Story By Erra Queen
author-avatar

Erra Queen

ABOUTquote
As a writer, if someone falls in love with my work, I know they have fallen in love with my mind. Having no idea what my face looks like, they chose my mind. Art may be the only place a woman can be whole without being seen.🩷 =WELCOME TO MY IMAGINARY KINGDOM=
bc
MY HUSBAND'S PARAMOUR (R-18)
Updated at Mar 3, 2025, 23:18
MY HUSBAND’S PARAMOUR: BAGAY NA GUSTONG MATUPAD NI SASHA MAXINE KARTINI NO'NG PANAHON NA SIYA NA LAMANG MAG-ISA SA BUHAY. ‘Yon ay magkaroon ng kumpleto at masayang pamilya. Bata pa lang si Sasha ay Ulilarang lubos na siya sa mga magulang no'ng pitong taong gulang pa lamang siya. Ang lolo't lola niya ang nagpalaki sa kaniya hanggang sa nakapag-tapos siya ng pag-aaral. Ngunit sa kasamang palad ay binawian rin ang mga ito ng buhay, dahilan ng katandaan. Kaya't tumayo sa sariling mga paa si Sasha upang magpatuloy sa na simulang bukas. Pumasok siya sa iba't ibang klase ng trabaho para mabuhay ang sarili. Hanggang sa lumuwas siya ng Maynila para mag-hanap ng magandang trabaho ayon sa kaniyang natapos na kurso. At hindi siya binigo ng tadhana at nakapasok siya sa isang kilalang kompanya sa buong Asia, America, at Europa. At 'yon ay ang Cruz Empire Company. Ang Cruz Empire Company ay kilala bilang isang best winning company sa buong Asia, 'di dahil sa ganda ng gusali. Kundi dahil sa pamamalakad ng may-ari nito. Halos lahat ng mga empleyado ay walang reklamo sa kompanyang pinagtatrabahoan nila. Dahil sa ganda nang pamamalakad ng may-ari at malaki rin kung magpa-sahod. Halos kada taon ay pinaparangalan ang Cruz Empire na pinakamatalinhaga at pinakamalaking income sa buong Asia. Sobrang sikat na kompanya ang pinasukan ni Sasha. At dito niya rin nakilala si Liam Dallas Cruz na kung saan isa siyang clerk assisstant sa Accounting Department. Niligawan siya ni Liam hanggang sa nag-desisyon ang binata na pakasalan siya at bumuo ng sarili nilang pamilya. Hindi naman siya binigo ng napangasawa niya dahil halos lahat ng katangian ng lalaki ay naka'y Liam na. Nagkaroon sila ng dalawang anak na siyang nagpa-tibay lalo kay Sasha. Ngunit sinubok silang mag-asawa ng panahon kung pa 'no nila malalagpasan ang unos at dagok sa kanilang buhay pamilya. Akala niya ay nakahanap na siya ng lalaking magbibigay sa kaniya ng kumpleto at masayang pamilya, na bubuo sa kaniyang pagkatao. Dahil 'yon ang pangarap niya... at para rin mapuonan niya ang pangungulila sa kaniyang mga mahal sa buhay. Ang akala niya kung magkaroon siya ng sariling pamilya ay magiging masaya na siya. At walang pasakit ang darating sa kanilang buhay mag-asawa. Kasi sila ang bumuo at matatawag niyang kanila dahil sa pagmamahalan nila bilang mag-asawa. Ngunit nagka-mali siya! Dahil ang pamilyang pinapangarap niya... ay siya ring mawawala sa kaniya. Parang isang malagim na bangungot ang nangyari sa buhay ni Sasha. Lalo pa't may mga anak sila ni Liam na... nakasalalay rin sa kaniya... at siya ring nagpapalakas lalo kay Sasha upang maging matibay sa kinakaharap nilang mag-asawa. Anong gagawin ni Sasha nang malaman niyang may nililihim ang kaniyang asawa sa kaniya? Magpapakalayo-layo ba siya kasama ang mga anak niya? O, mananatili siya sa piling ni Liam kahit alam naman niyang niloloko lang siya... para maging buo pa rin ang pamilyang pinapangarap niya?
