Chapter 10

2145 Words

Malinaw pa sa alaala ko ang lahat. Kahit na iniisip ko lang, pakiramdam ko ay naroon pa rin ako sa ilalim ng truck para lang makatago sa mga pulis. Ni hindi ko magawang ibuka ang aking bibig sa takot na baka marinig ako. Pigil na pigil ang mga hikbi ko habang naririnig kung paano inuusig si Marko. “Nasaan ang kasama mo?” usisa ng isang pulis sa kaniya. May kumakalansing na, senyales na pinoposasan na siya. “H-hindi ko alam,” lakas-loob niyang sagot. “Hindi ko alam!” Isang malakas na suntok ang narinig ko. Pagkatapos ay tila impit na pamimilipit sa sakit ang idinulot nito. Gustuhin ko mang lumabas, tumayo, at magpakita sa kanilang lahat, batid kong hindi ito ang nais mangyari ni Marko. Nais niya akong tumakas. Nais niya akong makawala. Hindi ko man makita kung ano ang nangyayari, nanaisi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD