Bago ang lahat sa aking paningin. Siguro, kung titingnan mula sa malayo ay nagmumukha na akong batang naliligaw. Kanina pa ako lakad nang lakad ngunit dahil sa hiya ay `di ko man lang magawang lumapit at magtanong sa mga nakasasalubong. Hindi ko alam kung paano ako makikipag-usap. Paano kung iba pala ang kultura nila sa aking nakasanayan? Katunayan, hindi na sana ito bago sa aking pakiramdam. Dati na akong lumipat mula sa probinsya patungong siyudad at ngayo’y nagkataong baliktad dahil nagmula ako sa kalakhang Maynila. Sa buong buhay kong nanatili roon, `di ako sigurado kung may nakausap na ba akong nagmula sa Bulacan. May paniniwala kaya sila na taliwas sa aking alam? Ano ba ang dapat kong ikonsidera? Sa bawat hakbang, kalakip ng dibdib ko ang pananabik at kaba. Sabik dahil umaasa akong