like
bc
The Billionaire's Lust Love/SPG
Updated at Oct 31, 2024, 06:48
Zeffrey Rich Schneider (The Billionaire’s Lust Love) Shaynee Diaz, grew up in Tondo. When her parents died she was alone in life. She strive hard to finish her studies. And after all the sacrifices all her hardworks pay offs. She applied as a flight attendant to one of the famous airlines in the country. The Schneider Airlines. The management assigned her to an exclusive plane owned by the heir of the Schneider. Even though she was wondering, because she was just new to her job. Shaynee Diaz met Zeffrey Schneider, her boss. A billionaire and a well-known businessman throughout Asia and America. When she first met him, she felt something strange towards him. However, inspite of her admiration towards his boss. Zeffrey looks disgusted whenever he caught her staring at him. He was a strict boss. That didn’t stop Shaynee for falling in love for him. Until one time, something happened between them. What Shaynee doesn’t know is that Zeffrey have planned it all along to get her.
like
bc
[SELECTION SERIES #2] My Sweet Sexy Girl Rebound/SPG
Updated at Oct 1, 2024, 11:00
Jazz Allen Wrights ( My Sweet Sexy Girl Rebound ) Jazz was a famous engineer in the country. Women drool over him, but his heart already belongs to someone else. And it break his heart when he find out that the woman already belong to someone else. In order to forgot her. He tried to divert his attention to other women. Since he knew that Daphne, her sister’s bestfriend like her. He used her. He make her as a rebound. Daphne thought that Jazz’s intention is real. What happens next makes her heart broke into pieces.
like
bc
THE MAFIA'S TRAP [Billionaire Mafia Assassin Series Collaboration #2] (R-18+)
Updated at Sep 19, 2024, 05:44
[BILLIONAIRE MAFIA ASSASSIN SERIES COLLABORATION #2] THE MAFIA'S TRAP Magkababata at magkaibigan sina Javi, Tiago, at Gan. Silang tatlo ay ulirang lubos na sa mga magulang. Ngunit ‘di ito naging hadlang para ‘di matupad ang kani-kanilang mga pangarap. Ang bahay ampunan ang naging tahanan nila no’ng sila’y mga sanggol pa lamang. Dito sila nangarap na balang arraw ay maging matagumpay sila sa buhay. Sa paglipas ng panahon, naunang inampon si Javi sa kanilang magkakaibigan. Sumunod si Tiago, at ang pang-huli ay si Gan. Malungkot man ang naging hatid sa kanilang pagkakaibigan pero ‘di ito naging balakid upang ‘di nila ipagpatuloy ang nasimulan. Pinaglayo man sila nang tadahana, pero alam nila sa isa’t isa na balang araw ay magkakasama ulit sila. Ngunit ang ‘di nila alam ay susubukin sila ng panahon para patunayan kung hanggang saan ang kanilang pagkakaibigan. Ilang dekada na ang nakakaraan ay ‘di pa rin makalimutan ni Gan ang mga dating kaibigan. Tinuring niya ang mga ito bilang kapatid at pamilya noon sa bahay ampunan. Ito ang naging inspirasyon niya upang magpatuloy sa buhay. Ilang beses niya itong ipinahanap ngunit walang bakas ng mga ito ang nakita kung saan na ang dating mga kaibigan. Inampon si Gan ng mag-asawang Russo. Nangunguna ito sa larangan nang kahit na ano anong mga negosyo. Mapa-illegal man o, legal na aspeto. Dinala siya ng mga ito sa Italia upang mag-aral at mag-insayo. Dahil siya ang hahalili sa kaniyang tinuring na Ama bilang maging bagong leader ng organisasyon pinatayo nito. Upang ipagpatuloy ni Gan ang mga negosyo ng mga Russo. Pinalitan ng mag-asawang Russo ang kaniyang dating pangalan na ngayon ay makikilala siya bilang Fagan Cash Russo. Ito ang simbolo niya upang mapalitan rin ang kaniyang pagkatao. Sa ilang taong paghahanap nila sa bawat isa. Ay sa kasamaang palad pa nagkaharap ang tatlong magkakaibigan. Hindi nila kilala ang bawat isa sa kanila dahil sa kaniya-kaniyang nilang katayuan sa buhay. Nagkaharap silang tatlo ‘di dahil sa kanilang pinagsamahan, kundi dahil sa kanilang hidwaan. Pinaglayo sila ng panahon noon na siyang pinagtagpo nang tadhana ngayon. At huli nang malaman nilang tatlo ay magkababata sila noon. Anong mangyayari sa kanilang pagkakaibigan dahil nagkaroon sila nang matinding hidwaan. Ipagpatuloy pa ba nila ang dating pagkakaibigan o, hindi na dahil sa walang awa nilang digmaan?
like
bc
[POWERFUL AND MAGICAL LAND] BOOK 4 Arialiana My Fairy Guardian
Updated at Jun 24, 2024, 19:52
(Arialiana My Fairy Guardian) Hindi malaman ni Josiah, kung saan siya pupunta simula no'ng magkahiwalay silang magkakaibigan. Nagkawatak-watak silang magkakaibigan ng may humabol sa kanilang isang napakalaking elemento ng gubat.
like
bc
[POWERFUL AND MAGICAL LAND] BOOK 3 Dhalia's Enchanted Prince
Updated at Jun 24, 2024, 19:42
(DHALIA'S ENCHANTED PRINCE) Habang hinahanap ni Dhalia ang kaniyang mga kasama ay patuloy siyang naglalakad sa kagubatan hanggang sa mayro'n siyang natagpuan na isang lumang palasyo. Hindi alintana ni Dhalia na may isang taong nagmamasid sa bawat galaw niya.
like
bc
[POWERFUL AND MAGICAL LAND] BOOK 2 A Nightmare Hunter
Updated at Jun 24, 2024, 19:29
(A NIGHTMARE HUNTER)Princess Canthania always has nightmares every night. Someone always visits her in a horrible and bad dream.
like
bc
[RECKLESS SERIES #1] TRAGIC REVENGE (R-18+)
Updated at Feb 23, 2022, 01:22
HENDRIX GREY CAMPBELL [Tragic Revenge] Sofia Smith’s family worked for the Campbell. One of the richest family in the country. So that she can finish school, and she can find a good job. She was a simple woman with a simple dream. She wanted to give her parents a comfortable life. All of a sudden her life suddenly changed. An agreement between her family and the Campbell’s was made. She was promised to marry the first born of the Campbells. Every women thinks she’s lucky, little did they know she’s miserable in the arms of his husband.
like
bc
[SELECTION SERIES #7] A SECRET BILLIONAIRE'S DAUGHTER (R-18+)
Updated at Jan 29, 2022, 10:21
[SELECTION #7] A SECRET BILLIONAIRE'S DAUGHTER High school lang ang natapos ni Blaire. Dahil sa hirap ng buhay ay hindi na siya nag-aral pa ng college. Tanging magsasaka lang ang trabaho ng kaniyang Ama sa Hacienda Torres. Lima silang magkakapatid at panganay na anak si Blaire. Imbes na mag-aral pa siya ng kolehiyo ay naghanap na lamang ng trabaho si Blaire. Upang matulungan ang kaniyang Ama, para pagtapusin sa pag-aaral ang natitira pa niyang mga kapatid. Matanda na ang kanilang Ama at hindi na nito kaya pa ang pagsasaka sa bukid. Bagkos ay naging katuwang siya ng kaniya Ama para matustusan ang mga pangangailangan nila. Siya ang naging katuwang nito simula no'ng mamatay ang kanilang Ina. Bata pa lamang sila no'ng pumanaw ang kanilang Nanay. Kaya't simula pagkabata ay nagbabanat na ng buto si Blaire, para matulungan ang kanilang Tatay. Dalawa ang naging trabaho ni Blaire, isa siyang waitress sa gabi, at sa umaga naman ay all around worker sa isang kilalang fast food chain. Hindi mapili sa trabaho si Blaire. Bagkos ay masaya siya... dahil nakakatulong siya sa kanilang Ama. Kahit alam niyang kulang pa ang edukasyon niya, ay hindi sumuko si Blaire. Sa hindi inaasahan ay may nakilala si Blaire na binata. Hindi ito pamilyar kay Blaire, at napag-alaman niyang hindi ito nakatira sa kanilang lugar. Bagkos ay napadpad lang daw ito sa lugar nila, ayon sa usap usapan ng kanilang mga ka nayon. At napag-alaman din ni Blaire na naligaw lang daw ito sa lugar nila, kung kaya't 'di ito maalam sa pasikot-sikot ng daan sa kanilang nayon. Simula no'ng ma encounter ni Blaire ang binata ay lagi na itong nakabuntot sa kaniya. Palagi niya itong nakikita sa bar kung saan siya nagtatrabaho bilang waitress. Ina-araw-araw siya sa pagdalaw ng binata. Kung kaya't ay nakukulitan na siya, dahil sa pagiging-mahangin nito. Nakilala rin ni Blaire ang pangalan ng binatang si Gavin. Dahil sa kawalan ng interes ni Blaire sa mga lalaki ay hindi niya ito pinapansin. Naging pursigido naman si Gavin para makilala ng husto si Blaire. Hanggang sa nagkapalagayan ng loob at nagkamabutihan. Naging maayos ang pagsasama nila, at panay rin ang pakitang gilas nito sa kaniyang Ama. Maging sa mga kapatid ni Blaire ay magaan rin ang pakikitungo nila kay Gavin. Simula noon ay niligawan siya ni Gavin hanggang sa magkasintahan silang dalawa. Lagi siya nitong hinahatid sa kaniyang trabaho sa umaga at maging sa gabi naman ay nakaabang rin ito sa kaniya para sunduin siya. Isang ordinaryong mangagawa o trabahador si Gavin sa Hacienda Torres. Kung kaya't 'di naging hadlang kay Blaire ang trabaho ng binata sa kaniyang mga pangarap. Bagkos ay nagtutulungan pa silang dalawa. Para matupad ang kagin-hawaan ng buhay. Dahil sa labis na pagmamahal sa isa't isa ay ipinagkaloob ni Blaire ang kaniyang buong pagkatao kay Gavin. Nagtitiwala siya rito at umasang hindi siya nito sasaktan at iwan kailanman. Naging masaya ang kanilang pagsasama bilang magkasintahan hanggang sa ipinaubaya ni Blaire ang kaniyang sarili kay Gavin. Ang tangi niyang kayamanan at pinaka-ingat-ingatan ay ipinagkaloob niya sa binata dahil sa labis na pagtitiwala at pagmamahal. Ngunit sa isang iglap, lahat ng mga pangarap ni Blaire na kasama ang binatang si Gavin ay nawala na parang bula. Nagising si Blaire kinaumagahan na wala na sa tabi niya si Gavin. Hinanap niya ito sa Hacienda Torres, maging sa inuupahang nitong bahay. Ngunit bigo si Blaire na makita ang binata. Sa Halip ay hinintay niya si Gavin araw at gabi, sa pag-aakala na babalikan siya ng binata. Ngunit lumipas ang mga araw at buwan ay walang Gavin ang nagpakita kay Blaire. Kaya't lahat ng mga pangarap ni Blaire para sa kaniyang pamilya ay nawala nang malaman niyang nagdadalang-tao siya sa anak nila ng binata.
like
bc
[POWERFUL AND MAGICAL LAND] BOOK 1 Land of the Black Living Death
Updated at Dec 25, 2021, 08:38
[LAND OF THE BLACK LIVING DEATH] Melina Rose lives in a forested area that still part of Shimmer Vielle City. Maaga siyang naulila ng mamatay ang kanyang mga magulang sa isang trahedyang hindi niya alam noong siya ay bata pa. Lumaki siya sa kanyang Lola ngunit sa kasamaang palad ay binawian rin ito ng buhay kamakailan lang kaya siya na lamang ang natira. Si Melina Rose ay nag-aaral sa Royal Academy, isang sikat na Unibersidad sa Shimmer Vielle City at halos lahat ng mga mag-aaral dito ay mayaman at maharlika. Isa siya sa mga nakatanggap ng scholarship sa Crystal Kingdom na kung saan siya ay nagtatrabaho bilang isang katulong. Pinag-aral siya ng hari at reyna dahil nag-iisa na lamang siya sa buhay at dito niya rin nakilala at nakita sa Crystal Palace si Prince Carlos at Princess Cathania. Si Prince Carlos ang ultimate crush ni Melina. Araw-araw nitong kasama ang mga kaibigan na katulad rin nito ay anak ng mga hari at reyna sa iba't-ibang lugar. Si Prince Carlos ay guwapong lalaki at may matipunong katawan na halos lahat ng kababaihan ay nabibighani sa taglay nitong kaguwapohan. But he is a womanizer and a heartbreaking man. Mga bagay na alam ni Melina tungkol sa buhay ng prinsipe. Pa iba-iba ang mga naging nobya nito at lahat ay nakukuha nito ang gusto sa isang babae na walang kahirap-hirap. Labis ang sakit ng kanyang naramdaman sa tuwing nakikita niya ang prinsipe na may kasamang babae. Pero patuloy niya pa rin itong minamahal ng palihim na kahit tanging siya at mga kaibigan niya lang ang nakakaalam. Melina Rose is a beautiful woman with an angelic face and smooth porcelain skin with blue eyes and thick eyelashes that match her thin and reddish lips. Pero ang nagustohan ng kanyang Lola at mga kaibigan niya ay ang kanyang mga mata. Sabi nga ng kanyang lola kapag nag-edad siya ng labing-walo ay makakakita siya ng iba't-ibang uri ng mga nilalang. Ano-ano kaya ang nasa likod ng kanyang mga paningin? at ano kaya ang maging hatid nito sa kanya sa kasalukuyan?
like