bc

WHEN LOVE IS SIN

book_age18+
1.4K
FOLLOW
10.3K
READ
revenge
tomboy
bitch
drama
comedy
gxg
secrets
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila ang lalaki ay para sa babae lamang, at ang babae ay para sa lalaki lamang. Naniwala naman ako at sinubukan ko maging straight na babae para hindi na ako masaktan. Subalit hindi pala madali dahil kahit sinong mahalin ko, babae man o lalaki, ay may kakayahan pa rin pala na saktan ang damdamin ko.

Maging straight or femme lesbian man ako ay madudurog pa rin pala ang puso ko.

At ang masaklap, ang babae at lalaki na minahal ko at nanakit sa puso ko ang siyang magkakapamilya at magpapakasal pa sa bandang huli.

Pero hindi ako papayag!

Ayoko!

Dapat din silang maghiwalay!

******

Old title: TANGLED FEELINGS

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Shema, are you sure about this?" naniniguradong tanong sa akin ni Jwan nang umandar na ang ferris wheel na aming sinakyan dito sa Mall Of Asia. Napakagat labi naman ako nang sulyapan at tinititigan ko ang napakagandang mukha ni Jwan or ni Joanna Marie Delariva. Para sa huling pagkakataon ay kinapa ko nga muna ang aking sarili. Tinanong ko kung ano ba talaga itong nararamdaman ko para sa kanya. Weird man, pero OO, parehas kaming babae ni Jwan. At kahit ako noong una ay nawirduhan din sa aking sarili. Akala ko nga ay na-engkanto ako. Ang malala, inakala ko rin na baka ginayuma niya ako. Hindi ko kasi talaga maamin sa sarili ko na may gusto ako kay Jwan. Baliw na nga ang tawag ko sa sarili ko sa mga nakaraang araw, dahil sa totoo lang ay babaeng-babae ako. Alam ko sa puso't isip ko na babae ako kaya how come? How come na nagkagusto ako sa kapwa ko babae? Heller, ang hilig ko kaya sa make-up, sexy dress at saka bag. Tapos favorite ko ay kulay pink na color. Actually collector pa nga ako ng Hello Kitty noong bata ako, kung kaya imposible na isa akong tomboy. Si Jwan, siya, siya ang lesbian talaga. Halata naman kasi sa kilos palang niya kahit na naka-lip gloss palagi at mas mahaba pa ang buhok niya kaysa sa akin. Ang tawag sa tulad niya ay Lipstick Lesbian. Ang tulad niya ay mukhang babae talaga. Kalimitan mas maganda pa sila sa mga straight na babae. Iyong tipo na malalaman mo lang na lesbian sila if liligawan ka na nila. Kaya nga no'ng niligawan ako ni Jwan ay akala ko prina-prank lang ako ng gaga. Hinanap ko talaga kung nasaan ang camera. "Hindi mo dapat pilitin ang sarili mo kung naguguluhan ka pa. I'm willing to wait, Shema," untag sa akin ni Jwan nang matagal na yata akong hindi nakasagot sa tanong niya. I swallowed the lump in my throat before I hit a reply, "Yes. I am certain, Jwan." At sinadya ko talaga na hindi ako mautal. Ayokong isipin ulit ni Jwan na nagdadalawang isip ako na tanggapin ang pag-ibig niya. Si Jwan naman ang saglit na natigilan ngayon. Pero mayamaya ay ikinulong na niya ang mukha ko sa mga palad niya at dahan-dahang idinampi niya ang kanyang malambot na labi sa labi ko.  Nanlaki ang mga mata ko. Gayunman ay wala akong naging angal dahil iyon talaga ang gusto kong gawin niya kanina pa... ang halikan niya ako ng buong pagmamahal. Nais ko kasing malaman kung totoo ba ang tinitibok ng puso ko para sa kanya, kung mahal ko ba talaga siya. At naisip ko ay malalaman ko lamang ang kasagutan niyon kung magpapahalik ako sa kanya. Kapag nandiri ako, alam na, straight ako at nababaliw nga lang talaga ako.  "I love you, Jwan," ang hindi ko nga lang inasahan ay bulong ng puso ko kasabay nang pagpikit ng mga mata ko. Nang tinugon ko ang kanyang halik ay na-confirm ko na na hindi lang ako basta babae. Isa nga akong lesbian, isang Femme Lesbian........

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.4K
bc

Fight for my son's right

read
146.7K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook