Chapter 6 Permission

1607 Words
STEPHANIE Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin, pero habang nasa himpapawid kami ay pasimple akong tumitingin sa ibaba at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa nakikita ko mula sa itaas. Sa totoo lang, takot ako sa mataas, pero habang nandito ako at nakatingin sa magandang tanawin sa ibaba, nakalimutan kong may fear of heights pala ako. Pasimple ko siyang tinapunan ng tingin. Awtomatikong tumaas ang isang kilay ko nang makita ko siyang nakapikit. Masungit pa rin siyang tingnan habang nakahulikipkip ng upo sa gilid. Namilog ang mata ko nang magmulat siya ng mata. Magkaharap lang kami, kaya agad siyang napatingin sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa, pero ako ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang mga titig niyang parang tumatagos sa buong pagkatao ko. Tinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa tanawin na nakikita ko sa ibaba. Makalipas ang ilang minuto sa himpapawid, muli akong namangha nang makita ang isang isla. Habang palapit kami sa isla ay may nakikita akong mga tao sa ibaba. Ilang sandali pa ay lumapag na ang chopper. Una siyang bumaba. Pababa na ako nang nilahad niya ang kanyang kamay. Nagdalawang-isip pa akong abutin ito, pero kalaunan ay tinanggap ko ang tulong niya. Saka lang niya binitawan ang kamay ko nang nakababa na ako sa chopper. Kinausap muna niya ang piloto ng chopper bago kami lumayo. Natulala na lang ako nang makita kong dahan-dahang umaangat ang chopper. “Bakit umalis na s’ya?” tanong ko. Inaalala ko ang trabaho ko. Mabuti sana kung nagpaalam ako, kasi hindi. Hindi porke mabait ang amo ko ay aabusuhin ko na ang kabaitan nito. Nakapamulsa siyang humarap sa akin. “Babalikan niya tayo sa Linggo ng hapon,” seryosong sagot niya. “A-ano? Teka, may trabaho pa akong naiwan.” “I know,” sagot niya, sabay tumalikod sa akin. Malaki ang hakbang ko nang sumunod ako sa kanya. “Alam mo naman pala, pero bakit dinala mo ako dito? Paano ako papasok kung nandito ako?” Nakasunod lang ako sa kanya, kaya bumangga ako sa likod niya. Napadaing ako nang sumubsob ang mukha ko sa likod niya. Paglayo ko ay nahulog ang salamin ko, kaya sinalo ko ito. Pero namilog ang mata ko sa gulat dahil eksaktong nasalo ko ang salamin sa bandang pang-upo niya. Oh, no. Nahawakan ko ng hindi sinasadya ang pang-upo niya! Mabilis akong lumayo sa kanya at agad na sinuot ang salamin sa mata ko. Mayamaya lang ay dahan-dahan na siyang pumipihit paharap sa akin. Blanko ang mukha niya nang tumingin sa akin. Matapang naman akong nakipagtitigan sa kanya. “Nahulog ang salamin ko,” paliwanag ko agad. Baka kasi bigyan niya ng kahulugan ang nangyari. “Your boss is already aware that you won’t be reporting for work until Sunday.” Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Muli siyang tumalikod at naglakad. Sumunod ako, pero mabagal na ang hakbang ko dahil baka maulit na naman ang nangyari kanina. Lumapit siya sa lalaking nakatayo sa gilid ng isang land rover na sasakyan. Nag-usap sila sandali bago sumakay ang lalaki sa isa pang sasakyan. Ilang sandali pa ay umalis na ito. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat. Inirapan ko muna siya bago ako pumasok. Nagulat at impit akong napatili nang malakas niyang sinara ang pinto ng sasakyan. Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Magkaka-heart attack ako sa ginagawa niya. Ilang sandali lang ay binabaybay na namin ang daan. “Paano mo nasabing alam na ng boss ko?” “Pinaalam kita,” mabilis niyang sagot. “Bakit? Kilala mo ba siya?” “Maraming paraan para malaman ko kung saan ka nagtatrabaho, Miss Dizon.” Natigilan ako. Napuno ako ng pagkabahala sa sinabi niya. Inisip ko na lang na nalaman niya ang tungkol sa trabaho ko sa lolo niya. Hindi na ako kumibo dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin. Inabala ko na lang ang sarili sa tanawin na nakikita ko. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang sasakyan. Bumaba siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. “Kumain muna tayo.” Sumunod ako sa kanya. Habang naglalakad, abala ang mata ko sa paligid. Hanggang sa napatingin ako sa dagat. Masarap sanang maligo, pero hindi naman ako pumunta dito para magsaya. Tapos kasama ko pa ang aroganteng lalaking ito. Pumasok kami sa open cottage na kainan. Masaya kaming sinalubong ng isang staff. Base sa approach nito sa kanya, parang kilala na siya nito. Baka madalas siyang magbakasyon sa isla, kaya kilala na siya ng mga tao dito. “What’s your order?” tanong niya. Nakaupo na kami at hinihintay na lang ng waiter na sabihin ko ang order ko. Sinabi ko ang order ko. Isang putahe lang ay kasya na sa akin. At saka, kailangan kong tipirin ang pera ko, lalo na’t wala pang sahod. May pinaglalaanan din kasi ako ng pera ko, kaya umiiwas akong gumastos kung hindi naman kailangan. “Kuya,” tawag ko sa waiter nang paalis na ito. “Ako ang magbabayad ng in-order ko,” sabi ko, kaya parang nagulat ito. Napatingin pa siya sa kasama ko. Ayokong may masabi sa akin ang boy labo na ito, kaua gusto kong patunayan sa kanya na hindi ako katulad ng babaeng iniisip niya. “Sige po, ma’am.” Pag-alis ng waiter, tinapunan ko siya ng tingin. Tinaasan ko agad siya ng kilay nang magtagpo ang aming mga mata. “Bakit ganyan ka tumingin? Ginawa ko lang ‘yon dahil ayokong magkaroon ng utang na loob sa ‘yo,” diretsong sabi ko at inirapan siya. Ngunit muli ko rin binalik ang tingin sa kanya nang pumalatak siya. “So, are you able to pay for the island cabin too?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Anong—” “Kaya mong bayaran ang pagkain, ‘di ba? Lubusin mo na. Ikaw na rin ang magbayad ng cabin na tutuluyan mo dito.” Kinuyom ko ang kamao ko at tiningan siya ng masama. “Ikaw ang nagdala sa akin dito, Mr. Caivano. Bakit ako magbabayad ng cabin para lang may matuluyan ako? Pabalikin mo ang chopper para makapasok ako sa trabaho ko. Alam mo bang malaking halaga ang mawawala sa akin kapag hindi ako nakapasok sa trabaho ko? Babayaran mo ba ang tatlong araw na hindi ko pinasok? Ha?” nanggigigil na sabi ko. Kung alam ko lang pabalik, baka iniwan ko na siyang mag-isa dito. Salubong ang kilay niya habang titig na titig sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Napaisip tuloy ako kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. He removed his glasses. My lips fell open slightly at the sight of his silver-gray eyes. “How much?” Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. “Tatlong araw kang hindi makakapasok, ‘di ba? So, magkano ang ibabayad ko sa tatlong araw?” Umayos ako ng upo. “Ayokong manggaling sa akin, kaya amo ko ang kausapin mo tungkol sa salary ko. Mahirap na, baka isipin mong gahaman ako sa pera, kaya mas mabuting boss ko ang magsabi sa ‘yo.” Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. “Okay. Kami na lang ang mag-uusap,” mahinahon niyang sabi. Tahimik kaming kumain. Medyo napasarap ang kain ko dahil buttered shrimp ang inorder ko. Wala akong pakialam kung kaharap ko siya. Mayamaya lang ay napatingin ako sa cellphone niya nang tumunog ito. Nang sulyapan ko siya, nakatitig lang siya dito. “Bakit hindi mo sinasagot?” “I don’t answer calls from numbers that aren’t registered on my phone,” sagot niya. Pareho pala kami. Hindi ko rin sinasagot kapag hindi naman naka-register sa cellphone ko. Bigla akong natigilan. Baka si Cianne ang tumatawag. Naalala kong binigay ko ang numero niya sa kaibigan ko. Tumikhim ako at umayos ng upo. Alanganin akong napangiti nang tumingin siya sa akin. “Baka kasi kaibigan ko ang tumatawag sa ‘yo.” Kumunot ang noo niya. Muli akong tumikhim. “Binigay ko sa kanya ang number mo. Siya na ang mag-i-interview sa ‘yo.” Tumaas ang isang kilay niya. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mabilis na dumilim ang mukha niya. “You gave my number to your friend without my permission?” “Sinabi ko na, ‘di ba? Na iba na ang mag-i-interview sa ‘yo. Kaya binigay ko sa—” “Kahit na! Hindi mo dapat binigay ang number ko dahil hindi pa naman ako pumapayag na magpa-interview sa kanya!” mariin niyang sabi habang pinupukol ako ng masamang tingin. Pasimple kong nilibot ang mata sa loob ng kainan. Alanganin akong ngumiti nang makitang sa amin nakatingin ang ibang customers. Muli kong binalik ang tingin sa kanya. “P-pwede bang hinaan mo ang boses mo? Pinagtitinginan na tayo, e,” sita ko sa kanya, pero pinaningkitan lang niya ako ng mata. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga. “Okay, kasalanan ko. Pasesnya na kung binigay ko kay Cianne ang number mo. Kaibigan ko naman ‘yon, e,” katwiran ko. Bahagya niyang nilapit ang mukha sa akin. “I don’t give a f**k who else you gave my number to; as long as you don’t have my permission, you still have no right to do that. You got that?” tiim-bagang niyang sabi. “Sorry na nga, e.” Umayos siya ng upo. Muli akong napatingin sa cellphone niya. May tumatawag ulit sa kanya. Dinampot niya ito at inabot sa akin. Pinukol ko siya ng nagtatanong na tingin. “Sagutin mo. Sabihin mong ayokong magpa-interview sa kanya.” “P-pero…” “Sayo lang ako magpapa-interview, Miss Dizon. Ikaw lang ang pinapahintulutan kong mag-interview sa akin. Period!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD