Habang naghahapunan, lihim kong pinapansin kung ano ang bigla niyang gagawin. Naroon ang pag-aabang ko sa maaaring pagsigaw dahil baka nagalit nga siya sa ginawa ko. Hindi pa naman ako matagal dito kaya wala akong dapat ikagulat. Kung pagsasabihan niya ako dahil sa nangyari, okay lang. Karapatan naman niya iyon bilang amo. Wala siyang sinabi sa mga lumipas na minuto. Hanggang sa matapos ako ay hindi pa rin niya ako pinansin. Tumungo lamang siya sa banyo para siguro magsepilyo. Naghuhugas ako ng plato nang dumaan siya sa aking likod. Tuloy-tuloy siyang pumunta sa kaniyang kwarto kaya palaisipan pa rin kung anong nararamdaman niya. Galit ba siya o hindi? Honestly, mas gugustuhin ko ng pagsabihan niya ako kaysa maulit pa ang parehong pagkakamali. Kung na-offend siya dahil kanina, sana ay si

