bc

THE DOCTOR'S SLAVE

book_age18+
11.0K
FOLLOW
80.5K
READ
revenge
possessive
arrogant
dominant
badgirl
twisted
bxg
love at the first sight
seductive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Plano ni Jeyrin na maghiganti sa dating nobyo ng kanyang kaibigan dahil ito ang naging dahilan para mag-attempt ng suicide. Pumunta si Jeyrin sa birthday party ng dating nobyo ng kanyang kaibigan at iyon ay si Isaac Mathew Chen isang cardiologist.  Pinahiya at ilang beses niyang sinampal ang lalaki sa mismong birthday nito saka siya matagumpay na naka-alis sa lugar na iyon. Ngunit nang magising ang kanyang matalik na kaibigan napag-alaman niyang maling tao ang ipinahiya  at sinampal niya.  Dahil sa eskandalong ginawa niya kay Isaac, pinahanap siya nito upang pagbayarin sa eskandalong ginawa niya 

Nang mahanap siya ni Isaac pinadukot siya nito ginawaan siya ng scandal video upang i-blackmail siya. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod rito kahit na nga hinilingin nito na gawin siyang slave.

May pag-asa pa ba'ng ma-in love sila sa isa't-isa? o patuloy silang maghihiganti sa bawat isa.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“JEYRIN, sigurado ka na ba sa gagawin mo?” tanong kaibigan kong si Candy. Napakapit ako ng mahigpit sa manibela ng kotse ko. "Yes, see you later." She cut the call. Pagkatapos ay pinaharurut ko ang kotse ko patungo sa mansyon ng mga Chen. Pinagdiriwang kasi ngayon ang birthday ni Isaac Mathew Chen ang anak ni Abraham at Cassandra Chen. Noong una, wala akong balak na pumunta sa party na iyon dahil hindi ko naman kilala ng personal ang pamilya Chen. Tanging ang bestfriend kong si Rosie ang nakakakilala sa mga ito. Si Rosie kasi ang girlfriend ni Isaac Mathew Chen na ngayon ay nasa hospital. Dahil sa pakikipaghiwalay ni Isaac Chen sa kaibigan ko. Nagkaroon ng depression ang kaibigan kong si Rosie dahilan para mag-attempt ito ng suicide. Dahil sa sinapit ni Rosie gusto kong maghiganti kay Isaac at sa mismong araw ng birthday niya. Inihinto ko ang kotse sa tapat ng malaking gate saka lumapit sa akin ang security guard. “Good evening, Ma'am, check ko lang po ang invitation n'yo,” sabi ng security guard. Kinuha ko ang kulay pula na invitation na nakalagay sa loob ng bag ko at ipinakita ko sa security guard. “Pahiram po ng i'd n'yo.” Inabot ko sa kanya ang i'd ko pagkatapos ay tiningnan niya ang i'd at invitation bago ako pinapasok sa loob. Mabuti na lang pala at kinuha ko ang invitation card sa kaibigan ko kung hindi baka hindi ako makapasok sa loob. Ang balak kasi ni Rosie noon ay tatlo kaming a-attend ng party kung kaya't pati kaming dalawa ni Candy ay may invitation. Pagpasok ko pa lang sa loob ay natanaw ko na ang kaibigan kong si Candy na nakatayo at naghihintay sa akin. Inayos ko muna ang parking ng sasakyan ko bago ako lumabas sa kotse. Sinalubong naman ako ni Candy na namumutla dahil sa takot sa gagawin ko ngayong gabi. “Jeyrin, kinakabahan ako sa gagawin mo, alalahanin mo kilala rin ang pamilya mo.” I smiled. “I told you candy, don't drink too much coffee, nagiging nerbiyosa ka na.” Nilampasan ko siya sa paglalakad para mauna. Agad naman niya akong sinundan papasok sa loob ng venue. “May media sa loob,” bulong ni Candy “Nice, much better.” Hinawakan ni Candy ang braso ko kaya huminto ako sa paglalakad. Tinaas ko ang kanang kilay ko. “What?” "Please, Jeyrin, kung mahal mo pa ang buhay mo itigil mo ang kalokohan na ito,” pakiusap ni Candy. Ngumisi ako. “Of course, I love my self, and I hate user. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niyang panloloko sa kaibigan natin.” Inalis ko ang kamay ni Candy sa braso ko saka ako pumasok sa loob. Matamis ang naging ngiti ko nang pumasok ako sa loob ng malaking bulwagan. Punong-puno ako ng self-confident sa sarili. Taas ang noo akong naglalakad sa pulang carpet. Naging malikot naman ang paningin ko dahil hinahanap ko si Isaaac Mathew Chen. “Hi, beautiful,” wika ng mga lalaking hindi mapigilan na hindi magpapansin sa akin. Sino ba naman ang hindi makakatakas sa angkin ganda ko? maamo ang mukha ko, mistisa, at nakadagdag pa ang magandang dimples na minana ko pa sa Lolo ko. Hindi rin magpapatalo ang ganda ng katawan ko dahil bukod sa 5'5 ang height ko ay may malaki rin akong hinaharap, malaki ang balakang at pwet ko. Bata pa lang ako ay laman na ako ng contest sa school amin. Lalong nagpadagdag ng kagandahan ko ang suot kong yellow night dress na punong-puno ng bids. I fake smiled. Mga lalaki puro manloloko Naghanap kami ng table ni Candy at pagkatapos agad namang lumapit sa amin ang waiter upang bigyan kami ng pagkain at alak. “Isa pa nga,” wika ni Candy. Nakatatlong tagay na ito ng maria clara. “Ano ba ang problema mo? Parang ikaw yung mas kinakabahan sa ating dalawa,” sabi ko. Paunti-unti kong iniinom ang alak sa wine glass ko. “Parang mas mauuna akong atakihin sa puso sa gagawin mo.” Tumingin si Jeyrin sa kaibigan. “Ituro mo sa 'kin si Isaac at pwede mo na akong iwan dito kaya ko na ang sarili ko.” Pero mukhang hindi na kailangang ituro ni Candy si Isaac dahil biglang tumayo ang mga tao sa loob ng venue nang pumasok ang isang lalaki na may six-feet ang taas, matangos ang ilong, maputi, at may magandang mukha. “A-Ayun, si Isaac Mathew,” pabulong ni Candy. “Yeah, I know,” sagot ko habang nakatitig sa lalaki. “You may go!” Utos ko kay Candy. “Hindi ako aalis ng hindi ka kasama?” “Kung ayaw mong umalis bahala kang gumawa ng palusot kapag nahuli ka nila,” sagot ko. Tumayo si Candy at nagmadaling lumabas. Pagkaalis ni Candy ay tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan ni Isaac Mathew, may kausap siyang lalaki habang nakatayo sila. Kinuha ko ang isang wine glass sa waiter na umiikot, pagkatapos ay lumapit ako sa kinaroonan niya. “Happy birthday!” Sabay na tumingin sa akin si Isaac at kausap niyang lalaki. Nakakunot-noo si Isaac habang nakatingin sa akin, marahil kinikilala kung sino ako. “Hi, miss beautiful!” sabi ng lalaking kausap ni Isaac. I bit my lower lips. “Puwede mo ba kaming iwan ni birthday boy.” Sabay kindat ko. Tinapik ng lalaki ang balikat ni Isaac bago siya umalis. "Ang swerte naman ni birthday boy, " biro niya Kumunot ang noo niya. “Who are you?” tanong niya. I smiled at him. “You don't know me pero I'm sure kilala mo si Rosie Ricaporte.” “Hindi ko siya kilala, I'm sorry.” Kuyom ang kamao ko sa galit. “Hindi mo kilala ang girlfriend mo na iniwan mo?” Ininom ni Isaac ang alak na hawak niya at ngumisi. “I don't know what you're talking about? gumagawa ka lang ba ng kuwento para magpapansin sa akin?” Sabay kindat niya. “You're fuckin asshole!” Sabay sampal ko ng malakas sa kanya. Mabilis pa sa alas-kuwatro ang paglapit ng mga media sa harapan namin kaya naging alerto ako sa mga gagawin kong hakbang. “You bit— Hindi na naituloy ni Isaac ang sasabihin dahil biglang ko ulit siyang sinampal sa pisngi. “How dare you! Bakit mo ako pinaglaruan! Pagkatapos kitang mahalin. Ipapagpapalit mo ako sa isang lalaki!” sigaw ko. Best actress award goes to me. Nagkaroon ng bulong-bulungan sa paligid nila, kasabay ang sunod-sunod na click ng camera at pagkuha ng video sa aming dalawa. Iyon naman talaga ang plano ko ang ipahiya si Isaac sa araw ng birthday niya. “What are you talking a— Isang sampal ulit ang pinalasap ko sa kanya. “I hate you! I hate you!” Sabay takbo ko papalayo. Sinadya kong umiyak para maging totoo ang lahat. Tumakbo ako palabas at sumakay ng kotse ko, pagkatapos ay pinaharurot ko ito palayo sa lugar na 'yon. Tinawagan ko si Candy at sinabi ko rito na nagawa ko na ang plano. “Jeyrin, nakatakas ka na ba?” matamlay niyang sagot nang sagutin niya ang tawag ko. Ngumiti ako. “Yes, pauwi na ako, and guess what? Nagawa ko na Candy ang plano natin. Napahiya ko na si Isaac at siguradang pinagpipiyestahan na sila ngayon ng media.” Huminga ng malalim si Candy. “Sana hindi mo na lang tinuloy.” “Nagawa ko na kaya wala na tayong problema. Nakauwi ka na ba?” Bumuntong-hininga siya. “Nandito ako ngayon sa hospital at gising na si Rosie.” “That's good.” “My God! Jeyrin, malaking gulo 'to,” ani Candy. “Why? Everything is okay,” “No, it's not okay, it's just the beginning.” “I can't understand. Kumusta na ba si Rosie?" “Jeyrin, Maling tao ang pinaghigantihan mo. Rosie's boyfriend is not Isaac Mathew. Her boyfriend's name was Isaac Serano. That's the wrong person.” “What!” Bigla kong inihinto ang sasakyan ko. Natulala dahil sa narinig ko. Daig ko pa ang sinabugan ng atomic bomb sa nalaman ko. Nagkamali ako ng taong pinahiya. “Magkaibang tao sila,” wika ni Candy. Nakapatong ang siko ko sa manibela habang nakadikit naman ang mga kamay ko sa mukha ko. Dooms day.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook