bc

My Wife is My Brother's Wife

book_age18+
25.0K
FOLLOW
141.9K
READ
love-triangle
contract marriage
love after marriage
badboy
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Marrying someone and spend a lifetime with the love of your life is anybody's dream. But not with Nathan, because he end up marrying his brother's wife.

And their love life is like a roller coaster ride.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NATHAN'S POV Inaayos ko ang aking puting barong, medyo nagusot kasi ito dahil sa aking pagmamadali. Nang pumaibabaw ang musikang pangkasal ay tumuwid na ako sa pagkakatayo at nakangiting tumingin sa pinto. Ang kantang 'From this Moment' ang maririnig sa buong simbahan habang palapit ang babaeng naka-trahe de boda. Maluha-luha habang naglalakad palapit sa altar kung nasaan kami. Napakunot noo ako at napatanong. Hindi ba siya masaya? Tears of joy daw,  pero kung talagang masaya ka, hindi ka dapat lumuluha, malawak dapat ang ngiti mo sa labi. Dapat walang bakas ng luha sa iyong mukha. Makakasama mo na ang mahal mo panghabang-buhay e, kaya bakit ka iiyak? Hindi ko talaga maintindihan. Humikbi ang nasa harap ko kaya lalo akong napangiwi. Makita ko ba naman na mas emosyonal ang aking kapatid kaysa sa babaeng pakakasalan niya. Napapailing na lang ako habang tinapik ko sa balikat si kuya Erickson. Bilang Bestman dapat ay suportahan ko siya kahit pa nakokornihan ako sa pinaggagawa at kinikilos niya. Napailing na lamang ako nang makita siyang nagpahid ng luha sa mata. Naku, kung ako ikakasal dapat masaya at walang iyakan. Napasulyap tuloy ako sa babaeng nasa harap na upuan sa simbahan. Malawak ang ngiti habang nakatingin sa gawi ko. Kinindatan ko si Grace, ang aking kasintahan .Kumindat naman siya pabalik at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Napalunok tuloy ako. Gusto ko na rin yata siyang pakasalan. Pero mag-iipon muna ako, mataas na kalibre siya na babae, sosyalin kaya kailangan talaga magarbo ang kasal na ihahandog ko sa kanya. Hindi gaya nila kuya na napakasimple lamang.  Gusto ni Grace ng garden o beach wedding. Mayaman ang pamilya niya kaya hindi dapat basta-basta na kasal. Dapat iyong maipagmamalaki talaga. Dapat iyong paggagastusan ng husto. Muli akong napatitig sa magiging asawa ng kapatid ko at pinag-aralan ang kabuuan niya. Palihim ko siyang pinasadahan ng tingin. She's normal! I mean, pangkaraniwan ang itsura niya. Maganda pero hindi mo masasabing super ganda. Simple lang talaga siya. Bilugan ang mga mata niya at mamula-mula ang kanyang labi. Medyo chubby ang mukha niya at may mahabang straight na buhok. Kayumanggi ang kulay niya. Napakainosenteng tignan, parang mas bata pa siya kesa sa akin kahit isang taon ang agwat ng edad namin. Nagtama ang mga mata namin at tipid niya akong nginitian. Bigla akong nahiya at napaiwas ng tingin. There! There's something in her stare na 'di ko kayang tagalan! Bigla-bigla na lang akong kinakabahan at hindi na muling makatingin ng diretso sa kanya. Muli kong tinapik ang kuya ko sa balikat para lang mawala ang awkwardness na nararamdaman ko. "Congrats, Kuya!" bati ko at napilitan na rin makipagbeso-beso sa kanyang bride. Sa magiging sister in law ko. "Salamat, Bro!" Tinapik din ako ni kuya na halata sa itsura na siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Ramdam ko siya. Napakatagal niyang inalagaan si Leila at ang relasyon nila. Ngayon pagkakataon na nila para magsama at bumuo ng pamilya. Niyakap ni Kuya ang aming mga magulang na naghatid kay Leila. Ulila na sa magulang si Leila. May kamag-anak ito sa Canada pero hindi rin naman close sa mga ito at hindi dumalo sa kasal. Now she's going to be part of our family. Magkakaroon na ako ng kapatid na babae at magkakaroon na sila mama ng babaeng anak na matagal na nilang pinapangarap. Nang humarap na ang dalawa sa altar, agad akong tumabi sa aking kasintahan at hinalikan siya sa pisngi. Ginagap ko anf kanyang kamay habang nagsisimula na ang seremonya ng kasal. "I will be marrying you too, soon!" Bulong ko sa kanya na dahilan ng kanyang pagkakakilig. Yes! I will going to marry her. ************************************ Inaayos ko ang aking puting polo, medyo nagusot kasi ito dahil sa aking pagmamadali. Nang pumaimbabaw ang musikang pangkasal ay tumuwid na ako sa pagkakatayo at pormal na tumingin sa arko na napapalibutan ng puting rosas. Garden wedding ang team pero idinaos lamang ang kasal sa aming bakuran. Kasama sina Mama at Papa, naglalakad ang babaeng naka-formal dress. Hindi siya umiiyak, ngunit hindi rin nakangiti. Napatanong ako. Hindi ba siya masaya? Wala siyang tears of joy. Hindi nga siya masaya. Kahit kailan ay hindi ko siya mapapasaya. Napakuyom ang aking kamao sa isiping iyon. Maging ako man, hindi ko alam kung magiging maligaya ba ang buhay may-asawa ko kasama siya. Tipid siyang ngumingiti sa mga taong nadadaanan niya. Pero ang mga ngiting iyon ay hindi abot sa kanyang mga mata. Napalunok ako nang napadako ang malungkot niyang mga mata sa gawi ko. Halata sa kanyang itsura na hindi siya masaya. Tinitigan ko ang aking mapapangasawa. Napakasimple pa rin niya. Hindi nagbago ang baby face na mukha niya. Hindi mo aakalaing mas matanda siya sa akin ng isang taon. Napatingin ako sa harap ng mga nakahilerang monoblock chair. Nakaupo roon si Grace. Pormal na nakatitig sa akin. May bahid ng galit ang kanyang mukha. Hindi kasi siya ang babaeng ihaharap ko ngayon. Hindi ko natupad ang pangako kong pakakasalan siya. Lumabo ang lahat at ngayon na matutuldukan iyon. Sa ngayon... Napalunok ako. It's been Five years nang nangako akong pakakasalan siya. Pero nandito ako ngayon, Ikakasal sa iba! Hindi magarbo. Hindi ginastusan.  Sa bakuran lang namin ito at Mayor ang magkakasal sa amin. Nang matapat sila Mama sa akin ay iniabot nila ng may ngiti ang kamay ng mapapangasawa ko. Si Leila. Yes! My soon to be wife is my brother's wife!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.1K
bc

Faithfully

read
266.1K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
408.0K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.4K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
454.0K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook