Trigger Warning: STONE HEARTUpdated at Jan 28, 2026, 02:13
Kapag iniisip ko ang buhay ko bago siya dumating, parang panaginip lang ang lahat....isang panaginip na may halong sakit at lungkot. Ulilang-lubos, pinalaki ng kapatid ng aking ina, kasama ang pamilya niyang minahal ko ng buong puso, natutunan kong maging matatag sa gitna ng kawalan. Akala ko sapat na ang pagmamahal ko sa kanila, sapat na ang lahat ng sakripisyong kayang kong gawin para sa kanilang kaligtasan. Ngunit hindi ko alam na may mundo sa labas ng tahanang iyon. isang mundo ng kayamanan, panganib, at kapangyarihang kayang wasakin ang lahat ng aking pinapahalagahan.Si Andrew Villamor...isang pangalan na palaging sinasambit sa takot at respeto...ang unang nakakita sa akin sa aking pinakamasalimuot na sandali. Brutal, walang puso, at tanging kapangyarihan ang kanyang pinahahalagahan. At sa kabila ng lahat, inalok niya ako ng isang kasunduan: dalawang taon ng pagiging pag-aari niya kapalit ng limang milyong piso, sapat para iligtas ang taong pinakamahal ko sa mundo. Sa simula, tinanggihan ko siya. Tinanggihan ko ang bawat barya at bawat alok. Ngunit nang mamatay na sa aking mga mata si Ramil, nanganganib ang pamilya na iniingatan ko, pumayag ako.Hindi ko akalain na sa likod ng malamig niyang panlabas ay may kakaibang anyo ng pag-aaruga...tahimik, mapagmatyag, at minsa’y nakakabaliw sa dami ng atensyon na ipinapakita niya sa akin. Hindi ako para sa kanya, at hindi siya para sa akin...yung sinabi ng kontrata. Ngunit bawat araw na kasama ko siya, bawat gabing pinoprotektahan niya ang aking pamilya, bawat sandaling hindi niya pinipigilan ang sarili na makita ang aking kahinaan, unti-unti, unti-unti akong nahuhulog.At masakit na aminin, mas kumplikado ito kaysa sa pera o utang na loob. Hindi ko alam kung hanggang saan ako kayang magmahal o kung hanggang kailan siya mananatiling isang misteryong hindi ko lubos maiintindihan. Ngunit sa isang mundong puno ng dilim, siya lang ang liwanag na hindi ko kayang palampasin.