Chapter 7 Kiss

2188 Words
STEPHANIE Napatitig ako sa kanya pagkatapos niya iyon sabihin. Kahapon lang ay hinusgahan niya ako, tapos ngayon ay gusto na niyang ako ang mag-interview sa kanya. Kaya nga binitawan ko na siya dahil hindi lang magiging maayos ang takbo ng interview namin. “Huwag mong hintayin na ako pa ang kumausap sa kaibigan mo, Miss Dizon. Baka hindi mo lang magustuhan ang sasabihin ko sa kanya.” Tinitigan ko ang cellphone niya. Kapag ito ang ginamit ko, iisipin ni Cianne na kasama ko si Mr. Caivano. May usapan na kami. Tiyak akong sasama ang loob niya sa akin kapag binawi ko ang sinabi ko. “Pwede bang mamaya na? Kumain muna tayo.” “No. Kapag hindi mo siya kinausap, hindi rin s’ya titigil tumawag sa akin. So, sino ang naistorbo? Ako, ‘di ba?” matigas niyang saad. Mukhang naiirita na siya kakatawag ng kaibigan ko, kung si Cianne man ang tumatawag sa kanya. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at dinampot ang cellphone ko. “Cellphone ko na lang ang gagamitin ko. Baka kasi isipin niya na magkasama tayo.” Nagsalubong ang kilay niya. “Ano naman? Totoo namang magkasama tayo,” katwiran niya. “Basta!” iritableng sabi ko at tinuon na ang atensyon sa cellphone ko. I was just about to give her a call when her name popped up on my screen. Tumatawag na si Cianne. Kagat ko ang ibabang labi nang sagutin ko ang tawag niya. Mukhang alam ko na ang tinawag niya sa akin. “Hindi sinasagot ni Mr. Caivano ang tawag ko, SJ. Magpapa-appointment na sana ako, para makapagsimula na ako ng interview sa kanya,” bungad niyang sabi sa akin. Sabi ko na nga ba. Paano ko sasabihin na ayaw ni Mr. Caivano magpa-interview sa kanya? “Cianne, may sasabihin ako. Huwag ka sanang magalit. Ano kasi…” Tumingin ako kay Mr. Caivano. Salubong ang kilay niya habang titig na titig sa akin. Hinihintay niya siguro ang sasabihin ko sa kaibigan ko. “Ano ‘yon?” “Ako na lang ulit ang mag-i-interview kay Mr. Caivano.” “What?!” Nilayo ko agad ang cellphone sa tainga ko dahil tumaas ang boses nito. Lalong nagdikit ang kilay ng kaharap ko nang makita ang naging reaksyon ko. “Binigay mo sa akin, tapos babawiin mo? Niloloko mo ba ako, Stephanie?” Natigilan ako sa sinabi nito. Wala akong intensyon na lokohin siya. Bukal sa loob ko na ibigay sa kanya si Mr. Caivano. Hindi ko naman inaasahan na babalikan pala ako nito at sabihin na ako ang gusto nitong mag-interview sa kanya. “Pasensya na, Ci. Si Mr. Caivano kasi ang—” Namilog ang mata ko at napasinghap ako sa gulat nang inagaw ni Mr. Caivano ang cellphone ko. Wala na akong nagawa nang dinala niya ito sa tapat ng tainga niya. “Is this Miss Dizon’s friend?” tanong niya kay Cianne. “Don’t bother calling me again. Hindi na ako nag-i-intertain ng iba. Si Miss Dizon lang ang in-allow kong mag-i-interview sa akin,” walang paligoy-ligoy niyang sabi. Siya yata ang tipo ng tao na walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Imagine, babae pa ang sinabihan niya ng ganoon. At habang sinasabi niya iyon, hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. Parang pinarating niya na ako lang ang may karapatan mag-interview sa kanya. Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya? Nang wala na siyang sasabihin sa kaibigan, binalik na niya sa akin ang cellphone ko. “Ci, si SJ ito.” “Magkasama kayo?” tila hindi makapaniwala na tanong niya. “Oo. Si Mr. Caivano ang nagpasundo sa akin kanina,” sagot ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Nang sulyapan ko si Mr. Caivano, titig na titig na naman siya sa akin. Pero napansin ko, hindi sa mismong mukha ko siya nakatingin kundi sa labi ko. “Can you convince him, SJ? Please?” Naging mahinahon na ang boses niya. Dahil siguro kailangan niyang makiusap sa akin, kaya kumalma siya. Hindi ako nakasagot agad sa pakiusap nito. Paano kung ayaw nga pumayag? “Susubukan ko, Ci.” “Sige, hihintayin ko ang sagot mo hanggang mamaya.” “T-teka—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang linya. Bumuga na lang ako ng hangin at binaba sa mesa ang cellphone ko. Muli akong tumingin sa kanya. Halos magdikit ang kilay niya habang nakatingin sa akin. “Hindi na ba magbabago ang isip mo? Gustong-gusto ka kasing ma-interview ng kaibigan ko.” “Huwag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko, Miss Dizon. Sabihin mo sa kaibigan mo, maghanap siya ng ibang dahil hindi lang ako ang pwede niyang ma-interview. Kung ayaw niyang maghanap at ipipilit pa rin niya ang gusto niya, hindi ko na problema ‘yon,” matigas niyang sabi. Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga narinig ko mula sa kanya. Pagkatapos kumain, bumalik kami sa sasakyan. Ilang sandali lang ay binabaybay na namin ang daan papunta sa El Casas cabin. Doon daw kami papunta. Makalipas ang ilang minuto, pumasok kami sa nakabukas na gate. Napanganga ako nang makita ang bumungad sa mata ko. Maraming nakahilerang puting cabin ang tumambad sa akin. Iba’t ibang disenyo, pero pare-parehong maganda. Binuksan ni Mr. Caivano ang pinto ng sasakyan, kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko namalayan na nakababa na pala siya sasakyan. Inalalayan niya akong bumaba. Nagulat na lang ako nang dinala niya ang kanyang dalawang kamay sa baywang ko. Bigla akong napahawak sa magkabilang balikat niya nang binuhat niya ako na parang bata. Kaya ko namang bumaba kahit mataas ang land rover niya, kaya hindi na dapat niya iyon ginawa. O baka ayaw lang niyang tumagal ang pagbaba ko, kaya binuhat na niya ako. Nang bitawan niya ako, muli kong nilibot ang mata sa paligid. “May cabin ka rito?” usisa ko habang nililibot ang mata sa paligid. “Yes.” Nagsimula na siyang maglakad, kaya sumunod ako. Mayamaya lang ay huminto kami sa harap ng isang cabin. Alam ko agad na cabin niya ito dahil may pangalan niya. Binuksan niya ang pinto at pumasok kami sa loob. Napanganga na naman ako nang makita ko ang loob ng cabin niya. “Maupo ka muna. Kukunin ko lang ang gamit mo.” Sa halip na umupo, pumunta ako sa bintana. Mula dito sa loob ay tanaw ko ang dagat. Binuksan ko ang glass sliding window. Malawak akong ngumiti at pumikit nang sumalubong sa akin sariwang hangin. “Ang sarap,” sabi ko, habang sinasamyo ang sariwang hangin. Mabuti na lang ay dito niya ako dinala dahil para akong makakapag-relax ng ilang araw. Kung may dala lang akong damit, baka naligo ako sa dagat. Napamulat ako ng mata ng naalala kong wala akong damit. “I’m glad you like it here.” Pumihit ako paharap sa kanya nang marinig siyang magsalita. Dala na niya ang gamit ko. “Once the interview’s done, I’ll give you a little tour of the island.” “Wala akong damit,” sabi ko para alam niya. “Use mine,” diretso niyang sabi. Napaawang ang labi ko. Paano ang panty ko? Brief niya ang isusuot ko? No way! “Hindi ako nagsusuot ng damit ng lalaki, Mr. Caivano.” Tinaasan niya ako ng kilay, na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. “Wala kang choice kundi isuot ang damit ko,” matigas niyang saad. Mayamaya lang ay nagsalubong ang kilay ko nang makita ang pilyo niya ngiti sa labi. “O baka gusto mong maghubad na lang?” Namilog ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Pinukol ko agad siya ng masamang tingin. Mayamaya lang ay naglakad na ako palapit sa kanya at marahas na inagaw ang bag ko. “Manyak!” asik ko sa pagmumukha niya, pero parang natuwa pa ang apat na matang ito. Tinalikuran ko siya at bumalik sa bintana. Malalim na lang akong napabuntomg-hininga nang bigla ko na naman silang namiss. “Magpahinga ka muna. Bukas na natin simulan ang interview.” “Pwede bang pagkatapos ng interview, bumalik na tayo?” Gusto ko silang dalawin. Kung gaano ko sila ka-miss, ganoon din sila sa akin. Mawawala ang pagod ko sa trabaho at pag-aaral kapag nayakap ko na sila. “Why? Do you already miss Lolo Amadeo?” Nakuyom ko ang kamao ko. Binibigyan niya ng kahulugan ang lahat ng sinasabi ko. Pinagpipilitan niyang may relasyon kami ng lolo niya. Huminga ako ng malalim at marahang bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Hanggat nandito ako at kasama ko siya, kailangan kong maging kalmado, kahit inis na inis na ako sa ugali niya. Muli akong pumihit paharap sa kanya. “Magpapahinga na ako.” Pinili kong ‘wag na siyang sagutin dahil baka magtalo pa kami. “Nasaan ang magiging kwarto ko?” Muli kong nilibot ang mata sa loob ng cabin. Pahaba ang cabin niya, pero wala akong nakitang pinto. “Isa lang ang kwarto dito, at ‘yon ang kwarto ko.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung sinasadya niyang inisin ako, pero hindi na ako natutuwa. “Maraming cabin dito, doon na lang ako.” “Hindi ka pwede roon dahil cabin ng mga kasapi sa…” Pinutol niya ang sasabihin. Naghintay akong magpatuloy siya. “The cabins already have owners, so maybe it’s better if you sleep here with me.” Marahas akong bumuntong-hininga. “Kailan mo ba ako binigyan ng pagpipilian?” nakairap na sabi ko. Narinig ko ang buntong-hininga niya. Mayamaya lang ay naglakad siya. Huminto siya sa tapat pader. Napaawang na lang ang labi ko nang bumukas ito. Kaya pala wala akong makitang pinto dahil para itong camouflage, kaya hindi agad mapapansin na may pinto roon. “Halika na, bago pa uminit ang ulo ko.” Umikot ang mata ko. Siya pa talaga ang may ganang uminit ang ulo. Lumapit ako at sumunod sa kanya. Hindi pa pala ito kwarto dahil pasilyo pa ang dinadaanan namin. Hindi ito katulad sa labas, dahil dark gray at glossy ang pader na dinadaanan namin. Huminto siya at humarap sa bandang kaliwa ng pader. Winasiwas niya ng isang beses ang kanang kamay—nakaharap ang palad, sa harap ng pader. Napa-wow ako nang may lumabas na mga numero. May passcode ang pinto bago makapasok. Sinong mag-aakala na may pinto pala dito? Nakakamangha naman itong cabin niya. Hindi siya nagpahuli sa technology kahit cabin lang ito. Pumasok kami sa loob. Hindi ko na naman mapigil na umawang ang labi ko nang tumambad sa harap ko ang malawak niyang kwarto. Ang sabi nila, makalat daw ang lalaki sa kwarto, pero hindi ito ang nakikita ko. “Sa sala na lang ako matutulog.” “Dito ka matutulog sa ayaw at sa gusto mo. Baka sabihin ni Lolo, inapi kita habang nandito tayo.” “Alam ni Sir Don na nandito tayo?” “Hindi.” Sumimangot agad ako. Ayoko na siyang kausapin dahil maiinis lang ako. “If you’d like to take a shower, the bathroom is just over there, and feel free to grab some clothes from the closet too.” “Sandali!” Nasa pinto na siya nang tinawag ko siya. “Wala akong panty. Anong gagamitin ko?” Kung bra kasi ay pwede ko pang gamitin, pero ang underwear ay hindi ko na kayang isuot hanggang mamayang gabi. Maiirita lang ako. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mayamaya lang ay napataas ang isang kilay niya. “It’s just the two of us here in the cabin, so you don’t even have to wear panties.,” sabi niya. May bahid ng kapilyuhan ang boses niya. Inirapan ko siya at tumalikod sa kanya. Nang tahimik na ang silid ay lumingon ako sa kanya. Nang wala na siya, mabilis kong tinungo ang banyo para maligo. Pagkatapos, nagpatuyo lang ako ng buhok bago humiga sa malambot niyang kama. Mabilis akong nakatulog. Paggising ko, madilim na sa labas. Napahaba yata ang tulog ko. Umalis agad ako sa kama at lumabas ng silid. Nilagyan ko ng harang ang pinto para makapasok ako sa kwarto. Paglabas ko sa silid, naabutan ko si Mr. Caivano sa sala. Nakahiga siya sa pahabang sofa. Nakatulog na yata siya. Bumalik ako sa kwarto at kumuha ng kumot. Kahit arogante at judgemental ang lalaking iyon, may konsensya pa rin naman ako. Kumuha ako ng kumot at muling lumabas ng silid. Lumapit ako. Bahagya akong yumukod para kumutan siya. Pero natigilan ako nang magmulat siya ng mata. Namilog ang mga mata ko at napasinghap ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinatak palapit sa kanya. Napunta ako sa ibabaw niya. Muntik nang maglapat ang aming mga labi kung hindi ko lang natukod ang kamay ko sa dibdib niya. Tinitigan niya ako. Mayamaya lang ay bumaba ang mata niya sa labi ko. Tinitigan niya ito ng ilang segundo, bago muling binalik ang tingin sa akin. “Will you get mad if I kiss you?” Napalunok ako sa sinabi nito. Wala na akong nagawa nang kinabig niya ang batok ko, saka niya ako siniil ng halik sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD