bc

Medalyon

book_age16+
466
FOLLOW
1.1K
READ
comedy
sweet
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

Ulila nang lubos si Maria Amor. Pitong taon sila nang mamatay ang kakambal niyang si Maria Luna habang ang mga magulang naman niya ay namatay sa isang aksidente. Lubos niyang dinamdam ang nangyari sa takot na mapag-isa pero isang araw na naroon siya sa silid ng kapatid ay may nakita siyang medalyon. Isinuot niya iyon at biglang nagpakita ang kaluluwa ni Luna. Anong tuwa niya nang sabihin nitong hindi na siya nito iiwan.

Nagsimulang sumigla si Maria Amor. Sa tulong ng kakambal ay nalampasan niya ang pangungulila sa mga magulang. Kahit saan magpunta ay kasama niya ito. Maging ang angkin nitong kakayahan ngayong espiritu na ito ay napakinabangan niya. Binabayaran siya ng mga tao para sa kanyang 'special services' tulad nang panghuhula, paghahanap ng mga nawawalang bagay, panggagamot at pakikipag-usap sa kaluluwa ng mga namayapa na.

Pero hanggang saan ang kasiyahang ito ni Maria Amor? Paano kung ang lalaking matutunan niyang mahalin ay ibigin din ni Luna, magagawa ba niyang magparaya? Kakayanin ba niyang maging karibal ang espiritu ng mahal niyang kakambal o pababayaan niya itong angkinin ang katawan at buhay niya para kapwa nila maranasan ang ibigin ni Miguel?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue TATLONG araw buhat nang ilibing ang kaniyang mga magulang ay hindi pa rin nagsasalita ang dalagitang si Maria Amor. Alam niya ang nangyayari sa paligid pero pakiwari niya ay tila siya nanonood ng telebisyon at hindi siya kasama sa mundong iyon. Nanonood lang siya—iyon ang bagay na pilit niyang isinisiksik sa isip niya. Pinili niyang gawin iyon para makaiwas sa mas malalim na sakit. She almost wanted to die. Wala na ang mga magulang niya ngayon, sino na ang makakasama niya sa buhay? Sino na lang ang magmamahal sa kaniya? Ikinurap-kurap niya ang paningin habang nakatitig sa sariling repleksiyon na nasa kaharap na salamin. Noon ay nasa loob siya ng silid ng kakambal na si Luna, ang kakambal niyang nauna nang namayapa siyam na taon na ang nakararaan. “Ma, ‘Pa…why so soon?” bulong niya sa sarili. Nakapagtatakang walang luhang kasabay ang tanong na iyon. Ah, siguro’y nasaid na ang luha sa kaniyang mga mata. Sampung araw pa lang ang nakalilipas buhat nang matanggap ni Maria Amor ang masamang balita mula kay Nana Pacita. Nasalpok daw ng truck ang kotseng sinasakyan ng mga magulang at hindi na raw umabot nang buhay ang mga ito sa pagamutan. Buhat noon hanggang iuwi sa Villa Esperanza ang mga labi ng mga ito ay wala siyang tigil sa pag-iyak. That was her greatest fear—to live alone. Dahil nag-iisa na lang siyang anak ay nasanay siya sa special attention ng lahat. She almost had everything. Lahat ng pangangailangan at layaw niya ay ibinibigay ng mga ito lalo na ng kaniyang ama. Hindi rin nagkukulang ang mga ito sa pagmamahal sa kaniya. But there’s one thing they forgot to teach her—and that was to live without them. Paano na siya ngayon? Muli niyang tinitigan ang repleksiyon sa salamin. Kung sana lang ay nabubuhay ang kakambal niyang si Maria Luna. Kahit paano ay makakaya siguro niya ang pagsubok na iyon. Kahit masakit, makakaya niya kung kasama niya ang kakambal. But she had already died when they were just seven years old. Nagkasakit ng pneumonia ang kapatid at dahil mahina ang resistensiya ay hindi kinaya ng katawan nito ang karamdaman. She died after two weeks, just a day before their eight birthday. Titig na titig pa rin siya sa sarili. Naisip niya, ano na kaya ang hitsura ni Maria Luna kung nabubuhay ito? Sixteen na siya, halos ay ganap nang dalaga. Marahil ay kamukhang-kamukha niya ito at tulad nang ibang kambal na nakikita niya, siguro ay ang cute rin nilang tingnan. Siguro ay magkaramay sila nito ngayong wala na ang kanilang mga magulang. Siguro ay hindi ganito kasakit...siguro...napakaraming siguro na sana ay nagkaroon ng katuparan kung nabubuhay lamang ito. “I miss you, Luna...” naibulong niya sa hangin. “Ang dadaya ninyo, iniwan niyo akong nag-iisa. Siguro, ang saya-saya niyo ngayon…samantalang ako…” Nagsimula na siyang mapaluha. “Ang sakit-sakit naman, Mama…Papa…sana, sana ay isinama niyo na lang ako…” Hindi na niya napigilan ang tuluyang mapaluha. “Nami-miss ko na kayong lahat…sunduin niyo na ‘ko, please…” Nasa ganoon siyang tagpo nang biglang bumukas ang pinto ng closet ni Luna. Bumukas at sumarado iyon na lumikha ng tunog sa gitna ng katahimikan ng silid. “Huh?” Napakunot ang kaniyang noo. Wala namang hangin o kung ano pa naman na puwedeng maging sanhi ng pagbukas ng closet. Paanong nangyari iyon? Humakbang siya palapit sa closet at tinitigan muna ang pinto niyon bago nagpasyang hawakan para tumigil. “Ma…’Pa, are you here?” She was not afraid of ghosts. At kung ang mga magulang ang multong makikita niya, ipinapangako niyang hinding-hindi siya matatakot. Binuksan niya nang tuluyan ang closet at pinakatitigan ang loob niyon. Naroon at maayos pa ring nakatupi ang maliliit na damit ng kaniyang kapatid. Hindi nagawang lumain ng panahon ang mga iyon. Ngayon niya napagtantong siguro, tulad niya ay hindi pa rin lubusang natatanggap ng mga magulang ang sinapit ni Luna. Patunay ang mga gamit nitong in tact pa rin sa silid nito. “Luna…” anas niya sa hangin. Isasara na sana niya ang closet nang mapatitig sa drawer na naroon. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kaniyang buksan ang drawer. Natagpuan na lang niya ang sariling sinusuri ang laman niyon. Nakita niya ang mga makukulay na ponytails at suklay ni Luna pero ang higit na nakaakit ng pansin niya ay ang isang maliit na antigong jewelry box sa sulok ng kahon. Binuksan niya iyon at natagpuan ang isang kuwintas na may antigo ring medalyon. Malaki iyon nang kaunti sa limampiso. Naakit siyang isuot iyon. Humakbang si Amor pabalik sa salamin at saka tinitigan ang sarili habang suot ang kuwintas. Nakangiti siyang nagpaikot-ikot pero laking pagkamangha niya nang mapaharap na muli sa salamin. Ang repleksiyon niya roon ay biglang nabalutan ng isang malabong usok. Nang maglaho ang usok ay laking pagkagulat niya. She seemed looking at the same face, but she could sense the difference. She knew it was no longer her own reflection. “Luna?!” bulalas niya. Magkahalong tuwa, kaba at excitement ang kaniyang nadarama. “Ikaw nga!” aniya nang makita ang sarili sa salamin na titig na titig din sa kaniya. Hindi na sumusunod sa mga kilos niya ang nakikita niyang repleksiyon. “Maria Amor...” nakangiti nitong sabi. Ang mata ay tila malungkot pero nakangiti naman ito habang nakatingin sa kaniya. “Hindi ako makapaniwala! Ikaw nga! Bakit...bakit ngayon ka lang nagpakita sa’kin?” tanong niya rito, halos hindi magkandatuto sa takot  na baka bigla itong maglaho sa kaniyang paningin. “Hindi ako dapat naparito...pero damang-dama ko ang sakit na nararamdaman mo. Damang-dama ko...tulad din ng sakit na matagal ko nang nararamdaman...” malungkot nitong sabi. “Pero bakit? Hindi ba at magkakasama na kayo nina Papa at Mama? Nasaan sila? Puwede ko rin ba silang makita?” umaasam niyang tanong. Marahan itong umiling. “Hindi pa kami magkakasama, Amor. Malayo pa ang lalakbayin nila pero magkikita-kita kami pagdating ng takdang panahon.” Naramdaman na naman niya ang pamilyar na lungkot. “Huwag ka nang malungkot, Amor. Gusto ko, maging masaya ka. Iyan ang dahilan kung bakit ako naririto.” “Pero hindi magtatagal at iiwan mo rin ako…” Ngumiti si Luna. “Hindi na kita iiwan. Nandito lang ako para sa’yo.” “Huh? Hindi ka...hindi ka muna papanhik sa langit? ‘Di ba ganoon iyon, Luna?” “Ang ibig kong sabihin ay hindi pa sa ngayon. Magtatagal pa ‘ko dito kaya huwag kang mag-alala.” Lumapad ang kaniyang pagkakangiti. “Totoo? Dito ka lang sa tabi ko? Hindi na ‘ko mag-iisa”? “Hindi na,” anito. “Isuot mo lang ang medalyon na iyan sa tuwing kailangan mo ako at palagi akong magpapakita sa’yo. Huwag mo lang akong kakausapin sa labas dahil magmumukha kang naaaning. Tandaan mo, ikaw lang ang nakakakita sa’kin,” biro nito habang napapangiti. “Maikli lang ang buhay kaya huwag mong patandain ang sarili mo sa lungkot. Hindi magtatagal at magkakasama-sama na rin tayo. I-enjoy mo na ang buhay mo dito sa lupa.” Napatango siya. Noon biglang bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Sumungaw si Nana Pacita roon at humingi muna ng pahintulot bago pumasok. “Kanina pa kita hinahanap, Amor. Nandito ka lang pala sa silid ng kapatid mo.” Ngumiti siya at mabilis na tiningnan ang sariling repleksiyon sa salamin. Ituturo sana niya ito sa katiwala pero naalala niya ang sinabi ng Luna. Sa takot na mapagkamalang nasisiraan ng bait ay sinarili na lamang niya ang tungkol sa kakambal. “Nami-miss ko na kasi siya, Nana Pacita. ‘Pag nandito ako sa room niya, parang kasama ko na rin siya.” “Sa bagay. Sobrang close niyo kasi sa isa’t-isa noon,” anito sabay ngiti pero unti-unting naglaho ang ngiti nito nang makita ang medalyon niyang suot. “Kaninong kuwintas ang suot mong ‘yan, Amor?” kunot ang noong tanong nito. “Ah ito po?” tanong niya habang hawak ang medalyon na nasa leeg niya. “Kay Luna, Nanang. Naisipan ko munang isuot. M-may problema po ba?” “W-wala naman. Para kasing…Ah wala. Wala, anak,” anitong natitigilan. “Siya nga pala, itatanong ko kung gusto mo ng gatas o ng kahit ano. Gagawan kita sa ibaba.” “Salamat, Nanang pero okay lang po ako.” Ilang saglit na tinitigan ng matanda ang suot niyang medalyon bago natitigilang lumabas ng silid. Napangiti siya nang lihim nang muling ibalik ang tingin sa harap ng salamin.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook