Naguguluhan ang isip ko. `Di ko mawari kung dapat bang ikatuwa ko ito o dapat bang maging dahilan ng pangamba. Papayag kaya si Sir Arch sa pagpapaalam na gagawin nitong si Chino? Paano kung hindi? Paano kung `di na siya pababalikin dito? “Paano kung hindi siya pumayag?” may pag-aalala kong tanong. Umiling siya na para bang sigurado sa mga mangyayari. “Papayag `yon kung nagawa mo na lahat ng gawain mo. Natapos mo naman na, `di ba?” Sumang-ayon ako. Totoong natapos ko na lahat ng mga gawain ko sa umagang ito. Mula sa pagluto ng ulam, paglilinis, at paglalaba. Kung may dapat man akong i-look forward sa mga trabahong gagawin, mga utos na lang siguro niya. Nag-aalinlangan akong pumasok sa bahay kasama si Chino, dahilan kung bakit hanggang ngayo’y nandito pa rin kami sa labas— sa tabi mismo

