bc

SABEL

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
family
independent
others
drama
scary
small town
slice of life
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Tumatakbo ang kuwento tungkol sa pakikipagsapalaran ni Sabel upang malabanan ang mga hamon sa buhay. Kung papaano niya nilabanan ang mga kababalaghang susukat sa kaniyang pananalig at pananampalataya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Mula nang magkaisip si Sabel, nakagisnan na niya ang kumayod at magbanat ng buto. Alam niyang kung 'di siya magsusumikap ay kakalam ang sikmura nila ng mga kapatid niya, kaya naman kahit sa murang isip at hapis na katawan, tumutulong na siya sa mga magulang sa bukid. Nariyang pumapasan siya ng malaking bugkos ng naaning palay. O 'di kaya, nagkanda bako-bako at nagtitiis siya sa tirik na araw sa palayan kung panahon ng taniman. Kung 'di man makita si Sabel kasama ng mga magulang, tiyak nasa kubo nila ang musmos at nagbabantay ng mga nakababatang kapatid. Hindi siya ang panganay kundi ang kuya Herman niyang naglayas nang minsang mapagalitan at mapalo ng nanay nila. Kinse anyos na ito nu'ng mga panahong iyon. Namatay naman ang pangalawa nilang kapatid nu'ng tatlong taong gulang pa lamang ito sa kadahilanang nakakain ng pagkain ng daga sa ilalim ng mesa. Ang pangatlo naman nilang nakatatandang kapatid na si Susan ay dinala ng tiyo nilang nasa Maynila. Pati na rin ang sumunod kay Sabel na si Manda ay nasa Maynila rin. Pagkatapos ay si Sabel na pang-apat sa magkakapatid. Ang sumunod sa kaniya na si Wilma na limang taon ang agwat ng edad sa kaniya. At may bunso pa silang lalake na noo'y tatlong buwan pa lamang na nagngangalang Mar. Nang mga panahong iyo'y naglalaro sa gulang na walo si Sabel. Bagaman payat at pandak sa karaniwang edad, maliksi at maaasahan si Sabel ng kaniyang mga magulang. Madalas kasi, madaling araw pa lang ay nasa palayan na ang kaniyang nanay at tatay. Kaya madaling araw din kung magsimula si Sabel sa mga gawaing bahay. Nag iigib ng tubig, nangunguha ng kangkong sa may sapa at nagtatadtad niyon na siyang ipinapakain niya sa mga alagang baboy, nagpapakain ng baboy at naglilinis ng kulungan ng mga alaga, dumidiskarte ng bigas at uulamin sa araw-araw, at sinasabay pa niya sa lahat ng mga gawain ang pagbabantay ng bunsong si Mar na tatlong buwan pa lang. Naglalaba, naghuhugas ng pinggan, naglilinis, at kung anu-ano pa. Ano't lahat ng iyan ay ginagawa ni Sabel ng mag isa. Gabi na rin kung umuuwi ang nanay at tatay ni Sabel. "Sabel!" bulyaw ng nanay niya. Mataas ang boses nito at talaga nga namang nakakatakot. Nasa kusina noon si Sabel at naghuhugas ng pinggan. Dali-daling lumapit si Sabel sa takot na mapagalitan. Nakaupo sa entrada ng kwarto ang nanay niya, sa huling baitang ng mababang hagdan na gawa sa kahoy. May hinahalungkat ito sa bag na gamit nito kung pupunta ng bayan. "N-Nay..." aligaga si Sabel. "Sinong nangialam ng mga gamit ko? Bakit nagkakagulo ang laman nito?" mabalasik na tanong ng nanay niya. Nagsasalubong na ang mga kilay. "H-Hindi ko po alam, Nay..." pagkakaila ni Sabel. Gusto niyang pagtakpan ang kapatid na si Wilma. Nakita niya ito kaninang parang may kinakalkal sa likod ng telang pantabon sa lagayan ng mga karton ng damit. Naroroon nakatago ang bag ng nanay nila. At pansin rin niyang mapula sa karaniwan ang mga labi ni Wilma kaya walang dudang ito nga ang nangialam ng bag ng nanay nila. "Sino?!" sigaw ng nanay niya. Kinurot nito ang braso ni Sabel. Napahikbi na ang bata. Tumutulo na ang luha habang hawak ang brasong kinurot ng ina. Mula sa labas ng bahay, pumasok si Wilma na pawisan at galing sa masayang paglalaro. Napawi lang ang ngiti nito nang makita ang mabalasik na anyo ng nanay habang pinapagalitan ang ate niya. "Wilma! Lumapit ka dito..." utos ng nanay sa kararating lang na bata. Paisa-isa, lumapit si Wilma sa tabi ng nakatatandang kapatid. Pumanaog sa baitang ng hagdan ang nanay nila at sinunggaban sa braso si Wilma. "Bakit napakasutil mong animal ka, ha? Kanina pa kita tinatawag ngayon ka lang umuwi anong oras na. Hindi ka matigil sa kalalaro napakadungis mong letse ka!" anitong hinahataw na ng palo ang pwet ni Wilma. Kapwa na pumapalahaw ang dalawang bata. Hindi pa nakuntento ang ginang at kumuha ng kawayan mula sa labas ng bahay. Panay mura nito ng mga 'di maganda patungkol sa dalawang anak. Saka muling binalingan ang mga bata. Una nitong hinataw ng kawayan si Sabel. Sa lakas ng pagkakahampas nito sa mga binti ng bata, nagkanda durog durog ang kawayan. Saka lamang tumigil ang ginang nang mapaluhod na si Sabel at magmakaawa. Todo hingi nito ng patawad sa ina kahit wala namang ginagawang 'di kanais-nais si Sabel para hatawin ng ganoon. Binitiwan ng nanay nila ang kawayan at walang lingon-likod na umakyat ng hagdan at nahiga sa papag ng kwarto. Hindi ito kinakitaan ng anumang pagkahabag. Tiningnan ni Sabel ang kapatid. Umiiyak pa rin ito at 'di mapatid ang paghikbi. "Tumigil ka ha! 'Wag mo akong paringgan ng hibik mo kundi ipaluluhod ko kayo sa asin, mga bwesit!" tinig ng nanay nila mula sa silid. Tumayo si Sabel at kumuha ng labahing damit. Pinunasan nito ang sipon at luha ng kapatid na sisigok sigok nang pilit pinipigilan ang paglabas ng tinig sa bibig. "Sshh... Tahan na, Wilma. Halika sa mesa, maghahain lang ako," aniyang inakay si Wilma papasok ng kusina. Kahit paika-ika dahil sa nagdurugong mga binti, pinilit ni Sabel na lumakad ng maayos at maglagay ng kahit pilit na ngiti sa mga labi upang kahit papaano'y maibsan ang nadarama ng kapatid. Naglagay siya ng mga pinggan at kutsara sa mesa, naghain ng kanin at ng niluto niyang gulay na walang sahog kundi malunggay at kangkong lang. Saka pinuntahan ang bunsong kapatid sa duyan nito upang tingnan kung tulog pa ba. At bumalik muli sa mesa upang maupo at pagsilbihan sa pagkain si Wilma. "Nay, kain na po tayo," aniyang may garalgal sa tinig. Pumanaog naman din ang nanay nila at dumulog sa hapag. Sumabay na rin si Sabel sa pagkain ng ina. "Wag ka munang matulog, Sabel. Hintayin mo ang tatay mong umuwi. Ipaghain mo siya ng hapunan niya. Pagod ako kaya ayokong madisturbo sa pagtulog. Maaga pa ako sa palayan ni Nong Nador bukas," malamig na bilin ng nanay niya habang nasa kalagitnaan sila ng pagkain. "Opo, Nay," mahinang tugon ni Sabel. Pasado ala-una na nang kumatok sa tablang pinto ang tatay nila. Gising pa si Sabel nang mga oras na iyon na nasa mesa lang at pinagpipyestahan ng mga lamok. Kaya naman, kaagad niyang nabuksan ang pinto nang makumpermang ang tatay nga niya ang kumakatok. "Tay..." bungad niya sa ama na noo'y animo matutumba at napakapungay na ng mga mata. Tiyak nakainom na naman ito ng tuba. Walang anumang pagbati mula sa tatay niya. Pumasok na itong dumiretso sa kusina at naupo na rin sa mesa. Inatupag na rin ni Sabel ang paghahain. Nasa tabi ng lutuan nila ang banggera na gawa sa kawayan. Wala itong dingding at kawayan lang din ang nagsisilbing tabing mula sa labas. Bale, iilang kawayan na inihelera ng pataas na siyang ginagawa na ring sabitan nila ng basong pangkape. Iyon lang at makikita mo na ang labas ng bahay. Nagsasalin na noon ng kanin si Sabel nang mapagawi ang paningin niya sa harap ng banggera. Madilim pa sa labas pero may mangilan ngilang tilaok ng manok na siyang naririnig mula sa mga tinali ng kapitbahay. Maya-maya, napahinto sa pagsalin ng kanin si Sabel. Napatutok ang paningin niya sa may mangga. Malamlam ang ilaw na inilalabas ng gasera na nakapatong sa mesa pero sapat na iyon upang maaninag ni Sabel ang mangga na ilang dipa lang din ang layo mula sa kubo nila. Bakit parang may usok mula sa mga sanga ng kahoy? Naaamoy nya rin ang baho ng sigarilyo. Sumingkit ang mga mata ni Sabel. Inilapit niya ang mukha hanggang sa harang na kawayan. Pinakatitigan niya ang sanga ng mangga kung saan may mga usok siyang nakikita. Parang may tao. Parang may kung anong nakapatong sa sanga. Di niya tiyak kasi madilim. Tinitigan pang mabuti ni Sabel ang bahaging iyon ng mangga. Parang may... "Sabel!" bulyaw ng tatay niya. Kamuntik nang mabitawan ni Sabel ang hawak na platong may kanin. Dali-dali niyang itinuloy ang pagsasalin saka pumunta na sa ama upang 'di na siya mapagalitan. Lasing pa naman ito at baka kako mapalo siya ulit. Naisantabi na rin ni Sabel sa isipan ang nakita sa may mangga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

CEO'S Naughty Daughter

read
54.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

His Obsession

read
71.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook