I-e-enjoy ko lang dapat ang oras na ito dahil maliban sa nakatitikim na ako ng milktea, para ko na ring day-off ito. Kaya lang, sa mga minutong ito ay bumabagabag pa rin ang mga nalaman tungkol kay Sir Arch. May parteng inuusig ako ng konsensya ngunit ginigiit ko ring wala naman akong kasalanan. Hindi ko na lamang pinahalata kay Chino dahil nakakahiya na masyado sa kaniya. Siya itong may birthday ngayon at deserve niyang ma-celebrate ito nang `di sinasagabal ng problema. Libre na niya ito lahat kaya’t dapat nang sulitin. Baka sa sususnod, matatagalan pa bago ako madala sa ganito kagandang lugar. “Maraming salamat,” sabi ko sa kaniya nang huminto na kami sa tapat ng gate. Wala pa kaming dalawang oras sa The Crave dahil sa habilin ng aking amo. Bukod doon, ayaw kong makasira ng tiwala. Dal

