bc

School Trip 4: Vendetta

book_age0+
2.2K
FOLLOW
2.8K
READ
others
dark
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

Paano kung mawala sa iyo ang korona?

At maging dahilan iyon para bumaligtad ang iyong mundo?

At magtulak para ikaw ay apihin, saktan at maliitin...

Na magtutulak sa iyo para gumanti...

Muling dadanak ang dugo!

Magbubukas sa ika-apat na pagkakataon ang aklat na inyong minahal...

Ihanda na iyong sarili sa pagbabalik ng SCHOOL TRIP...

chap-preview
Free preview
LESSON 01
LESSON 01 “The Newcomer” MAGANDA ang araw na iyon para kay Angela-- first day of school. Dalawang buwan din siyang nagtiis na nasa bahay lang siya at kasama ang kanyang ina na si Elvira. Kakalipat lang nila noong isang buwan sa bagong bahay nila. Kinailangan kasi nilang umalis sa dati nilang tinitirhan dahil sa isang dahilan. Hindi ganoon kalaki ang bago nilang bahay. May maliit na salas, kusina, banyo at dalawang kwarto. Bungalow-style. Sakto lamang para sa kanilang dalawa ng kanyang ina. “Good morning, baby!” Ang masiglang boses ng isang lalaki ang bumungad kay Angela nang sagutin niya ang tawag sa kanyang cellphone na gumising sa kanya ng umagang iyon. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ng magandang si Angela. “Papa! Good morning din po! Ang aga niyo naman pong tumawag.” Pupungas-pungas siyang bumangon at tinignan ang oras sa wall clock na nasa side table. Five o’clock… “Chini-check ko lang kung okay ka ba diyan sa bago niyong bahay. And besides, first day of school mo today kaya I wish you good luck! Sana ay marami kang maging kaibigan sa bago mong school, anak.” “Okay naman kami dito ni mama, papa. At salamat po…” Naglakad na siya palabas ng kanyang silid. Sinilip niya ang kanyang mama sa kwarto nito at nakita niyang natutulog pa rin ito. May yakap pa itong krus na isang talampakan ang haba. Napabuntunghininga siya. Inaakala niya kasi na maaga itong magigising upang ipaghanda siya ng kanyang almusal. “That’s good. Nagdeposit nga pala ako ng pera sa account mo. Para iyon sa panggastos niyo at allowance mo sa school. Kapag na-short ka, don’t hesitate to tell me. Okay?” “Okay, papa. Thank you po ulit.” Naglalakad na siya papunta sa kusina upang magluto ng almusal. “Ibaba ko na po ito. Tinatawag na po ako ni mama para sa breakfast, e.” Pagsisinungaling niya. “Sige. Ingat ka, anak. Bye.” “Bye, 'pa.” Nang marinig na ni Angela ang dial tone ay inilayo na niya sa tenga ang cellphone. Binuksan niya ang refrigerator at naghanap ng lulutuin. Bigla niya tuloy na-miss iyong mga panahong normal pa ang kanyang mama. Ito ang nagluluto ng almusal niya bago siya pumasok ng school. Minsan, ito pa ang gumigising sa kanya. Kahit nagtatrabaho sa malayo ang papa niya ay masaya naman sila kahit dalawa lang sila bahay. Hanggang sa madiskubre ng mama niya na hindi naman pala nagtatrabaho sa malayo ang papa niya. Kaya pala madalas itong wala sa bahay nila ay dahil nasa tunay na pamilya nito ito. Doon na nila nalaman na kabit pala ng papa niya ang mama niya at siya ay isang anak sa labas. Gumuho ang perpektong mundo noon ni Angela. Ang inakala niyang masayang pamilya ay isa palang kasinungalingan. Labing-tatlong taon siyang nabuhay sa kasinungalingan. At tatlong buwan na ang nakakaraan, nalaman ng tunay na asawa ng papa niya ang lahat. Sinugod nito ang bahay nila sa Manila at ipinahiya nito ang kanyang mama sa lahat ng kapitbahay nila. “Hayop ka! Kabit! Haliparot! Malandi ka! Home-wrecker!” Naiiyak na lang siya kapag naaalala niya ang sinabi ng tunay na asawa ng papa niya sa kanyang mama habang sinasabunutan ito sa labas ng bahay. Simula ng insidenteng iyon ay nagbago na ang mama niya. Masyado nitong dinamdam ang pangyayaring iyon. Napahiya ito ng labis at hindi na lumalabas ng bahay o kahit ng kwarto nito. Palagi niya itong naririnig na umiyak. Nag-suggest ang papa niya na lumipat na lang sila ng bahay upang hindi na guluhin ng tunay nitong asawa. Pumayag naman ang mama niya bagaman at simula noon ay hindi na sila binibisita ng papa niya. Naiintindihan naman niya dahil alam niyang dahil iyon sa asawa nito. Sobrang sakit niyon ngunit ngayong fifteen years old na siya, kahit papaano ay natatanggap na niya ang lahat. Wala naman siyang pagpipilian, e… Gustuhin man niyang sila ang piliin ng papa niya, wala siyang karapatan. -----***----- “WELCOME to Trinity School of Laguna, Angela,” mahinang turan ni Angela sa kanyang sarili nang sandali siyang huminto sa tapat ng malaking gate ng paaralan kung saan siya papasok, kung saan tatapusin niya ang huling taon niya bilang high school student. Hindi na siya nag-e-expect na may magiging kaibigan siya sa bagong school. Basta, magtatapos lang siya ng pag-aaral-- iyon lang ang nasa utak niya. Hiling niya na sana’y maging smooth ang takbo ng mga araw niya sa Trinity School of Laguna. Ayaw niya sanang mag-aral dito dahil isa itong private school. Mas okay na sa kanya sa public school. Pero mapilit ang papa niya na sa isang mamahalin at kilalang school siya magtapos ng sekundarya. Ayon sa research niya sa school ay pagmamay-ari ang naturang eskwelahan ng limang mayayamang negosyante sa Pilipinas. Nakalimutan na nga lang niya ang mga apelyido ng mga iyon. Huminga ng malalim si Angela. Inihanda na niya ang kanyang sarili sa pagpasok sa gate nang may biglang bumangga sa kanyang likod at muntik pa siyang matumba. Mabuti na lang at nakapag-balanse niya. Nakita niya ang limang babae na nagtatawanang pumasok sa gate. “Hindi man lang ba kayo magso-sorry?” Sa inis niya ay hindi na niya napigilan ang hindi umalma. Sigurado siya na ang mga ito ang bumangga sa kanya at hindi man lang nag-abala ang lima na humingi ng paumanhin sa kanya. Sabay-sabay na lumingon ang lima sa kanya. Napatulala siya sa kagandahan ng limang estudyante. Iba-iba ang klase ng ganda ng mga ito. Sa hitsura ng mga iyon ay sigurado si Angela na mayayaman ang limang babae. “For what?” Mataray na tanong ng nasa gitna. Mahaba ang kulay brown nitong buhok. Malaki ang mata nito na parang palaging naninindak. Humakbang ito ng isa palapit sa kanya. “B-binangga niyo ako--” “You’re on our way. You deserved that! Ikaw nga ang dapat mag-sorry kasi dumikit 'yang madumi mong balat sa skin namin!” Pang-iinsulto pa nito sa kanya. “Ano ba, Charlotte? Don’t waste you time sa isang basura! Lets go!” At hinila na ng isa iyong tinawag na Charlotte. Matalim ang mga mata na sinundan na lang ng tingin ni Angela ang limang babae. “Mga bwisit!” Palihim na mura niya at pumasok na siya ng gate. “Mas maganda naman ako sa inyo, leche!” Habang naglalakad papasok ng school ay tinignan niya ang isang papel na kanina pa niya hawak. Doon nakasulat kung saan ang classroom niya. “Saan ba dito ang 4-A?” Wala sa sarili na tanong niya habang palinga-linga. Naglakad siya sa isang hallway at isa-isang binasa ang nakasulat sa pinto. Hanggang sa makita niya ang Room 4-A. Lihim siyang nagpasalamat na nakita niya iyon agad. Pagpasok niya ay medyo natigilan pa siya nang malaman niyang may guro na pala sa unahan at lahat ng estudyante ay nakaupo na sa armchair. Hindi niya tuloy malaman ang gagawin at sasabihin nang mapunta sa kanya ang halos lahat ng mata sa silid na iyon. “G-good morning po. Sorry po if I’m late…” nahihiyang sabi ni Angela habang nakatingin sa babaeng guro. “Ikaw ba si Miss Angela Bernal? The new student?” tanong ng guro. Sa tantiya niya ang nasa mid-40’s na ito. Medyo payat at medyo maganda rin. “Ako nga po…” “Come in.” Pumasok siya sa classroom. “At dahil nandito ka na rin sa unahan, please, introduce your self, Miss Bernal.” “Okay po, teacher…” Humarap siya sa magiging kaklase niya at pilit na kinalaban ang kaba. Isa ito sa pinaka ayaw niya kapag first day of school lalo na’t new student ka-- ang pagpapakilala sa harapan. “Hi. Ako si Angela Bernal, fifteen years old at nakatira ako sa Rizal Park Subdivision.” Tahimik ang lahat. “Are you done, Miss Bernal?” “Y-yes po, teacher.” “You may take your seat now. Pumili ka na lang ng bakanteng upuan diyan. By the way, ako si Teacher Salome.” Tumalikod na ang guro nila dahil may isusulat ito sa blackboard. Naghanap na siya ng bakanteng upuan. Agad naman siyang nakakita ng limang upuan na nasa pinakahuli at talagang nasa gitna pa. Sa huling row ay iyong limang upuan lang ang naroon. Doon na lang siguro siya uupo. “Excuse me…” aniya habang naglalakad sa gitna. Feeling niya ay nakatingin sa kanya ang lahat. Sa wakas ay nakaupo na rin siya. Inilabas na niya ang kanyang ballpen at notebook. Natigilan siya nang mapansin niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lahat. Alanganing ngumiti si Angela. “B-bakit kayo nakatingin?” tanong niya. “Oh my, God! Angela! Huwag kang umupo diyan--” Natigilan si Teacher Salome nang limang babae ang biglang pumasok sa clasroom. Maiingay ang mga ito at nagtatawanan. Hindi pwedeng magkamali si Angela. Ang mga babaeng iyon ang bumangga sa kanya kanina sa gate! So, kaklase niya pala ang mga matataray na iyon? Biglang nagtama ang mata nila ng nasa gitna at nanlilisik ang mga mata na nilapitan siya nito. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siya nitong sinampal at hinila patayo. Itinulak pa siya nito dahilan para matumba siya. Pagtingala niya ay sumalubong sa mukha niya ang kanyang bag at mga gamit. “You!” Gigil na dinuro siya nito. “Sino ang nagbigay sa iyo ng permission para umupo sa upuan namin?!” Sa sobrang pagkabigla ay hindi nakasagot si Angela. Tumingin siya sa kanilang guro para magpasaklolo pero tumalikod lang ito ulit at nagsulat sa blackboard. Kahit ang mga kaklase niya ay umiwas ng tingin sa kanya. Hanggang sa pati ang apat pang babae ay lumapit sa kanya. Tinignan niya ang lima isa-isa. Para siyang isang alipin na nakatingala sa pinagsisilbihang mga reyna. May napansin siya na brooch sa kaliwang dibdib ng mga ito. Isang brooch na ang design ay isang korona na kulay gitno at may tila maliliit na brilyante pa. Marahang tumayo si Angela at sinamsam ang kanyang mga gamit. “I think she’s the newcomer kaya hindi niya tayo kilala…” sabi ng isang babae na nasa tabi. “Wala akong pakialam! Dapat nagresearch muna siya bago siya pumasok dito!” Dinampot ng babaeng nasa gitna ang inupuan niya at ibinato iyon sa kanya. Napa-aray siya nang tamaan siya sa kanyang paa. “Linisin mo ang chair ko, b***h! Sabunin mo! Paliguan mo ng alcohol!” “A-ano? Hindi naman 'yan madumi. Inupuan ko lang naman iyan, e.” Pangangatwiran niya. “Ang sabi ko… linisin mo. Ayokong dumikit sa katawan ko ang bacteria na meron ka.” “Ang arte mo naman--” “Angela!” Tawag ni Teacher Salome. “Linisin mo na lang. Sa likod ng canteen, may gripo doon. Go.” Nagtataka man kung bakit tila takot ang lahat sa limang babae na iyon ay sinunod na lamang ni Angela ang gusto ng babae. Mabibigat ang mga paa na lumabas siya kasama ang upuan. Nagpunta siya sa likod ng canteen at nakita niya doon ang isang gripo. May timba din at sabon. Pinuno niya muna ng tubig ang timba at inumpisahang linisan ang upuan kahit wala naman iyong dumi. “Ang arte naman ng babaeng iyon! Ang sarap sabunutan ng luka-luka!” Himutok niya habang kinukuskos ang upuan. Nang matapos na siya ay humingi siya ng basahan sa canteen at pinunasan ang upuan para matuyo iyon. Bumalik na siya sa classroom at inilagay ang upuan sa dati nitong kinalalagyan. “'Ayan na ang upuan mo, mahal na reyna!” aniya. “Inaasar mo ba ako?” Nag-crossed arms ang babae sa kanya. “Hindi mo talaga kami kilala, b***h! Magresearch ka para naman manginig ka kapag nalaman mo kung sino kami!” Maarteng umupo ang babae sa upuan nito habang siya naman ay nanggigigil dito. Luminga siya at nang makita siyang nag-iisang bakanteng upuan sa gitna ay doon na lang siya umupo. “Okay ka lang ba?” Napalingon siya sa babaeng katabi niya. Ngumiti ito sa kanya. Maputi ang babae at mukhang mabait. “Ewan ko!” naiiritang sagot niya. Kinalma niya ang sarili sa pamamagitan nang paghinga ng malalalim. “Hindi mo dapat sila binabangga. By the way, my name is Chelsea. You are Angela, right?” Tumango siya bilang pagsagot. “Nice to meet you!” “Same here… Teka, bakit nasabi mo na hindi ko dapat sila binabangga? Sila ba ang may-ari ng school na ito?” “Exactly! Sila nga…” “Ano? Paano?” Hindi makapaniwala si Angela sa kanyang nalaman. “Basta. Mamaya iku-kwento ko sa iyo.” Napapailing na nilingon ni Angela ang limang babae sa likuran. Mukhang mali nga siya ng binangga. Ngayon pa lang ay kinakabahan na siya… TO BE CONTINUED…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook