bc

School Trip V

book_age0+
2.4K
FOLLOW
4.1K
READ
others
dark
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

Get ready for your FINAL exam!

Misteryosong pinapatay ang mga estudyanteng bully sa Santa Clara National High School. Hanggang sa isang grupo ng bullied students ang nagkaisa upang imbestigahan ang pangyayari na iyon sa kanilang school. Paano kung malaman nila na ang eskwelahan nila ay ang dating eskwelahan ng estudyanteng nagpakamatay na si OLIVIA PENELOPE? Hindi pa nga rin ba natatapos ang kanyang paghihiganti?

chap-preview
Free preview
LESSON 01
MASAYANG-MASAYA si Tiara sa pagtulak na ginawa niya sa matabang lalaking estudyante ng paaralan kung saan siya nag-aaral-- ang Santa Clara National High School. Isang paaralang pang-sekundarya na matatagpuan sa maliit na bayan sa probinsiya ng Laguna. Isang eskwelahan na halos lahat na yata ng estudyante ay naroon. Mula sa simple, tahimik, matatalino, tamad mag-aral, bully at mga binubully. Si Tiara ay masasabing isa sa mga bully ng naturang paaralan. Malaking babae kasi si Tiara. Mas matanda siya ng dalawang taon sa kanyang mga kaklase. Hindi niya malaman ngunit nakakaramdam siya ng kasiyahan kapag nakakapanakit siya ng kapwa niya estudyante. Parang ang taas ng tingin niya sa kanyang sarili dahil alam niyang marami ang natatakot sa kanya. “B-bakit mo ako tinulak?” Mula sa pagkakasubsob ay tumayo na ang matabang lalaki. Bahagyang may dugo ang gilid ng nguso nito dahil sa pagkakasubsob pero hindi man lang nakakaramdam ng kahit kaunting awa dito si Tiara. Natutuwa pa nga siya dahil paiyak na ito pero halatang pinipigilan lang. Nangninginig ang boses at buong katawan nito. Nameywang siya sa harapan ng lalaki. “Wala lang, Gusto ko lang! Para kasing ang sarap mong pagulungin. Mukha kang bolang tatalbog-talbog! Ang taba-taba mo kasi!” May halong pangungutyang sagot niya. Ganoon talaga siya magsalita. Walang preno. Wala siyang pakialam kung masasaktan ang kahit na sino sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Lumunok ang matabang lalaki. “I-isusumbong kita kay t-teacher!” Pananakot nito. Sisigok-sigok na ito at kaunting-kaunti na lang ay lalaglag na ang luha. “Gusto mo, samahan pa kita! Akala mo ba ay natatakot ako sa iyo? Tabachoy! Baboy!” Muli niyang itinulak ang matabang lalaki at napaupo ito sa semento ng corridor. Sa pagkakataon na iyon ay malakas nang napaiyak ang lalaki. Umatungal ito na parang bata habang nakanganga. Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante doon pero walang ginagawa ang mga ito. Kilala kasi siya ng karamihan sa school na iyon. Alam niyang walang kakalaban sa kanya dahil takot din ang mga ito sa kanya. Tinawanan lang ito ni Tiara. “Naku! Parang kinakatay na baboy kung umiyak! Baboy ka nga siguro talaga!” aniya habang itinuturo pa ito. “Diyan ka na nga! Lampang baboy!” Naglakad na si Tiara palayo doon. Alam niyang maaaring totohanin ng lalaking iyon ang banta nito na magsusumbong ito sa teacher nito pero wala siyang pakialam. Mas mabuti nga na gawin nito iyon para ma-suspend siya at makapagbakasyon ng mahaba-haba. Tinatamad na rin talaga siyang mag-aral kung hindi lang siya pinipilit ng nanay niya na magtapos ng high school. Mas lalo pa siyang nahirapan dahil sa bagong programa ng gobyerno na dinagdagan ng dalawang taon ang high school. Huling taon na sana niya ngayon pero hindi pa pala. May dalawang taon pa siya sa eskwelahan na ito. “Hay! Nakakatamad pang umuwi! Ano naman ang gagawin ko sa bahay? Magre-review?” Napahinto si Tiara sa paglabas ng gate ng school. Uwian na kasi ng oras na iyon. Nag-isip siya sandali. May exam kasi sila bukas sa English at alam niyang mahina siya sa subject na iyon. Palagi siyang bagsak doon. Ang lakas pa naman siyang ipahiya ng guro nila doon kapag bumabagsak siya sa exams. Ano kaya kung ito naman ang ipahiya niya? Kanina kasi nang sabihin nito na may exam sila bukas ay sinabi nito na kahit huwag na siyang kumuha dahil panigurado namang bagsak na naman siya. Naiinis na dumura sa lupa si Tiara na parang iyon ang mukha ng guro niya sa English. “Pesteng guro! Akala mo ay magaling! Asa lang naman sa aklat!” naiinis niyang bulong. Tama. Hindi muna siya uuwi. Hihintayin niyang makaalis lahat ng tao dito tapos pupunta siya sa faculty room. Hahanapin niya iyong answer sheet ng exam nila bukas sa English para maka-perfect siya doon. Tignan lang niya kung magawa pa siyang ipahiya ng gurong iyon bukas kapag nakita nitong walang kamali-mali ang sagot niya. Ito naman ang ipapahiya niya sa pagkakataon na ito. Hindi na niya itinuloy ang paglabas ng school nila. Bumalik siya sa loob at naghanap ng maaari niyang pagtaguan. Pero mukhang kailangan niyang magtago sa mismong loob ng faculty room dahil baka ikandado iyon. Tinungo ni Tiara ang faculty room. Pasilip-silip siya sa loob nang biglang lumabas ang isang babaeng guro doon. “O, anong ginagawa mo dito? Uwian na, a,” sita nito. “Wala. May hinihintay lang!” Walang galang niyang sagot. Hindi na nag-usisa pa ang gurong iyon at umalis na rin ito. Nagkaroon na siya ng pagkakataon para pumasok sa loob ng faculty room. Wala nang kahit isang guro doon pero baka may biglang bumalik. Kailangan niyang magtago. Nakahanap naman siya ng magandang mapagtataguan. Isang medyo malaking kabinet na may ilang test papers na nakalagay. Malaki pa ang espasyo para siya ay magkasya. Walang pagdadalawang isip na pumasok si Tiara sa kabinet na iyon at tahimik na isinara. “Nakakairita talaga! Ang daming dapat gawin!” May dalawang babaeng guro ang dumating. “Korek! Sobrang pasaway pa ng mga bata. Kung tinataasan lang sana ang sweldo natin, edi, masaya!” “Sinabi mo pa!” Mula sa siwang ng kabinet ay nakita niyang may kinuha lang na gamit ang dalawa at umalis na rin. Pero bago iyon ay pinatay muna ng mga ito ang ilaw. Nakita niya rin na ikinandado ng mga ito ang pinto ng faculty room. Ngayon ay sigurado na siyang wala nang papasok doon ngunit kailangan niyang makasiguro. Hindi muna siya lalabas. Hihintayin muna niyang dumilim ng tuluyan… -----***----- NAGISING si Tiara nang may tila narinig siyang malakas na pagbukas ng pinto. Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil bahagya iyong nananakit. Nakatulog na pala siya sa loob ng kabinet. Itinulak niya ang pinto at nakita niyang madilim na sa labas. Tahimik siyang lumabas mula sa pinagtataguan at nag-inat ng katawan. Medyo nananakit ang kanyang binti dahil nakauklo siya sa kabinet. Napangiti siya. Mabuti na rin pala na nakatulog siya dahil hindi na siya nainip sa pagpapalipas ng oras. Alas otso na ng gabi, ayon sa wall clock na nakita niya. Hindi na niya kailangang buksan ang ilaw dahil bukas naman ang mga poste ng ilaw sa labas. Sapat na ang liwanag niyon para makita niya ang nasa paligid. “Nasaan na kaya ang table ng pesteng guro na iyon?” tanong niya sa sarili habang palakad-lakad at hinahanap ang mesa ng guro niya sa English. Hanggang sa makita na niya ang table nito. Agad niyang inisa-isa ang lahat ng papel na nasa ibabaw ng table at parang nanalo sa lotto nang makita niya ang answer sheet para sa exam nila bukas. Nagmamadali siyang kumuha ng notebook at ballpen. Kinopya niya ang nakasulat sa answer sheet. Nasa ganoon siyang gawain nang may marinig siyang kaluskos sa loob ng faculty room. Parang may naglakad na ikibukos ang sapatos sa sahig. Ganoon ang tunog na kanyang narinig. Huminto muna siya sa ginagawa at iginala ang tingin sa kanyang paligid pero wala naman siyang nakitang kakaiba. Ipinagkibit-balikat na lamang ni Tiara ang narinig. Baka naman kasi guniguni lang niya iyon. Paano naman magkakaroon ng tao dito gayong alam niyang nakakandado ito. Saka sigurado siya na mag-isa lang siya dito nang umalis iyong dalawang guro na huling pumasok. Ipinagpatuloy na lang ni Tiara ang pagkopya sa sagot. Binibilisan na niya. Marami pa namang sagot siyang dapat kopyahin. One hundred items pala ang exam nila bukas. Talagang pinapahirapan sila ng guro nila sa English. Feeling periodical test kahit monthly exam lang naman iyon. Muli niyang narinig ang kaluskos na sinundan ng pagkabuhay ng electric fan na nasa katapat niya. Hindi na niya nakita kung may sadyang bumuhay niyon dahil nagliparan ang mga papel na nasa table ng guro nila sa English. Mas inuna niya ang pangunguha ng mga papel kesa tignan kung bakit nabuhay na lang ang electric fan na iyon. “Puta naman! Nakakainis!” Isa-isa niyang pinulot ang mga papel na nagkalat sa sahig. Hanggang sa matigilan siya nang may makita siyang dalawang pares ng sapatos sa kanyang harapan. Napahinto siya sa pagpulot ng papel. Bumaha ang kaba sa kanyang dibdib. Unti-unti siyang tumingala upang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng sapatos na iyon. At nahindik siya nang makita niya ang nakakatakot na ngiti ng taong iyon na may dalang baseball bat na nakasampay sa balikat nito. “S-sino k-ka?” nauutal niyang tanong dito. Para siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya magawang makagalaw sa labis na pagkabigla. Talagang hindi niya inaasahan na may tao pala sa loob ng faculty room. “Class resumes!” sabi nito sabay hampas ng baseball bat sa kanyang ulo. Naramdaman niya ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang ulo hanggang sa unti-unti ay manlabo ang kanyang paningin at tuluyan na siyang nawalan ng malay. -----***----- ISANG malakas na sigaw ang kumawala sa lalamunan ni Tiara nang magkaroon siya ng malay ay nakaupo siya sa isang upuan na yari sa kahoy. Nakatali ang dalawa niyang kamay sa magkabilang arm rest at maging ang dalawa niyang paa sa magkabila ring paa ng upuan. Sigaw siya nang sigaw. Umaasa siya na may makakarinig sa kanya. Habang sumisigaw siya ay iginagala rin niya ang kanyang mata sa kanyang paligid. Nasa isang classroom siya na kahalintulad ang hitsura ng mga classroom sa Santa Clara National High School. Kaya sigurado siyang naroon pa rin siya sa eskwelahan nila. Nasa pinakagitna siya ng silid-aralan at napapalibutan siya ng mga bakanteng upuan na wala sa kaayusan. May maduming pisara sa kanyang harapan na may bahid ng dugo ang ilang parte. May teacher’s table sa harapan. Ang tanging ilaw na naroon ay ang kulay dilaw at medyo malabong ilaw na nasa gitna ng kisame. Kaya naman hindi ganoon kaliwanag. “Tulungan niyo ako!!! Tulong!!!” Patuloy si Tiara sa pagsigaw nang biglang bumukas ang pinto at isang tao ang pumasok. Napahinto siya sa pagsigaw. Hinihingal siya at pinagpapawisan nang husto. Mainit kasi sa silid na iyon. Sarado lahat ng bintana at walang hangin na pumapasok. Nagtungo ang taong iyon sa teacher’s table. Doon lang niya napansin na nakasuot pala ito ng maskara. Isang maskara na kulay puti. Ang buong mukha nito ay natatakpan ng puting maskara na iyon. Alam niyang nakatingin ito sa kanya. “S-sino ka? Ano’ng gagawin mo sa akin, ha?!” sigaw niya. “Humanda ka kapag nakawala ako dito! Hayop ka!” “Nandito tayo para mag-aral, Tiara,” sagot nito. Naningkit ang mga mata niya. “Kilala mo ako?” “Lahat ng katulad mong estudyante ay kilala ko. Ikaw ang una sa aking listahan kaya ikaw ang nandito ngayon.” “L-listahan? Anong listahan ang sinasabi mo? Pakawalan mo ako dito!” Mahina itong tumawa. “Hindi ba’t isa ka sa mga estudyante sa paaralan na ito na pakiramdam nila ay diyos sila? Na dapat silang katakutan? Sa madaling salita… mga bully.” Marahang napailing si Tiara. “Hindi ba’t mahina ka sa English? Kaya nga nanakawin mo sana ang answer sheet para sa exam niyo bukas. Tama?” Magsasalita sana siya pero inunahan siya nito. “Kaya ka nandito ay para mag-aral ng subject kung saan ka mahina. Pero… lalagyan natin ng kakaibang twist, ng kakaibang saya. Para naman hindi maging boring ang pag-aaral na ito!” “Pakawalan mo na ako! Gusto ko nang umuwi sa amin!” “Wow! Ngayon ay gusto mo nang umuwi pero kanina lang ay ayaw mo…” Napailing siyang muli. Paano nito nalaman ang bagay na iyon? Ibig bang sabihin ay kanina pa siya nito sinusundan? Sino ba talaga ito? “Ngayon ay mukhang handa ka na, Tiara. Simple lang ang gagawin natin. Tatanungin kita at sasagot ka. Kapag hindi ka nakasagot sa tanong ko sa loob ng sampung segundo…” Mula sa drawer sa lamesa ay may kinuha ito. Nagulantang siya nang malakas nitong ibagsak sa ibabaw ng lamesa ang isang martilyo at napakaraming pako na ang haba ay halos isang dangkal ng kamay niya. Nalaglag pa ang iba sa sahig at lumikha iyon ng nakakangilong ingay. Sa pagkakataon na iyon ay napaiyak na si Tiara sa labis na takot. “O, bakit naman umiiyak ang bully na si Tiara? Ikaw ang nagpapaiyak ng mga estudyante dito, 'di ba? Bakit ngayon ay ikaw naman ang umiiyak? Nakakapagtaka naman…” Tila nanlolokong sabi nito. “P-parang awa mo na… P-pakawalan mo na ako--” “Tsk, tsk, tsk!” Palatak nito. “Hindi pa nga tayo nag-uumpisa. Makinig ka lang sa akin. Meron akong mga katanungan sa iyo at kapag hindi mo nasagot o mali ang iyong kasagutan ay may parusa!” Kumuha ito ng pako. “Isang mali, isang pako. Limang tama at papakawalan kita. Limang mali at kamatayan ang iyong kakahantungan. Malinaw na ba? Magsisimula na tayo!” Dala ang isang pako at martilyo ay nilapitan siya nito. Nagpaikot-ikot ito sa kanya habang siya ay natatakot at natataranta na. “Sandali! Ayoko--” “First question! What is a verb?!” Huminto ito sa kanyang harapan. “Pakawalan mo ako! Ano ba?!” Nagwala na siya. Pinipilitniyang makawala sa pagkakatali pero mahigpit ang pagkakatali nito sa kanya. “Sumagot ka na lang, Tiara. Sampung segundo… Meron ka na lang limang segundo!” “Hayop ka! Hayop ka!!!” “Dalawang segundo. Sumagot ka na. Madali lamang ang unang tanong. Oops! Ubos na ang sampung segundo!” Mabilis na lumuhod ang lalaki sa kanyang harapan. Itinutok nito ang pako sa kaliwa niyang tuhod at malakas iyong pinukpok gamit ang martilyo. Malakas na napasigaw sa labis na sakit si Tiara nang maramdaman niya ang pagbaon ng pako sa kanyang tuhod. Iyak siya nang iyak. Halos magsalo na ang luha at uhog sa kanyang mukha. “Sinabi ko naman sa iyo, sagutin mo na lang ang katanungan ko. Ngayon ay may isa ka nang mali. Ikalawang katanungan… Ano ang english term para sa tagalog word na ‘duguan’?” Umiling siya. “Hindi ko alam!” Napasigaw na naman sa sakit si Tiara nang ang kabilang tuhod naman niya ang nilagyan ng pako ng taong iyon. “Hayop ka… Mamatay ka na…” Nanghihina niyang turan. Kung makakawala lang siya dito, ito naman ang tatadtarin niya ng pako para maramdaman nito ang sakit na nararamdaman niya ngayon. “Meron tayong walong main part of speech. Magbigay ka ng dalawa. Ang katanungan na ito ay para sa dalawa kaya meron kang twenty seconds para sumagot. Maling sagot, isang pako. Timer starts… now!” Pilit na hinalukay ni Tiara ang kanyang utak. Part of speech… Part of speech… Sa pagkakatanda niya ay ito ang itinuturo sa kanila ngayon. Kailangan niyang mag-isip. Hindi siya pwedeng mamatay ngayon! “Nouns…” sagot niya. “Tama! Isa na lang, Tiara. Kaya mo 'yan! Patunayan mo na hindi ka bobo sa English!” “Nouns…” ulit niya. Inulit lang niya dahil nag-iisip siya ng kasunod. “Nasabi mo na ang noun. Kaya…” Iniumang nito ang pako sa kanyang kamay. “Sandali-- ahhh!!!” sigaw niya nang bumaon sa kamay niya ang pako. Tumama iyon sa kanyang buto sa kamay kaya mas ramdam niya ang sakit. Nanginginig na ang buong katawan niya. “Wala na akong alam!!!” Palahaw niya. Maya maya ay ang isa pa niyang kamay ang nilagyan nito ng pako. “Tapos na ang dalawampung segundo, Tiara. Technically ay meron ka nang apat na mali. Isang mali na lang at alam mo na ang mangyayari. Ang pag-ubos mo sa oras ay isang kamalian din. Ngayon, para sa susunod na katanungan… Ano ang english term ng tagalog word na ‘asó’?” “Dog! Dog! Dog!” umiiyak niyang sagot. “Mali!” “B-bakit? Tama naman ang sagot ko!” “Mali. Ang tamang sagot ay ‘smoke’. Hindi mo ba narinig ang pagbigkas ko? Ang sabi ko ay asó at hindi aso. I am so sorry, Tiara…” Itinapat nito ang pako sa kanyang noo. Halos hindi na siya makapagsalita sa labis na takot. Nanlalaki na lang ang kanyang mga mata. “Class dismissed!” At malakas nitong hinataw ang pako ng martilyo. Hindi pa ito nakuntento at magkakasunod na hinataw nito ang kanyang ulo gamit ang martilyo. CLASS DISMISSED!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

NINONG III

read
363.2K
bc

My Godfather My husband

read
269.3K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook