Kabanata 6: Bagong Lipat

1246 Words
Ah puta, nakakapagod. Tangina ni Jonathan tinatakot ako. Malamang sa malamang yung mga aswang aswang din yan tulad ni Ninang Hilda. Mga siraulo talaga hays. Naglalakad na ko papunta sa kwarto ko. Nakita ko yung pinto sa dulong kwarto na nakabukas. Malamang sa malamang may bagong lipat na dyan. Binuksan ko na yung mga pinto tapos pumasok na ko sa loob. Nagshower muna ako saglit kasi init na init na talaga ako sa sarili ko. Pagkatapos ko maligo. Balak ko sana magpahinga, may trabaho na naman mamaya. Pahiga na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto, mabilis at sunud-sunod na pagkatok. "Tangina naman mag-aalas-sais pa lang ng umaga. Ang aga aga naman nito mambulabog. Sino kaya 'to?", tanong ko dahil alam kong di naman ganun kumatok si Ninang Hilda. Nang buksan ko yung pinto na kahoy at di ko muna binuksan yung bakal na pinto, o screen door kung tawagin ng iba, nakita ko sa labas na may babaeng maganda at may dalang plato ng pagkain. Syempre binuksan ko agad, mukhang naghihintay sya eh. "Hi! Ako yung bagong lipat dyan sa kabila.", pagbati nung babae. "Ah, ikaw yung bagong lipat. Sorry nakatapis lang ako ng tuwalya. Pasok ka.", sabi ko sa kanya. Papasok na sana sya kaso bigla syang natigilan. "Hmm lika pasok ka, wag kang mahiya.", alok kong muli. "Ay haha wag nalang, kunin mo nalang 'to tapos pakibalik nalang ng plato hehehehe.", sabi nya sa akin. Hindi talaga sya papasok ng apartment eh. Kinuha ko yung plato tapos isinalin ko sa ibang plato yung pagkain. Hinugasan ko na rin yung plato nya tapos pumunta na ko sa labas para ibalik sa kanya iyon. "Pasensya ka na ha, nakakahiya at nakatapis lang ako ng tuwalya.", sabi ko. Paglingon ko sa kanya, nakita ko sya na ang sama ng titig doon sa telang pula na sinabit ko sa may pinto, tapos bigla syang lumingon sakin at ngumiti na parang wala syang ginawa. "Ah wala yun haha, sana magustuhan mo yung niluto ko.", sabi nya sa akin. "Ahaha syempre naman, ikaw pa ba? Salamat nga pala.", sabi ko naman. "Walang anuman! Sige pasok na ko, may niluluto pa kasi ako eh haha.", huli nyang sabi bago bumalik sa kanyang apartment. "Sige sige...", tugon ko. Gara naman nun, kaaga aga parang pananghalian yung niluluto, ahahaha. Wala akong ganang kumain kaya nilagay ko muna sa mesa yung pagkain, tinakpan ko nalang. Pero syempre hehe maganda sya ha, maputi pa at makinis, kahit parang medyo mas matanda sya sakin eh importante pa ba yun? Nehhh, makatulog na nga muna. Nakatulog na ako nang ilang oras tapos may tumatawag sa telepono kaya nagising ako. Sinagot ko agad kase baka si Tito iyon. "Hello, tito?", sagot ko sa telepono. "Oh Tristan, nasabi na siguro sayo ni Ninang Hilda mo.", sabi ni Tito sa akin. "Ah opo, na binayaran nyo sya. Sabi nya di nya daw sisingilin yung upa sa apartment. Ibabawas nalang nya daw roon yung kuryente at tubig na ginagamit ko.", sabi ko naman. "Ah mabuti, akala ko nga'y di mo sya binabayaran. Sabi nya eh ayaw nya daw tanggapin ang inaabot mo. Eh alam mo namang ayaw ko ng ganun.", sabi nya sakin. "Salamat po Tito, kung wala kayo ni Ninang, di ko na alam kung saan ako pupulutin.", bigla kong pasasalamat. "Nako wala iyun iho. Naaawa nga ako sa sitwasyon mo. Nga pala, may hinulog pala ako sa savings account mo, monitored ko yun. Wag mong gagastusin kapag wala hindi kailangan, magpaalam ka muna sakin.", sabi ni Tito. "Opo, nga pala kumusta kayo dyan ni Tita?", tanong ko sa kanya. "Nako miss na miss ka na ng Tita Eliza mo, nasa Italy nga sila ngayon ni Jericho kase doon na nag aaral ngayon si Eko, miss ka na nga rin ni Eko eh, alam mo naman yun walang kapatid na nakasalamuha.", sabi ni Tito. Si Tita Eliza isa syang Italian na asawa ni Tito Hermin. Anak nila si Jericho o Eko, ako ang nagpalayaw sa kanya nun, bata-bata pa ko nung huli kaming nagkita. Halos magkasing edad lang kaming dalawa. "Ahaha pakisabi po miss ko na din sila. Miss ko na din kayo Tito. Saka na po ako pupunta dyan pagtapos na ako nang pag aaral.", sabi ko. "Oo naman iho, kahit papaano eh magbakasyon ka dito. Oh sige ha mag ingat ka dyan, iwasan ang paggawa ng mali, malaki ka na ha, lagi kang magdadasal.", bilin nya. "Opo, ingat din po kayo.", sabi ko sa kanya tapos binaba na nya yung telepono. Hindi ko na nga pala binanggit yung tungkol sa trabaho ko kasi malamang magagalit yun. Pipikit sana ako ulit kaso may kumatok na naman. Si Ninang Hilda yun, lakas makatawag sa pangalan ko eh. "Eto na po wait lang!", sabi ko naman at dali-daling lumakad papunta sa pinto. "Hmm gandang umaga po, bakit ano meron Ninang?", tanong ko nang mapagbuksan ko na sya. "Andyan na yung bagong lipat ano?", pabulong na tanong ni Ninang Hilda. "Eh, opo, binigyan pa nga po ako ng pagkain.", pabulong na sagot ko naman. "Asan na?", tanong nya at parang aligaga na may hinahanap sa loob. "Eh yung pagkain o yung bagong lipat?", tanong ko. "Yung pagkain malamang.", sabi nya. "Andun po yata sa mesa, di ko pa ginagalaw. Matutulog po muna sana ako eh.", sabi ko kay Ninang. "Jusko buti naman.", sabay pasok nya sa loob. Bulungan nga lang pag uusap naming dalawa at hindi ko alam kung bakit. Kinuha nya yung plato tapos tinapon nya yung pagkain sa basurahan. "Uy! Bak-", pasigaw ko sanang tanong. "Shhh!", pinatahimik nya ako bigla. "May kutob ako na aswang yung babaeng iyon.", bulong ni Ninang sa akin. "Ahaha, jusko naman Ninang. Magiging aswang ba yung ganun ka ganda?", tanong ko sa kanya. Bulungan lang yung pag-uusap namin. "Tarantado kang bata ka. Baka ikaw eh maging aswang narin o baka malalason ka o baka bukas ikaw na yung ulam nila pagtanggap ka nang tanggap galing sa kanila.", sabi nya. "Eh sayang ho ang biyaya. Tsaka paano naman naging aswang yun?", tanong ko. "Di sya pumasok sa bahay nung pinapatuloy ko sya tapos nakita ko sya tinititigan nang masama yung mga pangontra ko. Binigyan nya din ako ng pagkain pero pinatakan ko ng kalamansi. Puro dugo ang lumabas.", sabi nya. "Eh bakit di nyo ho paalisin?", tanong ko. "Eh kalilipat lang nya tsaka bayad na sya. Di man ako atakihin nyan bilang aswang eh baka kasuhan naman ako nyan bilang tao pag pinalayas ko bigla.", sabi nya. "Ano pong gagawin ko?", tanong ko. "Pag aalis ka, lagi mong dadalhin yang buntot pagi. Ilagay mo lang dyan sa may bewang mo, ibilog mo tapos talian mo, medyo matalas ang dulo nyan.", sabi ni Ninang. "Grabe naman po yun may latigo ako sa bewang, parang lone ranger.", biro ko. "Basta gawin mo nalang. Mayayari ka pag di ka nag-iingat. Sige na aalis na ko. Teka asan ang asin?", tanong nya. "Andyan po sa kusina.", sagot ko naman. Kinuha nya yung garapon tapos nilagyan nya ng asin yung bintana pati yung ilalim ng kama sinabuyan nya tsaka yung doormat sinabuyan nya rin. "Ninang baka langgamin ako dito", sabi ko. "Hangal asin yan, hindi asukal, sige na at aalis na ako.", sabi nya sabay lapag sa mesa ng asin tapos lumabas na sya. Ang gara naman ng matandang yun, nagawa pang manakot. Tsaka anong taon na ngayon? Panahon na ng kompyuter eh, di na uso yang mga urban legends. Sinara ko na yung pinto tapos natulog ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD