My Husband's Enemy's Baby In My Womb [SPG]Updated at Nov 15, 2025, 09:14
Pinakasalan ni Andrea ang lalaking minahal niya nang buong puso, ngunit kailanman ay hindi siya minahal pabalik. Para sa angkan ng asawa, tungkulin niyang magbigay ng tagapagmana ngunit sa halip na sipingan siya, Artificial Insemination lamang ang itinuring na solusyon ng esposo. At nang sa wakas ay magbunga ang proseso, isang nakakayanig na lihim ang nabunyag: ang semilyang itinanim sa kanya ay hindi galing sa asawa! Ang mas masakit pa, ang lahat ay bahagi pala ng masinsinang plano ng sariling esposo at ng kabit nitong mismo’y kapatid niya, isang desperadong tangka upang tuluyan siyang alisin sa buhay nito.
Kahit mahal niya ang asawa, hindi na kinaya ni Andrea ang kasamaan at walang-habas na pagyurak nito sa kanyang pagkatao. Sa sakit at galit, nagpasya siyang gumanti kung kaya’t isang gabi, nagpakalasing siya sa isang bar upang takasan ang kirot. Ang tanging plano niya ay umuwi sa matalik na kaibigan… ngunit dala ng kalasingan, mali ang pintong kanyang binuksan.
Sa halip na sa condo ng kaibigan, napunta siya sa penthouse ng kilalang bilyonaryo—si McKenzie Yapchingco. Matapos ang isang gabing pagkalimot at paglalasing, tinakasan ni Andrea ang bilyonaryong nakaniig niya, iniisip na hindi na sila muling magkikita. Ngunit nagkamali siya. Fate had other plans.
Ang hindi niya alam, ang lalaking tinakasan niya ay siya ring tunay na may-ari ng semilyang nagbigay sa kanya ng anak. Now she accidentally carries not just the billionaire’s heir but also the fire of a forbidden night she can’t forget.