Kabanata 4: Gamit

1188 Words
Makasakay na nga ng jeep papunta sa amin. Tangina nakakapagod din pala maglakad lakad ano. Hmmm, teka, ba't parang may nasunod sa'kin? Parang may nasunod sa'kin sa may shortcut na dinaanan ko, di ko dala yung batutang bakal ko, lintek baka hoholdapin ako neto. Minabuti kong dumaan sa kalsada kung saan matao, nagbilis bilis narin ako nang lakad dahil natatakot akong maholdap. Nawala yung sumusunod sa'kin. Baka dumadaan lang din, hindi talaga ako sinusundan. "Boss! Pasakay!", sigaw ko sa dumaang jeep. Sabay hinto ng jeep sa harap ko. Sumakay agad ako kasi andami ring sumasakay. Nag uunahan sila. "Bayad ho", sabi ko. Anong oras na, baka hinahanap na ni Ninang yung gamit nya. Kung bakit kasi iniwan nya roon sa apartment ko. Ilang sandali lang andito agad ako sa bababaan ko. "Boss para sa tabi", sabi ko sa drayber. Pagbaba ko eh lalakad na naman ako neto. Malapit lang naman kaya okay lang. Habang naglalakad ako yung aso ng kapitbahay namin sa di kalayuan umaalulong. Tangina nakakakilabot. Nakasalubong ko yung mga tambay sa tindahan nila Aling Nerva, buti nalang may mga tao. Letseng subdivision 'to, nakakakaba, nilalamon na ng katahimikan tapos yung alulong ng aso dumagdag pa. "Oy Tristan! Inom tayo bukas!", sabi ni Komang, literal na komang pero malakas magbasketball tapos pinakasiga samen pero mabait sa'kin yan kasi alam nya ulila ako, kumbaga parang kapatid ko na. "Sige lang Koms! Pag wala akong ginagawa haha", sabi ko naman. Naglakad lakad na ko papunta sa apartment ko. Aakyat na naman ako, nakakapagod tong tirahan ko. Binuksan ko yung ilaw sa hallway namin. Bale kada isang palapag kase may tatlong kwarto at yung building may tatlong palapag at rooftop kung saan kami nagsasampay. Nasa ikalawang palapag yung kwarto ko, nasa gitna. Binuksan ko muna yung bakal na pinto bago yung kahoy. Mahigpit dito, kelangan magsecure ng gamit kase walang bantay dito. Madalas wala si Ninang at yung bahay nila kahilera lang nitong building pero dalawang bahay muna bago sa kanila. Kinuha ko yung gamit ni Ninang na nakalagay pa sa plastic bag. Nilock ko ulit yung pinto tapos pumunta ako sa kanila. "Ninang?! Tao po!", tawag ko mula sa labas sabay katok ko sa pinto nila. "Uy Tristan, pasok ka", sabi ni Ramona, anak ni Ninang Hilda. "Asan si Ninang? Mga gamit nya kasi naiwan nya eh doon sa apartment ko", sabi ko kay Ramona. "Eh nasa kusina sya, nagluluto, maupo ka muna. Anong gusto mo juice? Kape? Tsaa? Tubig?", tanong ni Ramona. Etong si Ramona kakaiba kinikilos pag ako kaharap. Eh samantalang noong medyo bata bata pa kami suplada to eh, ayaw mamansin tapos laging nasa bahay. Lagi pa kaming sinusumbong kay Ninang kapag naglalaro kami sa tapat ng bahay nila. "Ah eh, wala naman, haha, nakakahiya. Ibabalik ko lang sana yung gamit. Nga pala, di nauwi si kuya Henry?", tanong ko. "Oo eh, minsan nalang kase may trabaho na sa Boracay, assistant manager sa hotel", sagot ni Ramona. "Wala kayong kasama dito? Buong bakasyon?", tanong ko ulit. "Oo, kami lang ni Rikrik tsaka ni Koy", sabi ni Ramona. Si Rikrik yung nakababatang kapatid niya, mga limang taong gulang na matabang bata na madalas makipaglaro sakin. Si Koy naman yung aso nila na husky. "Buti di kayo napapahamak dito", sabi ko. "Madalas naman pumunta dito si Ate Cherry pag stay in si kuya Harold sa trabaho.", sabi naman nya. Si Ate Cherry yung asawa ng kuya nya na si Harold. Buntis kase si ate Cherry kaya natutulog doon kela Ninang pag wala si Kuya Harold para may kasama. "Kuya Tristan!", sigaw ni tabachoy, ay este Rikrik. "Uy Rikrik, lalo ka naging tabachoy, pwede ka na litsunin", sabi ko sabay kandong sakin ni Rikrik. Naalala ko tuloy kapatid ko sa kanya. "Ahahaha, kain kasi nang kain yan", sabi ni Ramona. "Oh andito ka pala Tristan. Halika saluhan mo kami kumain", sabi ni Ninang sa akin. "Ay nakakahiya naman po haha", sabi ko naman. "Wag ka nang tumanggi Tristan!", sabi ni Ramona. "Ahaha. Sige na nga po", agad kong tugon. Kumain muna kami saglit, buti nalang nakakain din ako, wala pang sinaing sa apartment eh hahaha, wala rin lutong ulam haha magluluto pa ba ako. Natapos na kaming kumain, sarap talaga pag ganyang lutong bahay, kalderetang baka. Panay hakdog lang ako eh. "Bat ka nga pala naparito Tristan?", tanong ni Ninang. "Eh hinatid ko lang po yung gamit nyo, naiwan nyo po sa apartment", sabi ko kay Ninang. "Ay oo nga pala, ang gamit ko. Jusko sa pagmamadali ko pumunta kela kumare eh, salamat at inihatid mo", sabi ni Ninang sa akin. "Ano laman nyan Ma?", tanong ni Ramona. "Ito'y mga halamang gamot tsaka mga pangontra", sabi ni Ninang kay Ramona. "Pangontra? Sa mga imahinasyon mo na naman yan Ma ano?", biro no Ramona. "Eh may paggagamitan po ba talaga yan Ninang?", tanong ko naman. "Nako kayong dalawa, mga kabataan talaga oo, hindi nyo paniniwalaan hangga't hindi nyo nakikita pero dapat nag iingat kayo. Tandaan nyo yan walang masamang mag ingat, sa susunod eh magkekwento ako ng aking mga karanasan noon", sabi ni Ninang Hilda sa amin. Nilagay nya yung mga halamang gamot sa tabi ng Santo Niño at Birheng Maria na imahen. May nilagay din sya sa pinto, isang bagay na nakalagay sa pulang tela, sinabit nya yun sa may pintuan. Binigyan ako ni Ninang ng tatlong bote, yung isa may lamang green na langis, panghaplas daw yun na maanghang para sa katawan pag may lamig o pangingirot. Yung isa panghaplas din kaso di ganun ka sobrang green at di maanghang, panghilot lang daw yun. Yung isa langis din, pag kumulo daw ibig sabihin may aswang o impakto sa paligid. Binigyan din nya ako ng tela na pula isabit ko daw sa taas ng pinto at dapat bukas makikita nya daw yun doon. "Seryoso Ninang, ilalagay ko nga?", tanong ko. "Oo wag ka nang kumontra pa sa mga sinasabi ko", sabi nya. "Ah sige po haha", tugon ko naman. "Nako si Mama, di yan aaswangin si Tristan hahaha matibay yan", sabi ni Ramona. "Nako nako, iyang mga bote laging mong dadalhin ha", sabi ni Ninang. "Opo Ninang, mauna na po ako, salamat po pala sa hapunan", sabi ko bago ako maisipang umuwi. "Nga pala Tristan, nagpadala yung tiyuhin mo, bayad sa upa mo tsaka sa kuryente. Pero di ko na sinisingil yung bayad mo sa pag upa, yung sa kuryente at tubig mo, doon ko nalang ibabawas yung pinadala nya sakin, tsaka wag ka masyadong mag alala. Ikaw bata ka pa dapat di ka masyadong nag iisip ng mga bayarin", sabi ni Ninang "Salamat po Ninang, dineretso na po sa inyo ni Tito ahaha akala nya di ako nagbabayad kase sabi ko di nyo po ako sinisingil, eh alam nyo naman po iyon, di makatulog pag may utang", sabi ko. "Sya sya, umuwi ka na at gabi na, mamaya eh aswangin ka talaga dyan. Ingat ka iho", sabi ni Ninang. "Sige po! Salamat talaga!", pasasalamat kong muli. "Ingat ka Tristan!", sabi ni Ramona. Nginitian ko nalang tapos naglakad na ako papunta sa apartment. May pagbigay pa ng mga langis ha. Nga pala isasabit ko pa to sa pinto haha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD