Higit sampung oras na ang nakalilipas mula nang marinig ko ang mga salitang `yon kay Sir Arch pero hanggang ngayo’y para akong tangang hindi matauhan. Pinagtimpla ko siya ng kape. Tinikman niya. Sinabi niyang may nanumbalik ngunit hindi partikular na sinabi kung ano. Ang hirap-hirap talaga niyang basahin bilang isang amo at nakatutuwang makita na pinansin din niya ako noong araw na `yon. Dalawang oras pagkaalis ni Sir papuntang eskwela, hindi ko inasahang makita si Chino sakay ng motor niyang nakaparke sa tapat ng tarangkahan. Nasa bintana pa lang ako sa sala ay siya na mismo ang nagbukas ng gate upang makapasok. Kapwa ko pinatuyo ang mga kamay kong basang basa kalilinis ng banyo. Sinalubong ko siya ng ngiti ngunit isang seryosong ekspresyon ang kaniyang ipinakita. Huminto siya sa terr

