ALLEN
Patulog na sana ako nang tumawag si Lolo Amadeo. Kapag ganitong oras ay tumawag siya, ibig sabihin, importante ang sasabihin niya.
“What is it, Lo? Is everything okay?”
“I have a favor to ask of you, apo. I want you to be the one to face Stephanie tomorrow.”
Kumunot ang noo ko. “Sinong Stephanie?”
“She’s a college student. She’ll be conducting an interview tomorrow, and I want you to be the one to answer her questions.”
“Alam n’yong busy ako, Lo. Umaga pa lang ay may meeting na ako, kaya wala akong panahon magpa-interview,” walang paligoy-ligoy na sabi ko. Mas mabuting alam agad nito na hindi ko siya mapagbibigyan.
“Cancel all your meetings—it’s as simple as that, grandson. Naka-oo na ako sa kanya.”
“Wait, what? You said “Yes” without even asking me first? And now, suddenly, I’m the one who has to deal with her?” Hindi ako makapaniwala na, um-oo muna siya bago niya sinabi sa akin.
“Kasi alam kong papayag ka.”
“I’m sorry, but I need to say no for now, Grandpa. I hope you understand. Alam mong hindi ako humaharap sa tao kapag walang appointment sa akin. Bawiin mo na lang ang sinabi mo sa kanya, Lo. Para hindi siya umasa na tuloy ang interview bukas,” matigas na sabi ko. Masyadong hectic ang schedule ko para isingit pa ang interview na hindi ko alam kung para saan. Tapos, estudyante pa pala ang mag-i-interview.
“I can’t, apo.”
“Why? Sino ba ang Stephanie na iyan at hindi ninyo matanggihan?” usisa ko. Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng babaeng iyon, kaya nakapagtatakang pinagtutuunan niya ito ng pansin.
“If you agree to the interview, you’ll get to know her tomorrow.”
I let out a long, deep sigh. “What’s her name again?”
“Stephanie Jane Dizon. She’s currently studying at D’Amico University,” he replied.
Natulala ako ng ilang segundo pagkatapos kong makipag-usap sa lolo ko. Napaisip ako bigla. Matagal ko ng pinaghihinalaan na hindi lang sa kumpanya nakatutok ang atensyon ng lolo ko. Nang minsang tinanong ko si Mang Rocky, ang personal driver ng lolo ko, tungkol sa pinagkakaabalahan nito, hindi siya makasagot sa akin ng diretso. Doon na ako naghinala na parang may tinatago sila ni lolo sa akin.
Naging busy ako nitong mga nakalipas na araw, kaya nawala ang atensyon ko sa lolo ko. Hanggang sa may nakapagsabi sa akin na may nakakita raw kay Lolo Amadeo na may kasamang babae. The worst part is, triple raw ang edad ng lolo ko dahil bata raw ang mukha ng babaeng kasama nito.
Noong una, hindi ko pinansin dahil baka pampalipas lang nito ng oras. Pero ng nalaman kong naglabas ng malaking pera si Lolo Amadeo, saka ako naalarma. Hindi pa matiyak kung saan ginamit ang pera, pero parang nagkaroon na ako ng hinala. Hindi kaya ang Stephanie na tinutukoy niya ay ang babaeng pinaglalaanan niya ng oras ngayon?
Dinampot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng office table ko at sinimulang hanapin sa social media ang pangalang Stephanie Jane Dizon. Maraming lumabas, kaya nahihirapan akong hanapin. Isa-isa kong binuksan ang account ng parehong pangalan. Hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang isang account na ang pangalan ay SJ Dizon.
Binuksan ko ito at nakita ko ang D’Amico University at ang kurso sa bio nito. Tiningnan ko rin ang mga post niya. May kasama siya sa picture—mga kaibigan siguro niya ito. Hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong tinititigan ang isang post niya kung saan solo lang siya at may caption na, ‘Just a little more patience. I miss you so much!’ Sa hindi ko malamang dahilan, pati mga comments ay binasa ko. Hanggang sa naagaw ng atensyon ko ang comment ni Yohann Devilla.
“Gorgeous 24/7,” sabi nito sa comment section. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang makita ko na silang dalawa lang ang maraming palitan ng mensahe sa comment section. Ibig sabihin, hindi lang niya ito basta followers, kundi kilala talaga niya ito.
Binalikan ko ang solo picture niya. Napatitig akong muli sa mukha niya. Bahagya siyang naka-side view at nakatingala. I noticed she has such beautiful eyes, but they look so lonely—it feels like something is missing. There’s such emptiness in her eyes. Mayamaya lang ay kumunot ang noo ko. Parang pamilyar ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?
Natigilan ako nang maalala ko ang babaeng bumangga sa shop ng lola ni Ark. Posible kaya na siya rin ang babaeng tinutukoy ni Lolo Amadeo at ang babaeng pinagtutuunan nito ng pansin? Bigla kong nakuyom ang kamao ko. Kung tama ang hinala ko, mukhang kailangan ko siyang bantayan para hindi niya mabiktima ang lolo ko. Base sa pakikipagpalitan niya ng comments sa Yohann na ‘yon, halatang sanay na sanay siyang makipagbolahan. Hindi ako papayag na dumating sa punto na pati lolo ko ay paikutin niya sa palad niya.
Bago matulog, tinawagan ko si Lolo Amadeo para sabihing pumapayag na akong magpa-interview. Kinabukasan, pagpasok ko kinausap ko agad ang sekretarya ko.
“Remi, a college student, will be here later for an interview. Inform the staff on duty at the information desk to send her up to my office. If she mentions she’s here to see me for the interview, have them send her straight to my office,” I said in a commanding voice.
“Paano ang meeting n’yo, sir?”
“Don’t cancel it. I’m still going to the meeting.”
Paglabas ng sekretarya ko sa opisina, hindi ko na napigilan ang ngisi ko. Sinadya kong ‘wag ipa-cancel ang meeting dahil gusto kong subukan kung hanggang saan ang pasensya niya.
Inabala ko ang sarili sa trabaho. May mga meeting din ako sa umaga, kaya abala ako simula pagpasok ko.
Dumating na ang oras nang pagdating niya. Nilaro ko ang ballpen na hawak ko habang hinihintay siya. Mayamaya lang ay tumunog ang intercom, kaya sinagot ko ito.
“Sir, paakyat na po ang mag-i-interview sa inyo.”
“Sunduin mo s’ya.”
“Copy, sir.”
Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at pinihit paharap sa wall glass ang swivel chair ko. Tinawagan ko ang isa sa matalik kong kaibigan.
“Napatawag ka?” tanong ni Redd.
“Are you busy?”
“Hindi naman. Bakit?”
“Give me a call in ten or fifteen minutes.”
“What for?”
“Just do it, man!”
“Uutusan mo na nga lang ako, naninigaw ka pa!”
“Basta, tawagan mo ako, okay?”
“Okay, sa Elite bar tayo mamaya. Libre mo ako.”
“What the f**k! Ang dami mong pera, pero magpapalibre ka pa!” reklamo ko.
“Ililibre mo ako o hindi kita tatawagan?”
“Damn it! Sana si Lekaio na lang ang tinawagan ko.”
“Sige, tawagan mo para singilin ka sa mga ininom mo sa bar niya na hindi mo pa binabayaran,” pananakot nito sa akin.
“Libre ni Lekaio ang mga ‘yon, kaya bakit ko babayaran?” pagtatama ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang malutong niyang tawa.
“Okay, tatawagan kita mamaya.”
Pagkatapos namin mag-usap, natagpuan ko ang sarili na tinitingnan ang larawan niya na nagawa ko pang i-save sa cellphone ko. Hanggang sa pinilig ko ang ulo ko dahil napatagal ang titig ko sa larawan niya. Parang may magnet ang mukha niya dahil hindi ko maalis ang mata ko sa kanya. Kung siya man ang babaeng pinagtutuunan ng pansin ni Lolo Amadeo, hindi na ako magtataka kung bakit, dahil maging ako ay na-mesmerize sa maamo at maganda niyang mukha. Mukhang ang inosente niyang mukha ang puhunan niya para makuha ang atensyon ng isang lalaki.
Ilang sandali pa ay pumasok na ang sekretarya ko at sinabing kasama na niya ang estudyante. Pinaalis ko muna si Remi bago pumihit para harapin siya.
Hindi na dapat ako magulat dahil alam kong ang pinakiusap ni Lolo Amadeo ang kaharap ko, but precisely, I’m still surprised dahil ang babaeng nakita ko sa social media ay kompirmadong siya rin ang nasa harap ko ngayon.
Why do I feel like I just can’t accept that she’s the woman grandpa is infatuated with? Why her, of all people?
Pinagmasdan ko siya habang nilalabas ang mga gagamitin niya sa interview. Hanggang sa nagsimula na ang interview. Katulad sa larawan niya, hindi ko maalis ang mata ko sa mukha niya habang nagsasalita siya.
Tumunog ang telepono ko. Muntik ko nang makalimutan na kinausap ko pala si Redd na tawagan ako.
“So? Ano na ngayon? Tinawagan na kita.”
“Tumawag ka ulit mayamaya.”
“What? Pinaglalaruan mo lang yata ako, Allendrano.”
“I’m not. Sige na, bye.”
Bumalik ako. Nagpatuloy ang interview. Muling tumawag si Redd, kaya naputol muli ang interview. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya kung ano magiging reaksyon niya. Mukhang nauubusan na siya ng pasensya.
Pumunta ako sa tapat ng glass wall, saka sinagot ang tawag ni Redd.
“Last na ba ito?” tanong ng kaibigan ko.
“Yes.” Tumingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa phone niya. “Thanks, dude.”
“Wha—” Hindi na nito natapos ang sasabihin nang pinutol ko na ang tawag. Natagpuan ko na lang ang sarili na naglalakad palapit sa kanya.
“Miss Dizon,” agaw ko sa atensyon niya. Nagulat siya nang marinig ang boses ko. Nasa likod lang niya ako, kaya bumangga siya sa akin. Mabilis ko siyang nahapit sa baywang niya.
Tumama ang mukha niya sa dibdi ko. Nang lumayo siya sa akin, inayos ko ang tumagilid niyang salamin. Saka ko mas nakita nang malapitan ang mukha niya. Kung hindi siya nagsalita, baka umabot sa punto na mapatitig na naman ako sa mukha niya.
Wala na sa plano ko ang humarap ulit sa kanya, pero namalayan ko na lang na hinihingi ko na ang numero niya. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko dahil hindi ko ugaling manghingi ng numero ng babae.
Hindi na ako nakapagpigil ay nakapagsalita na ako ng masama sa kanya. Tinanggi niya ang paratang ko at umalis siya sa opisina ko na masama ang loob at sinabing maghahanap na lang siya ng ibang mai-interview.
Pumalatak ako nang maiwan akong mag-isa sa opisina ko. “Who cares? Dahil lang naman sa lolo ko, kaya ko siya in-entertain,” sabi ko.
Bago ako pumunta sa meeting, tinawagan ako ni Lolo Amadeo. Sinabi ko ang nangyari sa interview.
“Be good to her, hijo—she’s a kind woman. Magse-set ulit ako ng interview niya sa ‘yo, kaya sana ay ayusin mo na pakikitungo sa kanya. Grades niya ang nakasalalay sa interview na ginagawa niya,” paliwanag nito.
“Bakit mo ba s’ya pinagtutuunan ng pansin, Lo? May relasyon ba kayo?” diretsong tanong ko. Prangkahin na niya ako para hindi na ako nanghuhula sa status nilang dalawa ng babaeng iyon.
“Huwag mong pag-isipan ng masama ang pagiging malapit namin ni Stephanie. Subukan mo siyang kilalanin, apo.”
Nang sinabi ng lolo ko na subukan kong kilalanin si Stephanie, nag-isip agad ako ng paraan para makilala ito. Pero nang tinawagan ko siya para sabihin na magpapa-interview na ako, ay sinabi niyang may nahanap na raw siya, at iba na ang mag-i-interview sa akin.
Who does she think she is, deciding that I’d rather have someone else interview me?
Para hindi na siya makatanggi, pinasundo ko siya sa mga tauhan ko. Katulad ng inaasahan ko, gulat na gulat siya nang makita ako.
“Anong kalokohan ito, Mr. Caivano?” tanong niya.
“Isn’t it obvious, Miss Dizon? Pinasundo kita para ituloy mo ang interview sa akin.”
“Hindi rin ba obvious na ayaw na kitang i-interview?” matigas niyang sabi.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Pinakiusapan ako ng lolo ko—hey, where do you think you’re going?” sabi ko nang talikuran niya ako.
“Papasok pa ako sa trabaho ko!” sagot niya habang naglalakad palayo sa akin.
“Susundan ko ba, boss?” tanong ng tauhan ko.
“Ako na.” Mabilis akong bumaba ng chopper para sundan siya. “Bumalik ka dito, Stephanie Jane Dizon!” tawag ko sa kanya at binilisan pa ang hakbang ko. Nang malapit na ako sa kanya, mabilis akong pumunta sa harapan niya para iharang ang katawan ko. Mayamaya lang ay napatili siya nang sinampay ko siya na parang sako sa balikat ko at naglakad pabalik sa chopper.
“Ibaba mo ako!” Pinagsusuntok niya ang likod ko, pero hindi ako natinag. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang marating ang chopper. Mabilis ko siyang pinasok sa loob. “Ano bang ginagawa mo?” singhal niya sa akin habang hinahampas ang dibdib ko.
Nanggigigil na pinigilan ko ang kamay niya at agad na dinala sa taas ng ulo niya, saka tinukod ang kamay ko sa sandalan ng upuan at nilapit ang mukha sa kanya. Namilog ang mata niya sa ginawa ko.
“Kapag hindi ka tumigil, hahalikan kita!” nauubusan ng pasensya na banta ko sa kanya. Takot yata siyang mahalikan, kaya hindi na siya nagsalita. Pero hindi ko napigilan ang sarili na tumingin sa mapula niyang labi. Napalunok ako. Parang may nag-uudyok sa akin na halikan siya sa labi.