bc

The Betrayed Wife

book_age0+
4.7K
FOLLOW
22.2K
READ
drama
tragedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Sinira ng biyenan ni Eloisa ang pangalan niya sa kaniyang sariling asawa na si Theo. Hanggang sa isang aksidente ang nangyari kay Eloisa. Na-coma siya at tanging mga aparatus na lang ang bumubuhay. Hanggang sa ideklara ng doktor ni Eloisa na patay na siya... Pero paano kung nagsinungaling ang doktor na iyon dahil may gusto ito kay Eloisa?

chap-preview
Free preview
Chapter One
“GOOD BYE, Teacher Eloisa!” sabay-sabay na paalam ng mga estudyante ng twenty-eight years old na guro na si Eloisa Blanco nang matapos na ang pagtuturo niya sa mga ito. Lumabas na siya ng classroom nang wala nang estudyante ang matira doon. Kinuha lang niya ang mga gamit niya at naglakad na siya papuntang faculty room para kunin pa ang iba pa niyang gamit doon. Pagdating niya sa faculty room ay naroon ang pinaka close niya sa lahat na guro na si Lorraine. Kasabayan niya noon na nag-umpisa si Lorraine at kasabay din niya itong mag-apply kaya ito ang naging ka-close niya sa lahat. Maganda si Lorraine. Marami nga ang nanliligaw dito pero dahil masyado iton pihikan sa lalaki ay wala pa rin itong naiibigan. Anito, kuntento na ito sa pagmamahal na nakukuha nito sa mga estudyante nitong Grade Four. Tatlong taon pa lang na nagtuturo si Eloisa sa Real Elementary School sa Calamba, Laguna pero sa maikling panahon na iyon ay minahal na agad niya ang pagiging guro at pagtuturo sa mga bata. Hawak niya ang first section ng Grade Six. Dalawang taon na siya doon at noong unang taon niya ay sa Grade Two naman siya. Nakitaan daw kasi siya ng husay at potensiyal kaya ipinagkatiwala sa kaniya ang mas mataas na grade. May mga ilang guro na nagtaas ng kilay sa mabilis na pag-angat niya pero hindi niya iyon pinansin. Mas pinansin niya ang mga gurong natuwa sa magandang nangyari sa trabaho niya. Ganoon naman talaga ang ugali ni Eloisa. Ayaw niya talagang nagpapaapekto siya sa mga negatibong tao. Hinahayaan lang niya ang mga ito. Isa pa, bakit naman siya magpapaapekto sa mga negatibo kung mas marami ang positibong nangyayari sa buhay niya? May maganda siyang trabaho, mga kaibigan, mapagmahal na pamilya at nobyong mahal na mahal siya. Speaking of nobyong mapagmahal, nakita niya si Theo na nakasilip sa may bintana at tila kanina pa ito naroon at pinapanood siya. Siniko siya ni Lorraine at inginuso si Theo. Magkalapit lang ang table nilang dalawa. “`Ayan na ang prince charming mo. Sinusundo ka na. Ganda talaga ng frenny ko na ito, o! Sarap sabunutan ng mahabang hair!” biro ni Lorraine. Natawa naman si Eloisa sa sinabi ng kaibigan. “Oops... Natatapakan mo ang hair ko, frenny! Pakialis ang paa mo at aalis mo ako!” ganting biro niya. “Sige na, umalis ka na! Bye!” “Bye. Ingat ka! Magjowa ka na rin kasi para may sumusundo na rin sa iyo!” Tumatawang iniwan ni Eloisa si Lorraine para puntahan sa labas ang nobyo na si Theo. Napansin niya na nakatago ang isang kamay ni Theo sa likuran. Iyon naman pala ay may dala itong bulaklak. Medyo nagulat pa siya nang ilabis nito iyon at iabot sa kaniya. “For my queen…” Tatlong kulay pulang rosas ang tinanggap niya mula kay Theo. Sinamyo niya ang mga iyon at kinilig. “Wala akong natatandaang okasyon ngayon para bigyan mo ako ng bulaklak…” Naningkit ang bilugang mata ni Eloisa. “Wait, may kasalanan ka, `no! Umamin ka. Anong ginawa mo?” Umiiling na tumawa si Theo. “Mga babae talaga, o! Gawan mo ng ka-sweetan, pagdududahan ka. `Wag kang mag-effort, magtatampo.” Inakbayan siya nito at hinalikan sa pisngi. “Wala, Eloisa. Sobrang ganda lang kasi ng mapapangasawa ko kaya dapat lang siyang bigyan ng bulaklak!” Engaged na silang dalawa. Last year ay nagpropose na ito ng kasal at nag-yes siya. Sa susunod na Linggo na ang kasal nila at lahat ay plantsado na. Ang araw na lang talaga ng kanilang pag-iisang dibdib ang kanilang hinihintay. “Sus! Bolero!” irap niya kay Theo. “Kahit kailan ay hindi kita binola, ha. Ang ganda-ganda mo, Eloisa. `Yang manipis mong labi, magandang mata, matangos na ilong, sexy na katawan, ang kinis pa ng balat mo. You are perfect!” “Bolero ka nga. Nobody’s perfect!” Marami naman talaga ang nagsasabi na maganda si Eloisa. Pero kung maganda man siya ay ubod din naman ng gwapo ni Theo. Mestiso ito dahil sa tatay nitong half-Spanish. Matangkad sa height nito na 5’11. Matipuno ang katawan. Medyo nakakahawig nga ito ng artista na si Tom Rodriguez. Mula sa facultyr room ay lumabas na rin si Lorraine. “O, akala ko nakauwi na kayong dalawa? Nagmamatamisan pa pala kayo diyan,” gulat na turan nito. “Ito kasing frenny mo, Lorraine, ayaw maniwala na maganda siya, e!” “Ay naku, Theo. Ganiyan naman talaga iyan. Hindi pa tanggapin na sa mga guro dito sa RES ay dalawa lang kaming naglalaban sa pagandahan at paseksihan!” “Pinagtulungan niyo talaga akong dalawa, ha! Ang mabuti pa ay sumabay ka na lang sa amin, Lorraine.” May kotse kasi si Theo at palagi siya nitong sinusundo mula sa paaralan kapag pauwi. “`Wag na. Dadaan din kasi ako ng bookstore, e. May bibilhin ako. Sige, ha. Mauna na ako sa inyong dalawa. Ingatan mo ang frenny ko, Theo! Magba-bridesmaid pa ako sa kasal ninyo next week!” Paalam ni Lorraine at nauna na itong umalis. Ilang sandali lang ay umalis na rin sila. Pero bago siya ihatid ni Theo sa bahay niya ay sinabi nitong dumating na ang bridal gown niya. Sa bahay kasi nito dineliver ang gown niya sa kasal. Na-excite naman si Eloisa na makita ang susuotin niya kaya sumama muna siya sa bahay ng kaniyang nobyo. Ang nanay lang ni Theo ang kasama nito sa bahay. Nag-iisang anak kasi ito kaya nang mamatay ang tatay nito dahil sa atake sa puso ay ang dalawa na lang ang naninirahan doon. Ang totoo niyan ay ayaw ng nanay ni Theo sa kaniya. Iniisip kasi nito na pera lang ang habol niya sa anak nito. Baka daw pati ang sustento ng pamilya niya ay iasa niya kay Theo oras na maging mag-asawa na sila. Nagsimula ang galit ng nanay nito sa kaniya dahil naging trabahador noon ang tatay niya sa negosyo ng mga ito. Nagkaroon ng pag-aaklas noon ang mga trabahador at ang tatay niya ang namumuno. Hindi kasi sapat ang pasahod ng mga magulang ni Theo kaya nagalit ang ilang trabahador. Isang araw, inabangan ng mga trabahador ang kotse ng tatay ni Theo at hinarang sa pagpasok sa pabrika. Hindi kinaya ng tatay ni Theo ang lahat at inatake ito sa loob ng kotse. Doon ito namatay at huli na para maisugod sa ospital. Kaya naman kahit gusto niyang maging malapit sa kaniyang magiging biyenan ay hindi niya magawa. Lumalapit pa lang siya dito ay lumalayo na agad ito. Hindi naman totoo ang lahat ng iyon. Minahal niya sa Theo hindi dahil sa pera kundi dahil sa iyon talaga ang nararamdaman niya. Hindi naman tatagal ng limang taon ang kanilang relasyon kung hindi rin naman siya mahal nito. Napansin ni Theo ang pananahimik niya nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng bahay nito. Kinuha nito ang isa niyang kamay at masuyo iyong pinisil. “Don’t worry, alam ni mama na darating ka at sinabihan ko na siya na huwag ka niyang tarayan…” Alam na talaga nito kung bakit siya tahimik. Tipid na ngumiti si Eloisa. “Thank you… Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganoon ang tingin ng mama mo sa akin. Alam mo naman na hindi pera ang habol ko sa iyo, `di ba? Mahal kita…” “Iyon naman ang importante. Hindi mo na kailangang isipin ang sasabihin ng ibang tao. Ano, tara na? Excited na rin akong makita ang reaksyon mo kapag nakita mo na `yong gown mo.” Sa ngiting ibinigay ni Theo sa kaniya ay nawala kahit paano ang kabang nakalukob sa kaniya dahil makakaharap niya ang nanay nito. Mayaman ang pamilya ni Theo. Nagmamay-ari ang pamilya nito ng burger stands sa bansa na may ilang branches. Bukod pa doon ay may pabrika din ang mga ito ng pagawaan ng burger patty. Habang si Theo naman ay isang mechanical engineer sa isang autoparts company dito sa Laguna. Pwede naman itong magtrabaho sa negosyo ng pamilya nito ay mas pinili nitong magtrabaho at kumita ng sariling pera. Bumaba na silang dalawa ni Theo sa kotse at diretsong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan nila ang mama ni Theo na si Daisy sa salas. Nanonood ito ng telebisyon habang nakaupo sa sofa. Umasim ang mukha nito nang makita siya. Hindi na lang pinansin ni Eloisa ang pagsama ng mukha nito. Nilapitan niya ito para magmano. “Mano po, tita…” Iniwas nito ang kamay. “Baka puro chalk ang kamay mo! Allergic ako sa chalk.” Malamig nitong sabi. “Mama, nasaan pala `yong wedding gown ni Eloisa?” singit ni Theo. “Nasa itaas. Sa kwarto mo.” Nag-excuse silang dalawa dito at magkasamang umakyat sa itaas. Pagpasok nila sa kwarto ni Theo ay may malaking puting kahon sa ibabaw ng kama. Hindi napigilan ni Eloisa ang maging emosyonal habang papalapit siya sa kahon. Ibig sabihin lang kasi nito ay malapit na talaga silang ikasal. Hinayaan lang siya ni Theo na buksan ang kahon. Tumambad sa kaniyang ang isang kulay puting wedding gown na puno ng maliliit na beads. Iniladlad niya iyon sa ibabaw ng kama. Nag-init ang magkabilang gilid ng kaniyang mata. Napasinghap siya. Parang sasabog ang dibdib niya sa labis na saya. “Ang ganda-ganda niya, Theo!” Inakbayan siya ni Theo habang nakatingin din ito sa gown. “Thank you. Mas lalo tuloy akong nasabik sa kasal natin sa susunod ng Linggo!” “Sigurado ako na ikaw ang magiging pinaka magandang bride sa buong mundo kapag suot mo na `yan, Eloisa…” “Teka, pwede ko bang isukat?” “Sige. Lalabas lang ako tapos kapag tapos ka na, sabihan mo lang ako. Diyan lang ako sa may pinto. Okay?” Masayang tumango si Eloisa at lumabas na si Theo. Pagkasara niya ng pinto ay hinubad na niya ang uniform niya at isinuot niya ang wedding gown. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang pagharap niya sa malaking salamin ay bagay na bagay sa kaniya iyon. Hindi niya ugaling purihin ang sarili pero iba ang pagkakataon na ito. Ang ganda-ganda ng gown habang suot niya! Sigurado siyang magugustuhan din ni Theo kapag nakita siya nito. Kaya naman naglakad na siya papunta sa pinto. Binuksan niya iyon. “Theo, look--” Napahinto siya nang imbes na si Theo ay si Daisy ang nakita niyang nakatayo doon. “T-tita, kayo po pala. Si Theo po?” Napapahiyang sabi niya. Humalukipkip ito at kung tingnan siya ay para bang isa lang siyang napakaliit na bagay. “Feeling mo siguro ay nasa cloud nine ka, `no? Alam mo ba kung magkano ang ginastos ng anak ko sa gown mo, Eloisa? Three hundred thousand lang naman. Iyan ang design na gusto mo, `di ba?” Nang-uuyam nitong sabi. “Tita, hindi po. Ang sabi ko po kay Theo ay huwag high class ang material na gagamitin. Hindi ko po alam na aabutin ng ganoon kalaki. Ang alam ko po ay--” “Enough! Lulusot ka pa?” Ngumisi ito. “Mabuti naman at sinukat mo ang wedding gown. Sana magkatotoo ang pamahiin na kapag isinukat ng bride ang gown ay hindi matutuloy ang kasal. Kaya kapag hindi natuloy ang kasal ninyo ni Theo, alam mo na kung bakit!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.2K
bc

The ex-girlfriend

read
138.7K
bc

His Property

read
946.0K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.8K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.6K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.8K
bc

The Ex-wife

read
210.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook