplas na sinasabi ni Ninang. Unang gabi ko sa Lino's. Paglakad ko papasok, nakasara ang pintuan. Sinabi ni Maverick na roon ako dumaan sa likod kasi pinupunasan nya yung pinto sa harap. Dumaan ako sa likod tapos nasalubong ko doon si Mang Lino. "Oh iho andito ka na nga pala. Andun ang locker, may isang locker doon nakalagay pangalan mo, ito ang susi mo. Buksan mo yun tapos kunin mo yung damit at suotin mo. Maya-maya ka magstart pag bukas na ang cafebar pero ikaw ang bahala kung gusto mong tugtugin na.", sabi ni Mang Lino. "Ah hehe sige po!", sabi ko naman. Pumunta agad ako sa locker tapos nagbihis agad ako kase wala namang tao sa paligid. Pumunta ako sa loob ng bar. "Oh Jonathan, wala pang mga tao?", tanong ko. "May break muna para makapagpalit ng empleyado tsaka makapaglinis nang kaunti.", sabi ni Jonathan. "Sino yung mga kapalitan nyo?", tanong ko. "Ah, yung mga babae ba?", tanong ni Maverick. "Malay kong babae.", sabi ko naman dahil di ko naman tinatanong kung sino yung mga babae. "Puro babae ang nandito kapag hapon, sa umaga halo halo silang mga babae, lalaki, bakla, tomboy, etcetera, tsaka mas maraming nagtatrabaho sa umaga kase mas maraming customer na naghahanap ng kape.", sabi ni Maverick. "Walang babae sa gabi?", tanong ko. "Alam ko eh ayaw ni Mang Lino. Pero noon alam ko meron, umalis lang kasi di kaya ng katawan yung pagod pag gabi.", sabi ni Jonathan. "Teka, himasin ko muna yung piano para ganahan ako.", sabi ko. "Praktis ka kaya, tsaka para naman makapag ingay dito. Nilalamon na kami ng katahimikan eh.", sabi ni Maverick. Binuksan ko yung ilaw sa stage tapos nagpatugtog ako ng Jazz, para may konting indak naman. Nagpapraktis lang ako para mamaya di masyadong magkamali. Maya-maya, may dumating na dalawang matanda, may dalang saxophone at trumpet yung isa, tapos yung isa may dalang base guitar tsaka electric guitar. Baka tutugtog din sila. "Ikaw yung bago?", sabi ng isang matanda. "Ah eh opo. Hehe, tutugtog po kayo mamaya?", tanong ko sa kanila. "Oo, ako si Jose.", pakilala ng matandang may dalang mga gitara. "Ako naman si Juan.", pakilala naman ng isa na may dalang saxophone at trumpet. "Ako po si Tristan hehe. Bago lang po ako dito.", sabi ko. "Ah, mukhang bata ka pa ha.", sabi ni Mang Juan. "Eh paano nyo po nalaman?", tanong ko. "Hindi ko naman nahalata na bata ka pero kasing itsura mo itong sina Maverick at Jonathan noon, mga bente lang yang mga iyan ngayon. Ilang taon ka na ba iho?", tanong nya. "Disi siete palang po.", sabi ko. "Ah mabuti, ayos lang yan, ganun din naman sina Maverick noong unang araw nila dito.", sabi ni Mang Juan. "Asan si Lino?", tanong ni Mang Jose. "Nasa likod po.", sabi ni Jonathan. "Sige maiwan muna namin kayo, dito muna iyang mga instrumento ha.", sabi ni Mang Jose. Sino kaya iyong mga yun? Baka kaibigan ni Manong Lino. Parang kaedaran lang nya eh. Daming instrumentong dala. Eh tatatlo lang naman kami dito mamaya. Tsaka bat ngayon lang sila tutugtog kung kelan andito na ako. Mga ilang oras pa nagbukas na ulit yung cafebar. May mga customer din na pumasok sa loob. Mga matatanda karamiran dito. Pumunta na rin sila Manong Jose at Manong Juan sa stage. "Tara bata, sabayan mo lang kami.", sabi ni Mang Jose. "Tutugtog tayo ng Bossa Nova.", sabi ni Manong Juan tapos sinimulan nyang patugtugin yung trumpet nya. Sinabayan lang namin siya. Habang tumutugtog kami, pinagmamasdan ko yung mga customer. May isang matandang babae doon na una ko nang nakita noong isang gabi. Di sya umoorder ng kahit ano. Nakaupo lang sya sa isang tabi. Siguro nag eenjoy lang sya sa pakikinig ng musika dito pero pangatlong araw ko na syang nakikita dito na hindi umoorder. Pagkatapos namin tumugtog ng limang kanta, nagpahinga muna kami. Umorder ako ng kape, inaantok ako eh. "Jonathan, isang kape nga.", sabi ko. "Oh eto.", sabay lapag ng kape. "Pre, kilala mo ba yung matanda doon? Di sya naorder ano?", tanong ko, nakichismis ako. "Ah, oo, palagi yan nandito hanggang sa magsara yung bar.", sabi ni Jonathan. "Ano kaya trip nyan ano?", tanong ko. "Di ko alam, baka naghihintay ng kakainin.", sabi ni Jonathan. "Ahaha siraulo.", sabi ko. Tumugtog lang kami buong gabi tapos inabot na kami ng alas tres. Nagligpit na kami sa bar. Walang janitor kaya kung ano yung sakop ng trabaho namin yung ang lilinisin namin. Ako naglinis ng stage. Pagkatapos nun nagsara kami saglit kase maya maya pa dadating yung mga kapalitan namin. Nagsibihis na kami sa may locker. Nauna nang umalis si Maverick kase may pupuntahan pa daw sya. Sabay na kami ni Jonathan umalis. "Manong Lino, alis na po kami!", sabi ni Jonathan. "Sige sige mag iingat kayo", sabi ni Manong Lino. Nakita ko sina Manong Juan at Manong Jose, andun parin sila nakikipag usap kay Manong Lino. Naglakad na kami papunta sa kalsada, medyo madilim parin. Alas tres ng madaling araw eh. Habang naglalakad kami pakiramdam namin may nasunod samin. Tangina ako lang yata ang nakakaramdam na may nasunod samin. "Putangina mo.", sabi ni Jonathan. "Oy gago minumura mo ba ako?", tanong ko. "Di ikaw.", sabi nya. Nilagay niya yung bag nya sa harap nya tapos pinasok nya yung kanan nya sa loob. Nagmadali kaming maglakad papuntang kalsada, pinagpapawisan kami, di kami tumitingin sa likod. Maya maya habang naglalakad kami sa kadiliman, may umubo sa likod namin, tapos nilabas ni Jonathan yung kamay nya mula sa bag nya, may hawak syang balisong tapos sinaksak nya yung nasa likod namin. Nagulat ako sa ginawa nya kaso wala syang tinamaan kahit isa. Kinuha ko yung cellphone ko tapos batuta, binuksan ko yung flashlight. Pagbukas ng flashlight sa cellphone ko, biglang may malaking uwak na lumipad palayo. "Putangina asan na yung umubo?", tanong ko. "Gago yun ah, wag kang matakot, kaya ko syang labanan kung sakali.", sabi nya. "Ano ba yun?", tanong ko. "Malalaman mo rin, di ka maniniwala kapag sinabi ko sayo.", sabi nya. Dumiretso na kami sa kalsada para sumakay ng jeep pauwi. "Ingat ka pre! Baka sundan ka.", sabi ni Jonathan. "Sundan nino?", tanong ko. "Basta!", sabay sakay nya ng jeep, magkaibang direksyon ang uuwian namin. Sumakay na ako ng jeep para makauwi na, marami-rami na ding tao sa paligid kaya di na masyadong nakakatakot, mag aalas kwatro na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD