Kabanata 3: Lino's CafeBar

557 Words
Naglalakad na naman ako sa kawalan. Eh pano, wala akong maisip na gawin eh, lumabas ako ng bahay pero di ko alam kung saan ako pupunta, pinagmamasdan ko lang ang mga pasyalan dito. "Putangina heto na naman tayo...", sambit ko habang naglalakad-lakad. Napadaan na naman ako sa Lino's. Pumasok ako sa loob. Alas singko pa naman, medyo may liwanag pa. Umorder ako ng brown coffee tapos pumunta ako sa stage para tumugtog ng piano. "Pwede ba patugtugin to ulit?", tanong ko sa bartender. Tumungo lang yung bartender. Pinagtugtog ko yung piano ng Jazz. Yung tinuro sakin ng tiyuhin ko. Habang pinapatugtog ko yung piano, naaalala ko yung masayang pamilya na nawala sakin. Naiimagine ko yung sarili ko na kasama sila. Pagkatapos ko magpatugtog, natigilan ako kasi nagpalakpakan yung mga customer, medyo dumami din yung tao. "Magaling!", sigaw ng isang matanda. "Ahaha salamat po", sabi ko naman. "Ako si Lino, ang may ari ng bar na ito. Ang galing mo iho!", puri sakin ng matanda. "Ay ganun po ba haha, sorry po ginamit ko piano nyo", sabi ko naman nang malaman kong sya ang may-ari ng cafebar. "Ayos lang, ayos lang. Matagal tagal na rin simula noong huli namin napakinggan ulit yang mga ganyang tugtugin mula sa piano na iyan", sabi ni Mang Lino. "Ahaha sorry po talaga", sabi ko. "Iho, maaari ba kitang alukin ng isang trabaho? Ha?", tanong nya sa akin. "Ano pong trabaho?", tanong ko naman. "Tutugtog ka ng Piano. Hindi kalakihan ang bayad pero libre ka sa mga kape at alak dito, hehehehe", sabi ni Mang Lino. "Trabaho? Sige po tatanggapin ko yan haha", agad kong pagsang-ayon. "Yes! May trabaho na ako", bulong ko sa sarili. "Ilang taon kana ba iho?", tanong ni Mang Lino. "Disi-syete palang po eh, pwede ba iyon?", tanong ko. "Hmmm teka lang", pinagmasdan nya ang katawan ko. "Oh sige pwede na, mukha ka namang nasa tamang edad na, bukas ka magsisimula kasi ipapaayos ko ngayon ang stage. Buti hindi ka nalaglag dyan, medyo may kalumaan na iyang kahoy na sahig nyan", dagdag nya. "Sige po! Bukas na bukas start na po agad ako!", masigla kong sabi. "Sige, dyan ka muna iho, may aasikasuhin pa ako", sabi ni Mang Lino. "Salamat po talaga!", sabi ko naman bilang pasasalamat. Yes! Putangina talaga ang saya!!!! May trabaho na ako, may pagkakaabalahan na rin ako sa loob ng apat na buwan! Naupo muna ako sa harap ng bartender. "Welcome sa team", sabi ng lalaking katabi ko. "Ahaha salamat pre", sabi ko naman. "Ako si Maverick, waiter ako dito. Night shift", sabi niya. "Ah kararating mo lang?", tanong ko. "Oo, magstart na nga ko, wala naman akong ginagawa eh", sabi niya. "Ako si Jonathan, bartender ako dito", sabi ng bartender sa harap ko. "Ako si Tristan, ako magiging pianist bukas ahaha", pakilala ko naman. "Mukhang mahihirapan ka, wala kang kapalitan. Pero night shift lang naman yung tutugtugan mo eh, kaya parehas lang", sabi ni Jonathan. "Ayos lang yun, tagal ko na rin naghahanap ng trabaho eh", sabi ko sa kanya. "Ahaha goodluck sayo sa trabaho, sana kayanin mo tol", sabi ni Maverick na nakabihis na ng pang waiter. "Kayanin ang?", tanong ko. "Ahahaha basta!", sabi ni Maverick. Nakapagtataka naman yung pinagsasasabe nila. Parang mga adik amputa. Minabuti kong umuwi na kasi naalala ko yung gamit ni Ninang. Madilim dilim na rin kasi sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD