bc

Chains

book_age0+
1.2K
FOLLOW
5.5K
READ
dark
drama
tragedy
twisted
like
intro-logo
Blurb

Tatlong babae ang kinidnap ng isang lalaki. Ikinulong, inaabuso at pinahihirapan... Magawa kaya nilang takasan ang kadenang nakatali sa kanila?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
NAGKAKAGULO ang mga tao sa labas ng isang bahay na may kalakihan. Maraming media, pulis at mga nakikiusyuso lang. May isang helicopter na lumilipad at paikot-ikot sa bahay. Isang babae na halos buto’t balat na at maputla ang balat ang dinudumog ng mga reporter para tanungin. Lahat ay gustong makausap o mainterview ang naturang babae. Gustong mauna sa scoop. “Tabi! Tabi! Tabi!” sabi ng isa sa dalawang pulis na umaalalay sa babaeng iyon papunta sa ambulansiya. Ngunit hindi sila makausad ng mabilis dahil sa kapal ng tao. Akala mo ay may concert ang isang sikat na singer o banda sa sobrang dami ng tao na naroon. Nakayuko lang ang babae habang may nakasaklob na jacket ng pulis sa kaniyang ulo. Hindi pa siya ganoon kasanay sa liwanag. Hindi pa rin niya kayang makipagtitigan sa mga tao dahil natatakot siya na gawin iyon. Nabibingi na rin siya sa ingay na gawa ng samo’y saring sinasabi ng mga taong naroon. “Anong pakiramdam na ngayon ay malaya ka na?” “Ano ang nangyari sa iyo sa loob?” “Totoo bang naglayas ka at hindi ka naman talaga nakidnap?” “Ano ang nararamdaman mo at pagkatapos ng halos sampung taon ay nakita ka na?” Ilang lang iyon sa mga maraming tanong ng mga reporter sa kaniya. “Tumabi muna kayo! Saka niyo na siya tanungin kapag naka-recover na siya!” bulyaw ulit ng pulis sa mga reporter. Tila nakinig naman ang ilan kaya pinadaan na sila ng mga ito hanggang sa makapasok na siya sa ambulansiya. Doon ay isang babaeng nurse ang agad na tumabi sa kaniya at tiningnan ang kaniyang mata. Umawang ang bibig niya. May gusto siyang sabihin. “M-may… m-may…” Nanginginig ang boses niya sa sobrang takot. Kumunot ang noo ng nurse. “Ano `yon?” “M-may kasama pa ako sa loob ng bahay,” deklara niya. TEN YEARS EARLIER... “MAMA, ayokong mag-audition, okay? Ayokong mag-artista! Wala akong talent kaya hindi ko talaga linya ang showbiz. Ang gusto ko ay mag-aral ng nursing pagkatapos ko ng high school!” Nagdadabog na sabi ni Irene sa kaniyang ina. Nagmamadali itong umuwi sa bahay nila na silang dalawa lang ang nakatira. Agad siya nitong pinuntahan sa maliit niyang kwarto habang siya ay nag-aaral para sa nalalapit nilang pagsusulit sa eskwelahan. Nasa isang maliit na baranggay iyon sa probinsiya ng Laguna sa bayan ng Calamba. Simple lang ang buhay nila kahit silang dalawa lang ang magkasama sa buhay. Mag-isa siyang binubuhay ng kaniyang ina sa pamamagitan ng pagbebenta nito ng ulam sa mga nagtatrabahong call center agent. Nagluluto ito ng ulam at may mga suki na ito na dito bumibili. Minsan naman ay suma-sideline ito bilang manicurista. Alam ni Irene kung bakit siya pinag-aartista ng nanay niya. Maganda daw siya. Nakuha niya ang ganda niya sa ama niyang Russian na matapos mabuntis ang nanay niya ay hindi na dito nagpakita. Sa hiya ng nanay niya dahil sa nabuntis ito ng walang asawa ay umalis ito sa poder ng tita at tito nito na siyang nagpapa-aral dito noon. Ulila na rin kasi ang nanay niya sa magulang. Sa Laguna napadpad ang nanay ni Irene at dito na ito nagsimula ng bagong buhay. Isa pang dahilan ng nanay ni Irene ay malaki daw ang kinikita sa pag-aartista. Mababago daw niyon nag buhay nilang dalawa. Ngunit ayaw talaga ni Irene ang ganoong trabaho. Hindi naman sa minamaliit niya ang mga artista pero bukod sa wala naman siyang talento ay mas gusto niya talaga ang mag-nurse. Gusto niyang makatulong sa mga may sakit at mapagaan ang loob ng mga ito. “`Ayan ka na naman, Irene! `Di ba, ang sabi no’ng talent scout basta maganda ka at may hatak ka sa tao, kahit wala kang talent ay okay lang. Handa ka naman daw nilang gastusan sa mga workshop, e. Ano pang ayaw mo? Iyang pagna-nurse mo, hindi niyang tayo maiaahon sa hirap. Mag-isip ka naman, Irene!” “Nag-iisip po ako, mama. At ang gusto ko ang maging nurse. Pasensiya na pero ayoko talagang mag-artista!” giit niya. “Hay! Ewan ko sa iyo! Basta, magbihis ka na at sasamahan kitang mag-audition doon sa teleserye na sinasabi no’ng talent scout na nakakita sa iyo. May backer ka na doon kaya lang kailangan ay kunwaring dumaan ka sa audition para walang masabi iyong ibang tao. Bilisan mo! Bibili lang ako ng sabon sa labas. Dapat pagbalik ko ay nag-aasikaso ka na!” Hindi na siya nakapagsalita dahil umalis na ang nanay niya. Malungkot na naiwan si Irene. Sa totoo lang ay naririndi na siya sa pagpilit ng nanay niya na mag-artista siya. Bakit ba kasi hindi nito maintindihan na hindi iyon ang daan na gusto niyang tahakin? Naiinggit tuloy siya sa mga kaklase niya na suportado ng mga magulang nito. Kapag nagkukwentuhan sila tungkol sa mga kursong kukunin nila ay hindi na lang siya nagsasalita dahil hindi naman siya suportado ng nanay niya sa gusto niya. Minsan tuloy ay naiisipan na lang niya na maglayas. Matagal na niya iyong gustong gawin. Iyong pupunta siya sa malayong lugar gaya ng ginawa ng nanay niya tapos mabubuhay siya ng wala siyang iniisip kundi ang sarili lang niya. Iyong wala siyang dapat sundin na nanay. Huminga ng malalim si Irene. Wala naman siyang pagpipilian sa ngayon kundi ang sundin ang nanay niya. Itinigil na niya ang kaniyang pag-aaral at tumayo na para maligo. Matapos niyang maligo ay dumating na rin ang nanay niya. “Magbihis ka ng maganda! Sa direktor ka ng teleserye haharap kaya dapat maganda ka!” pahabol na paalala ng nanay niya bago siya pumasok sa kaniyang kwarto. Bagsak ang balikat na isinara ni Irene ang pinto ng kaniyang silid. Isang simpleng bestida ang napili niyang suotin. Naglagay lang siya ng pulbo sa mukha at lipgloss naman sa labi. Hinayaan lang niyang nakalugay ang kaniyang buhok matapos niya iyong tuyuin. Flat shoes lang ang isinuot niyang sapin sa paa. Matapos magbihis ay lumabas na siya ng kwarto at humarap sa kaniyang ina. “Diyos ko ka, Irene! Ano ba iyang suot mo? Sa simbahan ka ba pupunta?! Late na tayo! Ano ba?! Magpalit ka!” Naiinis na bulyaw ng nanay niya sa kaniya. “Ano bang gusto ninyong suotin ko?” “Iyong sexy. Iyong kita ang balat mo! Saka mag-make-up ka naman. Mukha kang bangkay, anak! Saka iyang sapatos mo, hindi ka na Grade One. Suotin mo `yong mataas ang takong. Nag-invest ako ng mga damit mo para sa pag-aartista mo kaya iyon ang suotin mo kapag may audition ka! Bilisan mo na! Magpalit ka na!” Napipilitan man ay nagpalit na lang si Irene ng damit na alam niyang magugustuhan ng kaniyang ina. Isang maikling palda at haltered blouse. Naglagay na rin siya ng make-up at isinuot ang sinasabing sapatos ng nanay niya. Tuwang-tuwa naman ang nanay niya nang makita siya. Hinila na siya agad nito paalis ng kanilang bahay at sumakay sila ng taxi papunta sa lugar kung saan ginaganap ang auditon. “Mama, bakit nag-taxi pa tayo? Akala ko ba wala na tayong pera?” bulong ni Irene sa ina. “E, hayaan mo na. Nakapangutang naman ako sa ninang mo. Saka mas maganda kung naka-taxi tayo at baka ma-haggard ka kapag dumating na tayo doon.” “Nanguntang na naman kayo kay ninang? Hindi niyo pa nababayaran iyong last na utang ninyo sa kaniya, `di ba? Nakakahiya na sa kaniya!” “Okay lang sa kaniya. Suportado ka naman niya sa pag-aartista mo, e. Saka ang sabi ko sa kaniya ay babayaran naman natin siya kapag nagsimula ka nang kumita sa pag-aartista mo.” Hindi na nagsalita pa si Irene hanggang sa marating na nila ang isang studio kung saan ay naroon daw ang direktor at ang talent scount na nakakita sa kaniya sa mall nang minsan ay sumama siya sa nanay niya na bumili ng damit nito. Pagbaba pa lang nila ng taxi ay sinalubong na sila ni Rafael-- ang talent scout. Matangkad na lalaki si Rafael at nasa early thirties pa lang ito. May hitsura ito pero mukhang may asawa na. Napansin kasi ni Irene ang suot nitong singsing na sa wari niya ay wedding ring. Anito ay wala pa sa studio iyong dirketor pero kailangan na niyang kunan ng litrato para makita ng direktor kung photogenic ba siya. “Okay na ba iyang suot ni Irene, Rafael?” tanong ng nanay niya nang nasa loob na sila ng studio. Tiningnan siya ni Rafael mula ulo hanggang paa. Naiilang siya sa paraan ng pagkakatingin nito na para bang hinuhubaran na siya nito. Tumango-tango ang lalaki. “Okay na iyan. Kukunan ko lang naman siya ng picture,” anito. “Sige, kunan mo na ng picture ang anak ko. Baka biglang dumating si direk.” “Ah, Irene, sumunod ka na lang sa akin.” “Pwede ba akong sumama?” Excited na tanong ng nanay niya. “Naku, hindi po, e. Kami na lang po ni Irene at maliit lang ang studio ko dito.” “Ah, sige. Hintayin ko na lang kayo dito.” Tumingin si Irene sa nanay niya habang nakasimangot. Hindi niya alam pero parang may nararamdaman siyang hindi maganda kay Rafael. Sa mga tingin pa lang nito ay parang nagtataasan na ang balahibo niya. Pinanlakihan lang siya ng mata ng nanay niya pero agad ding ngumiti nang makita ito ni Rafael. “Sumama ka na. Pipicturan ka lang naman, e.” Pagtataboy ng nanay niya sa kaniya. Upang matapos na ang lahat ay sumama na lang si Irene kay Rafael sa isang kwarto na sinasabi nitong studio. Ini-lock ng lalaki ang pinto. “Umupo ka na doon,” anito sabay turo sa isang tall chair na sa harapan ay may camera. Ang background niya ay isang kulay puting tela. Kinakabahan at hindi mapakali na umupo si Irene sa tall chair at tumingin sa camera nang pumwesto na rin si Rafael para kunan siya ng litrato. Pinangiti siya nito na ginawa naman niya. Ngunit alam niya na hindi maayos ang ngiti niya dahil nga sa kinakabahan siya. Hindi pa rin kasi maalis-alis sa utak niya iyong pagtingin ni Rafael sa kaniya. Hindi iyon napansin ng nanay niya pero nakita niya iyon. Ayaw man niyang isipin pero parang may pagnanasang kasama ang hagod ng mata ng lalaki sa kaniya. “You look tensed, Irene…” ani Rafael at nilapitan siya nito. Hinawakan siya nito sa balikat na naging dahilan para kilabutan siya. “Relax, okay? Wala akong gagawing masama sa iyon. Ngumit ka lang ng maayos and relax.” Nakangiti siyang tumango at bumalik na ulit ito sa camera. Ilang beses siya nitong kinunan ng picture. Ang akala niya ay tapos na ang lahat pero hindi pa pala. Pinahuhubad kasi ni Rafael ang pang-itaas niya para daw maipakita nito sa direktor ang katawan niya. “Kailangan po ba iyon? H-hindi naman po sexy iyong teleserye, `di ba?” tanong niya. “Hindi nga. Pero gusto lang makasiguro ni direk na walang peklat o tattoo iyong bida. Sige na. Saglit lang naman ito.” Huminga nang malalim si Irene at sinunod na lang niya si Rafael. Hinubad na niya ang suot na blouse kaya bra na lang ang natirang pang-itaas niya. “Ang laki pala ng dibdib mo kahit fifteen ka pa lang…” Mahinang sabi ni Rafael na hindi nakaligtas sa tenga niya. “Po?” Hindi makapaniwalang react niya. Nabastusan siya nang husto sa sinabi nito. Hindi pinansin ni Rafael ang reaksiyon niya. Nag-thumbs up lang ito at muli siyang inutusan. “Iyong palda mo naman. Hubarin mo…” Nanlaki ang mata ni Irene. Hindi na niya kayang sundin ang sinabi nito. Bumaba na siya sa tall chair at nagmamadaling isinuot ang blouse. Ayaw na niya. Bahala na kung mapagalitan man siya ng nanay niya sa gagawin niyang pagback-out. Hindi naman siya makakapayag na pagsamantalahan ng lalaking ito! Alam niyang kalabisan na ang ipahubad nito ang blouse niya pero pati ba naman palda niya ay ipapagaw nito? “Hey! Anong ginagawa mo? Hindi pa tayo tapos!” pigil ni Rafael sa kaniya. “Ayoko na po. Hindi ko na kaya ang pinapagawa ninyo. Uuwi na lang kami ng nanay ko!” sabi niya at dire-diretso niyang tinahak ang pinto palabas. Nagulat si Irene nang biglang humarang si Rafael sa daraanan niya. “Ayaw mo bang maging sikat na artista, Irene? Maganda ka, bata at mukhang masarap. Ibigay mo lang ang gusto ko at kaya kitang ibida sa lahat ng sikat na direktor at networks. Kikita ka ng malaking halaga ng pera. Ayaw mo ba?” Nakangisi nitong sabi. Sinasabi na nga ba niya. Tama ang kabang nararamdaman niya kanina pa. May ibang binabalak ang talent scout na ito sa kaniya. “Hindi ko po gustong maging artista. Ang nanay ko lang ang may gusto no’n. At kung gagawin niyo akong sikat pero katawan ko lang din naman ang kapalit, `wag na lang po. Kaya paraanin niyo na po ako at aalis na kami!” mariin niyang sabi. “Ang dami mong arte, a!” inis na bulyaw ni Rafael sabay hawak sa kaniyang mga kamay. “Pagbigyan mo lang ako kahit isang beses lang. Babayaran na lang kita ng malaki kung ayaw mo naman palang mag-artista!” Labis ang kilabot na naramdaman ni Irene. Kung inaakala ng lalaking ito na hindi siya lumalaban ay nagkakamali ito. Bumwelo siya at malakas niyang tinuhod ang p*********i nito. Napangiwi ito sabay luhod habang sapo ang nasaktang p*********i. “Putang ina mo!!!” sigaw ni Rafael habang namimilipit sa sakit. “Umalis ka na! `Tang ina ka!” Patuloy na mura nito. Nanginginig ang buong katawan na lumabas si Irene. Namumula din ang mukha niya sa sobrang galit. Unang beses niya kasing maranasan ang ganoon na may isang lalaking nang-harras sa kaniya ng harapan. Hindi man lang ito nagdalawang-isip na kasama niya ang kaniyang nanay. Pagkalabas niya ng studio ni Rafael ay excited at nakangiti siyang sinalubong ng kaniyang nanay. “Tapos na ba? Patingin ng pictures! Maganda ba?” Agad nitong tanong sa kaniya. “Uuwi na po tayo! Bastos po ang Rafael na iyon. Gusto niya po akong gawan ng kahalayan, mama. Kapalit ay ang pagsikat ko!” Naiiyak niyang sumbong. Sandaling natigilan ang nanay niya. Pagkuwan ay bigla siya nitong pinalo sa braso. “Ano ka ba naman?! Bakit hindi ka pa pumayag, Irene? Ganiyan talaga sa showbiz. Kailangan mong kumapit sa mga may kapangyarihan para sumikat ka! Tatanga-tanga ka talaga! Diyan ka lang at kakausapin ko si Rafael!” Akmang papasok ang nanay niya sa studio pero mabilis niyang hinawakan ang kamay nito para pigilan. “Mama, ayoko po talaga! Umuwi na lang tayo! Sana naman makinig kayo sa akin sa pagkakataon na ito!” Sa labis na sama ng loob ng nanay niya sa sinabi nito ay napaiyak na si Irene. Hindi siya makapaniwala na kaya siya nitong ibenta dahil lang sa pangarap nito para sa kaniya. “Hindi tayo uuwi, Irene! Sa akin ka makikinig ngayon!” “Sige! Kausapin ninyo ang hayop na Rafael na iyon!” aniya sabay bitiw sa nanay niya. “Kung gusto ninyo, kayo na rin ang magpagamit sa kaniya at kayo na rin ang mag-artista!” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Irene mula sa kaniyang ina. Tigalgal siya habang nanlalaki naman ang mata nito sa kaniya. “Bastos kang bata ka! Ginagawa ko lang ito para magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Ayaw kong matulad ka sa buhay na meron ako, Irene! Tapos ganiyan pa ang salitang makukuha ko sa iyo? Wala kang utang na loob!” “Bahala ka na, mama! Kung ipipilit mo sa akin na gawin ang gusto ng hayop na Rafael na iyon sa akin, kalimutan ninyo na lang na anak niyo ako!” sigaw ni Irene sabay takbo palabas ng lugar na iyon. “Irene! Bumalik ka dito!” tawag ng nanay niya pero hindi niya iyon pinakinggan. Isang jeep ang eksantong dumaan ng makalabas na siya. Agad niya iyong pinara at sumakay siya doon. Walang tigil sa pag-iyak si Irene habang bumabyahe siya pauwi. Pagkadating niya sa kanilang bahay ay agad niyang inempake ang mga gamit at damit niya. Wala nang dahilan para manatili siya sa poder ng kaniyang ina. Hindi na niya kaya ang mga pinapagawa nito sa kaniya. At masakit din na kaya siya nitong ibenta sa ibang tao. Noon ay naiintindihan niya kung bakit gusto siya nitong mag-artista pero ngayon ay hindi na. Sinong matinong ina ang hahayaan na ipagamit ang sarili nitong anak? Labis ang pagdaramdam niya sa sarili niyang ina dahil doon. Matapos niyang mailagay lahat sa isang bag ang sa tingin niya ay kailangan niya, umalis na agad siya ng bahay nila. Muli siyang sumakay sa isang jeep nang hindi tinitingnan kung saan iyon papunta. Ang tanging nasa isip lang niya ay ang makalayo sa nanay niya para hindi na nito madiktahan ang buhay niya… “MISS, gising… Miss?” Ang mahihinang tapik at boses ng isang lalaki ang gumising kay Irene. Napabalikwas siya ng bangon at luminga sa kaniyang paligid. Naroon pa rin siya sa jeep na sinakyan niya kanina at mukhang nakatulog na siya doon. Madilim na ang paligid. Pagtingin niya sa kaniyang harapan ay napausog siya paatras dahil may isang lalaki doon. Mukhang iyon ang gumising sa kaniya dahil ito lang naman ang tao na naroon. “S-sino ka?” Kinakabahan niyang tanong. Simula nang mangyari iyong ginawa sa kaniya ni Rafael sa studio nito ay nawalan na siya ng tiwala sa mga hindi niya kilalang lalaki. Pakiramdam niya tuloy ay gagawan siya ng mga ito ng hindi maganda. “Ako si Norman. Driver ako ng jeep na ito. Pasahero kita kanina. Tapos nakatulog ka na. Hinayaan na lang kita pero gagarahe na kasi ako kaya ginising na kita. Pasensiya ka na…” Mahinahon nitong sabi. Sa tingin ni Irene ay nasa edad na treinta ang lalaki. Maputi ito at maaliwalas ang mukha. Medyo may katabaan pero hindi naman sobra. Chubby lang, kumbaga. Kahit nakaupo ito ay masasabi niyang may katangkaran ang taas nito. “G-ganoon po ba? Sorry din. Akala ko po kasi ay…” Hindi na lang niya itinuloy ang sasabihin. “Sige po. Aalis na ako.” Kinuha niya ang dalang bag at isinukbit iyon sa likod. “Sandali lang!” pigil ni Norman sa kaniya. “Naglayas ka ba sa inyo?” “Wala na po kayong pakialam kung naglayas man ako,” sabi niya. “Alam mo kasi, delikado na ang oras. Gabing-gabi na. May matutuluyan ka ba? Kung gusto mo, diyan ka na muna sa bahay ko magpalipas ng gabi. Tapos bukas, kapag maliwanag ka na umalis. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ako masamang tao. Nag-aalala lang ako sa iyo lalo na at babae ka tapos mag-isa pa.” Umiling siya. “Salamat na lang. Hindi na lang po.” At hindi na siya nagpapigil pa dito. Kung akala nito na madaling makuha ang tiwala niya ay nagkakamali ito. Bumaba na siya ng jeep ni Norman. Pagbaba niya ay doon niya nalaman na kakaunti lang ang bahayan doon. Tapos may isang daan na halos hindi na niya makita dahil sa sobrang dilim. Wala man lang mga poste ng ilaw sa lugar na iyon. Desisyon ko ang maglayas kaya dapat ko itong panindigan! Ani Irene sa kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim at nilakasan ang loob na naglakad sa kadiliman. Hindi ganoon kaayos ang daan kaya minsan ay natatapilok siya. Hanggang saan ba ang daan na ito? Natatakot niyang tanong sa isip. Sana naman ay marating na niya ang dulo at makabalik na siya sa highway.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.5K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.8K
bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook