Story By Lhady Ellie
author-avatar

Lhady Ellie

ABOUTquote
a simple reader and a writer..
bc
The Black Box of My Heart
Updated at Nov 15, 2026, 20:39
Captain Aki Takahashi is living his dream as one of Japan's youngest commercial pilots-until one tragic plane crash changes his life forever.He survives... but loses every memory of the woman who claims to be his fiancée.Heartbroken but determined, Lyra ashford refuses to let go of the man she loves. She stays by his side, hoping that one day, he'll remember their love story. But the more they search for Aki's lost memories, the more they uncover dark secrets surrounding the crash.Was it really an accident?Why did the plane's black box disappear?And why are powerful people willing to kill just to keep the truth buried?As love, betrayal, and danger collide, Aki must choose between believing the woman his heart seems to recognize... or the lies his forgotten past has left behind.Will love be enough to bring back the memories... or will the truth hidden inside the black box tear them apart forever?
like
bc
The Untouchable Four
Updated at Nov 14, 2026, 23:20
Sa Hanseong Royal University, may apat na binatang walang sinumang nangangahas na kalabanin. They're rich. Powerful. Arrogant and Untouchable. And they practically rule the entire university. Theron Alistair Kang—the arrogant leader who always gets what he wants. Leander Soren Seo—the mysterious prince who rarely speaks but sees everything. Remiel Laurent Lee—the charming playboy who treats love like a game. Caelan Mercer Cha—the rebellious heir who doesn't believe in rules. Together, they are known as THE UNTOUCHABLE FOUR. Then came Francine Brielle Madrigal. An ordinary scholarship girl. Walang pera.Walang koneksiyon.Walang makapangyarihang pamilya. But unlike everyone else, she wasn't afraid of them. Especially their arrogant leader. He wanted her to bow. She refused. He wanted her gone. She fought back. He promised to make her university life miserable. But what happens when the boy who has everything suddenly wants the one girl he can never control? and what if that girl's heart already belongs to someone else? In a world where money can buy almost everything, will love become the one thing even the Untouchable Four cannot control?
like
bc
The Mafia's Crown Jewel
Updated at Oct 28, 2026, 20:43
One mission. One cold-hearted billionaire. One dangerous secret. Nang italaga si Danica Jewel Cervantes bilang bagong secretary at personal assistant ni Cole Lawrence Del Fierro, akala niya isa lang itong ordinaryong assignment. Hanggang sa unang araw pa lang ay nasira na niya ang mamahaling suit ng kanyang boss. "You're fired." "Too bad. Hindi ako puwedeng umalis." Hindi alam ni Cole na ang babaeng pilit niyang pinapaalis ay hindi lang secretary—isa rin siyang undercover protector na ipinadala upang bantayan siya mula sa mga panganib na unti-unting lumalapit. Habang lumalala ang kanilang bangayan, mas lalo namang lumalalim ang koneksyong pareho nilang pilit tinatakasan. Pero paano kung ang lalaking unti-unti niyang minamahal ay hindi lang isang billionaire CEO? Paano kung siya pala ang tagapagmana ng isa sa pinakamakapangyarihang mafia empires sa bansa? Sa mundong ang tiwala ay mahal kaysa ginto, at ang pagtataksil ay katumbas ng kamatayan, hanggang saan ang kayang isugal ni Danica para protektahan ang lalaking hindi niya dapat mahalin? Because in the world of the mafia... every crown has its jewel, and every jewel comes with a price.
like
bc
Recipe for Speed
Updated at Nov 16, 2026, 03:29
Si Belle Parker ay isang tanyag na Michelin-star chef at may-ari ng anim na sikat na restaurant branches na dinarayo ng mga food lovers mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kilala siya sa kanyang pambihirang talento sa kusina at sa paniniwalang ang bawat putahe ay dapat lutuin nang may puso.Samantala, si Ichigo Tan ay isang world-class professional car racer na kilala sa kanyang bilis sa racetrack... at sa pagiging sobrang maselan sa pagkain. Dahil sa mahigpit niyang diet at mataas na standards, halos wala nang chef ang nakapagpasaya sa kanyang panlasa.Nang magkrus ang kanilang landas, nauwi ang unang pagkikita sa bangayan. Para kay Belle, napakaarte ni Ichigo. Para naman kay Ichigo, hindi sapat ang pagiging sikat kung hindi naman perpekto ang bawat pagkain.Ngunit habang mas lalo silang napapalapit, unti-unti nilang matutuklasan na ang pinakamahirap palang recipe ay hindi tungkol sa pagkain o sa bilis ng sasakyan-kundi kung paano buksan ang puso sa taong hindi mo inaasahang mamahalin.Sa pagitan ng init ng kusina at ingay ng racetrack, mabubuo kaya ang recipe ng kanilang pag-ibig... o mauuwi lang ito sa isang crash na walang finish line?
like
bc
Owned by the Mafia Archer
Updated at Oct 30, 2026, 22:51
SPG ALERT...... Hindi kailanman pinangarap ni Raven Montenegro na maging tagapagmana ng pinakamakapangyarihang mafia empire ng kanilang pamilya. Ngunit sa mundong kanyang kinamulatan, walang puwang ang pagtanggi. Ang apelyidong Montenegro ang kanyang kapalaran. Malamig. Walang awa. Isang babaeng kinatatakutan ng marami. Hanggang sa dumating si Jace Cordero—isang matapang na sundalo na isinumpang ipaglaban ang hustisya. Isang lalaking hindi dapat niyang mahalin... dahil magkaibang mundo ang kanilang kinabibilangan. Ngunit isang gabing puno ng alak at kahinaan ang tuluyang bumago sa lahat. Isang pagkakamaling nagdikit sa kanilang mga tadhana. Habang lumalalim ang kanilang nararamdaman sa isa't isa, unti-unti ring nabubunyag ang mga lihim, pagtataksil, at madugong digmaang matagal nang nakatago. Paano kung ang babaeng dapat niyang hulihin... siya palang babaeng handa niyang ipaglaban? At paano kung ang lalaking dapat niyang ituring na kaaway... ang siyang naging pinakamalaking kahinaan ng kanyang puso? Sa mundong ang pag-ibig ay katumbas ng kamatayan... may pag-asa pa bang piliin ang isa't isa?
like
bc
MARRIED TO THE DEVIL I CHOSE
Updated at Oct 28, 2026, 21:45
This story contains SPG content, including mature themes, intense romantic elements, and emotionally charged situations. It is intended for readers 18 years old and above only. "Ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko?" Ang mahalin ang lalaking kinatatakutan ng buong mundo. Akala ko noon, ang kasal ay simbolo ng pag-ibig, panghabambuhay na pangako, at isang bagong simula. Pero nang isuot ko ang puting trahe de boda, hindi ako naging prinsesa. Naging asawa ako ng isang lalaking ang pangalan ay binubulong sa takot. Isang lalaking ang mga kamay ay marunong pumatay, ang puso ay matagal nang isinara, at ang buhay ay nababalot ng dugo at paghihiganti. Marami ang nagsabing baliw ako. Marami ang nagsabing balang araw pagsisisihan ko ang pagpili sa kanya. Marahil tama sila. Dahil ang pagmamahal sa isang demonyo ay hindi lang sumusubok sa puso... Sinusubok nito kung hanggang saan ang kaya mong isakripisyo. Ngunit kung bibigyan akong mamili muli— Pipiliin ko pa rin siya. Kahit alam kong ang pagmamahal sa kanya ay maaaring maging simula ng sarili kong kapahamakan. Dahil minsan, ang pinaka-mapanganib na pag-ibig... ay siya ring pinakamahirap bitawan.
like
bc
(HEARTLINE7-The Leader's #1)Hidden Heart
Updated at Sep 25, 2026, 12:37
Tristan Lee Davis ❤️ Bianca Claire Whitlock Sa harap ng milyon-milyong fans, parang nasa kay Tristan Lee Davis na ang lahat. At twenty-seven, siya ang leader at lead vocalist ng HEARTLINE7, isang seven-member boy band na umabot na sa international fame. Siya ang pinaka-kalmado sa interviews, unang humaharap kapag may problema, at huling natutulog kapag may kailangang ayusin. Para kay Tristan, hindi lang trabaho ang HEARTLINE7. Pamilya niya ito—mga lalaking kasama niyang nagsimula sa wala. Kaya kahit kailangan niyang isakripisyo ang sariling kaligayahan para manatiling buo ang grupo, gagawin niya. Until one leaked video changes everything. Sa loob lamang ng ilang oras, isang scandal ang kumalat online—sapat para mawalan sila ng sponsors, ma-freeze ang international tour, at tuluyang wasakin ang reputasyong ilang taon nilang binuo. At doon pumasok si Bianca Claire Whitlock. A crisis-management specialist. Matalino. Kalmado. Mahirap basahin. At higit sa lahat— hindi siya impressed sa HEARTLINE7. Simple lang ang trabaho niya. Save the band before the world destroys them. Pero mula pa lang sa unang pagkikita nila, may kutob na si Tristan na may tinatago si Bianca. Masyado itong maingat. Masyado nitong alam kung paano gumalaw ang taong nasa likod ng scandal. At sa tuwing tinatanong niya kung saan nagsimula ang leak palaging may bahagi ng sagot na hindi nito sinasabi. Pero habang magkasama nilang sinusubukang pigilan ang pagbagsak ng HEARTLINE7, unti-unting nakikita ni Tristan ang babaeng nakatago sa likod ng pagiging cold professional. The woman who secretly stays awake until dawn fixing their problems. The woman who protects his members even when they don’t trust her. At ang babaeng unang nakakita kung gaano kapagod ang lalaking laging pinipiling maging matatag. For the first time in years, gusto niyang maging selfish. Gusto niyang piliin ang sarili niya. Gusto niyang piliin si Bianca. But Bianca never entered his life by accident. Because she knows exactly who started the scandal. And when Tristan finally discovers the truth baka hindi lang HEARTLINE7 ang mawala sa kanya. Baka pati ang babaeng unang nagturo sa kanyang hindi lahat ng laban ay kailangan niyang harapin nang mag-isa.
like
bc
Minahal lang kita
Updated at Sep 25, 2026, 01:13
MATURED CONTENT!!! "What if the person you've loved for years was never meant to be yours... until someone else taught you what real love truly is?" Four years. Ganun katagal lihim na minahal ni Shine Valencia si Gavin—ang tahimik, mabait, at pinakasikat na estudyante ng Saint Paul Academy. Kahit kailan, hindi siya umasa. Mas pinili niyang mahalin ito mula sa malayo, habang unti-unting tinatanggap na baka hindi siya kailanman mapansin. Pero ilang araw bago ang kanilang JS Prom, isang kaibigan ang nagdesisyong baguhin ang lahat. "Pre... pwede bang si Shine na lang ang maging partner mo?" Isang simpleng pakiusap. Isang desisyong maaaring magpabago ng kanilang buhay. Mula sa unang pag-ibig, pangarap, at mga pangakong akala nila ay panghabambuhay... Hanggang sa pagtataksil, pagkawala, at mga sugat na halos sumira kay Shine. At nang akala niyang wala nang natitirang dahilan para muling magmahal... May isang lalaking tahimik lang na naghihintay. Hindi siya ang unang minahal ni Shine. Pero handa siyang maging huli. "Hindi kita mamadaliin... nakapaghintay nga ako ng maraming taon. Ang gusto ko lang... maging masaya ka ulit." Sa pagitan ng unang pag-ibig at tamang pag-ibig... Sino nga ba ang tunay na pipiliin ng puso? Because sometimes... your first love isn't your forever.
like
bc
Where Our Hearts Meet
Updated at Sep 22, 2026, 01:26
Bata pa lamang siya, kilala na siya sa pambihirang talento sa pagtugtog ng piano. Malinaw ang pangarap niya—hanggang sa isang trahedya ang sumira sa lahat. Nang mamatay ang kanyang pinakamamahal na asawa, kasabay nitong nawala ang kanyang sigla, inspirasyon, at pagmamahal sa musika. Iniwan niya ang piano at isinara ang pusong minsang punong-puno ng pangarap. Akala niya, hindi na siya muling magiging masaya. Hanggang sa makilala niya si Eugene Sarmiento. Mayabang. Masungit. At nakakainis. Pero sa likod ng unang impresyon, natuklasan ni Ara ang isang lalaking marunong umunawa, mag-alaga, at dahan-dahang magbalik ng liwanag sa mundong matagal nang madilim. Dahil kay Eugene, muli niyang hinawakan ang piano. Muli siyang natutong ngumiti. At nang handa na siyang aminin sa sariling maaari pa pala siyang magmahal— biglang naglaho si Eugene. Sa mismong gabing ipinangako ni Ara na muli siyang tutugtog para rito. Walang tawag. Walang mensahe. Walang paliwanag. Ngayon, isang tanong ang naiwan sa pusong minsan nang nasaktan— Bakit siya iniwan ni Eugene kung siya rin ang nagturo kay Ara kung paano muling mabuhay? At kapag muli silang pinagtagpo ng tadhana… kaya pa ba nilang hanapin ang lugar kung saan muling magtatagpo ang kanilang mga puso?
like
bc
THE FINAL TRIGGER
Updated at Aug 28, 2026, 09:31
Si Kael Vance ay isang top-tier elite security agent—kilala sa pagiging malamig, disiplinado, at halos walang kapalpakan sa bawat misyon. Sa kanyang tabi ay ang lalaking itinuring niyang tunay na kapatid, ang kanyang blood brother na si Renzo Valez, at ang pinakamagaling na babaeng operative ng kanilang unit, si Lara Navarro—isang matalino, matapang, at mapanganib na ahente. Tatlo silang lumaban bilang iisang koponan. Tatlo silang nangakong walang maiiwan. Hanggang sa isang misyon ang sumira sa lahat. Sa isang high-risk operation sa Mexico, ipinadala si Kael sa isang solo mission upang iligtas ang kanyang team mula sa tiyak na kapahamakan. Nagtagumpay siyang alisin ang target, ngunit kapalit nito ang sarili niyang buhay. Sugatan. Pinagkanulo. Iniwan. Doon niya natuklasan ang pinakamabigat na katotohanan— may traydor sa sarili niyang grupo. Habang tinutulungan siyang makatakas ni Lara, unti-unti ring lumabas ang damdaming matagal na nilang itinago para sa isa't isa. Ngunit bago pa sila tuluyang makalayo, isang malakas na pagsabog ang sumira sa sinasakyan nilang bus at tuluyang naghiwalay sa kanilang landas. Sa pagitan ng apoy, dugo, at kamatayan, isang misteryosong organisasyon ang sumagip kay Kael. The Axis. Isang organisasyong walang mukha, walang pangalan, at may kapangyarihang kontrolin ang mga taong akala nila'y sila ang may kontrol. Dalawang taon ang lumipas. Bumalik si Kael sa Pilipinas. Hindi bilang bayani. Kundi bilang isang aninong nabubuhay para sa paghihiganti. Ngunit habang papalapit siya sa katotohanan, mas lalo niyang napagtatanto na wala na sa dati ang lahat. Si Renzo, ang kapatid na pinagkakatiwalaan niya nang higit sa sarili, ay isa nang malamig at makapangyarihang lalaki na tila may itinatagong lihim. Si Lara naman ay buhay... ngunit ang dating init ng kanilang samahan ay napalitan ng distansya at mga sikretong hindi niya maunawaan. At sa bawat piraso ng katotohanang kanyang natutuklasan, unti-unti niyang napapansin na parehong may koneksyon ang dalawa sa pagtataksil na muntik nang pumatay sa kanya. Ngayon, nahahati ang puso ni Lara sa pagitan ng lalaking minsan niyang minahal at ng lalaking nanatili sa kanyang tabi sa panahong wala na si Kael. Ngunit may mas malaking laban na naghihintay. Habang hinahabol ni Kael ang hustisya at paghihiganti, hindi niya namamalayan na isa na siyang piyesa sa mas malawak na plano ng The Axis—ang organisasyong nagligtas sa kanyang buhay kapalit ng kanyang kalayaan. Sa isang mundong puno ng kasinungalingan, pagtataksil, at digmaan... Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa katotohanan? At kapag dumating ang huling sandali... Ano ang pipiliin mo? Pag-ibig? Kapatiran? O ang huling putok ng paghihiganti?
like
bc
SHE HAS A HEART OF STEEL
Updated at Aug 28, 2026, 07:34
Teenagers pa lamang sina Winter at Andrew nang unang magtagpo ang kanilang mga landas. Isang pagkakaibigang unti-unting nauwi sa tahimik na paghanga—isang damdaming wala pa silang lakas ng loob na pangalanan. Ngunit sa isang iglap... nagbago ang lahat. Isang gabing hindi nila inaasahan, kapwa sila nakidnap. Sa desperadong pagtatangkang makatakas, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanilang mga buhay. Si Andrew ay nakaligtas... ngunit kapalit nito ang kanyang mga alaala. Binura ng matinding amnesia ang bawat alaala ng gabing iyon—kasama na ang babaeng minsan niyang hinangaan. Samantala, si Winter ang higit na nagdusa. Halos wasakin ng aksidente ang kanyang katawan, lalo na ang kanyang puso. Dumating sa puntong wala nang pag-asang mabuhay pa siya. O iyon ang akala ng lahat. Sa tulong ng impluwensya at kapangyarihan ng kanyang lolo, lihim siyang dinala sa ibang bansa upang sumailalim sa isang eksperimento. Isang pusong hindi na ganap na tao... kundi pusong kalahating bakal at kalahating buhay. At laban sa lahat ng posibilidad... muli siyang nabuhay. Ngunit kasabay ng kanyang muling paghinga ay ang unti-unting pagkawala ng kanyang kakayahang makaramdam. Hanggang sa tinawag siyang "The Woman with the Heart of Steel." Sa takot ng kanyang lolo na tuluyan nang mawalan ng emosyon ang kanyang apo, gumawa ito ng isang desisyong hindi niya matatakasan. Isang kasalang matagal nang itinakda. Sa apo ng matalik nitong kaibigan— walang iba kundi si Andrew. Ang lalaking minsan niyang lihim na hinangaan. Ang lalaking nakalimot na sa kanya. Kilalang-kilala pa rin ni Winter si Andrew—ang bawat ngiti, bawat titig, at bawat alaalang minsang naging mahalaga sa kanya. Ngunit sa mga mata ni Andrew... isa lamang siyang estranghera. Isang dating kakilala na wala na siyang maalalang espesyal na damdamin. Paano kung unti-unting bumalik ang nakaraan? At paano kung ang babaeng may pusong bakal ang tanging taong kayang muling magpatibok ng pusong matagal nang nakalimot? Kapag ang pag-ibig ay nabuo mula sa mga alaalang nawala... sapat ba iyon upang tunawin ang isang pusong gawa sa bakal?
like
bc
The Love I Never Expected
Updated at Aug 27, 2026, 02:26
Sobrang magmahal si Leigh Ocampo. Kapag nagmahal siya, ibinibigay niya ang lahat at para sa kanya, minsan lang iyon mangyayari sa buong buhay niya. Kaya nang pumanaw ang kanyang fiancée na si Rina bago pa man sila makarating sa altar, tila kasabay nitong namatay ang bahagi ng puso ni Leigh. Mula noon, ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling magmamahal. Dahil walang sinuman ang maaaring pumalit kay Rina. O iyon ang akala niya. Hanggang sa dumating si Willa ang babaeng unti-unting gumulo sa tahimik at sarado niyang mundo. “Bakit parang lagi kang galit sa akin?” tanong ni Willa. Matagal siyang tinitigan ni Leigh bago malamig na sumagot. “Dahil hindi kita dapat gustuhin. Dahil dapat kitang layuan.” Pilít niyang itinulak palayo si Willa. Kinamuhian niya ang bawat damdaming nabubuo para rito dahil sa isip niya, ang muling pagmamahal ay katumbas ng pagtataksil sa alaala ng babaeng minsan niyang pinangakuan ng habang-buhay. Ngunit habang lalo niyang nilalayuan si Willa, lalo naman siyang nahuhulog dito. Hanggang sa isang gabing hindi nila inaasahan, isang hangganan ang tuluyan nilang nalampasan—at pagkatapos noon, wala nang paraan para maibalik sa dati ang lahat. Ngayon, kailangang mamili ni Leigh: Mananatili ba siyang nakakulong sa pagmamahal na nawala na? O bibigyan niya ng pagkakataon ang babaeng dumating nang hindi niya hinahanap—ang babaeng maaaring maging the love he never expected?
like