bc

Ang Tunay na Pag-ibig ni Graciella

book_age18+
1.5K
FOLLOW
5.3K
READ
sex
one-night stand
fated
playboy
independent
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magagandang kuwentong isinusulat niya ang kanyang love life. Isa siya sa mga taong allergic sa salitang “commitment” at “relationship.” Paano ba naman, sinalo na yata niya ang lahat ng kamalasan sa pag-ibig. Hindi niya maintindihan kung ano ang mali sa kanya at lagi na lang siyang niloloko at iniiwan ng mga lalaking minahal niya. Hanggang sa nakilala niya ang certified hot bachelor na si Tristan. Dahil sa isang pustahan, they ended up sleeping together. Ang akala niya ay hanggang doon lang iyon. After all, wala silang relasyon, walang emosyong involved. Pero nang pagtagpuin uli sila ng tadhana, they realized that they felt a “magical spark.” Naulit ang mainit na tagpo sa pagitan nila.

Subalit hanggang kailan siya makokontento sa ganoong set-up nila?

chap-preview
Free preview
Chapter One
IPINARK ni Graciella ang Toyota Vios niya sa parking space sa labas ng four-storey building ng Romantic Hearts Publishing. Ipinusod niya ang lampas balikat na buhok bago bumaba ng kotse bitbit ang kanyang handbag at ang mga pasalubong para sa mga kaibigan niyang staff. Mag-iisang buwan na buhat nang huli siyang naparito. Pumupunta lang naman siya roon kapag kukuha siya ng tseke na bayad sa kanyang mga isinusulat na nobela. Isa siyang romance writer. Bukod sa pagma-manage ng sariling restaurant ay iyon ang isa pa niyang pinagkakaabalahan. Dumiretso siya sa third floor kung saan naroon ang editorial section, pati na rin ang opisina ng publisher nilang si Mariano Lopez. Ang matandang lalaki ang siyang inspirasyon niya sa career na ito, matagal na niya itong hinahangaan dahil sa husay nito sa pagsusulat. Pero hindi tulad ni Mariano na ang sinusulat na mga nobela ay tungkol sa napapanahong issue ng lipunan, siya naman ay nahilig magsulat ng mga romantic stories. "Good morning, Miss Graciella," nakangiting sabi ni Tina, isa sa mga editors doon. Binati rin siya ng iba pang staff, nakangiti naman na ginantihan niya ang mga iyon. Lumapit siya sa lamesa ni Tina. "Nand'yan ba si Sir Mariano?" tanong niya rito. "Oo, naroon sa office niya." "Sige, thank you," aniya at iniabot rito ang dalang paperbag. "Ikaw na ang bahalang mag-distribute niyan ha. Para sa inyong lahat 'yan."  "Wow! Thanks, Miss Graciella," sabi ni Tina nang makita ang iba't-ibang Pili products na laman ng bag. Iniwan na niya ang babae at naglakad patungo sa opisina ng publisher. Kumatok muna siya sa pinto bago iyon binuksan. Napa-angat ang mukha ng mestisuhing lalaki na naroon nang pumasok siya sa loob ng opisina. Nasa late fifties na si Mariano pero mukha itong bata para sa edad nito. Agad na ngumiti ang may-edad na lalaki pagkakita sa kanya. "Good morning, Sir," nakangiti niyang bati rito. "Ciella!" Tumayo ito at sinalubong siya.  Hinagkan niya ito sa pisngi bago yumakap rito. Malapit ang loob niya sa may-edad na lalaki, katunayan ay parang tatay na rin ang turing niya rito. Mabait at maalaga kasi si Mariano sa mga writers at staff nito. "Kumusta `yong bakasyon mo?" Bumitiw muna siya sa pagkakayakap nito bago sumagot. "Enjoy naman kahit medyo ini-stress ninyo ako ng editor ko," kunwari ay nanghahaba ang nguso na sabi niya. Habang nasa Caramoan Island siya sa Bicol nitong nakaraang linggo ay walang tigil ang editor niya sa kaka-follow up sa mga manuscript niya. Nasa bakasyon siya pero ang cellphone at laptop din naman niya halos ang palagi niyang kaharap.  "I'm sorry, inaabangan na kasi ng mga readers ang bago mong series," ani naman ng lalaki at bumalik na ito sa upuan sa likod ng lamesa nito. "Nakita mo ba `yong mga message at comments nila sa website natin?"  Tumango siya. "Don't worry, sabay-sabay ko na lang na isa-submit 'yong last three books by next week para ma-schedule na rin natin ang launching." Naupo siya sa upuan sa harap ng lamesa nito. Ngumiti lang si Mariano habang kinakalkal ang isang file ng mga papel. "Kumusta pala po si Ma'am Noemi?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang asawa nito. Napansin niya na nawala ang ngiti ni Mariano. "Busy sila sa pagpi-prepare ng kasal ni Charm," matabang na sagot nito. Napailing siya. "Mukhang hindi mo pa rin tanggap na mag-aasawa na si Charm." "Sino ba ang makakatanggap no'n kaagad-agad? Twenty-one pa lang si Charm pero ayon at mawawalay na agad sa amin," bakas sa tinig nito ang bigat ng dibdib. Alam niyang napilitan lang itong pumayag na ipakasal ang anak dahil buntis na ito. "Wala na rin naman ho kayong magagawa, nariyan na 'yan, eh. Saka mabuti nga na pananagutan naman ng lalaking iyon si Charm. Ang mahalaga masaya ang anak ninyo," wika niya at tipid na nginitian ito. "At saka unang apo ninyo `yong dinadala niya. Tiyak na kapag lumabas na ang anak ni Charm at makita mo siya, mawawala na rin 'yang hinanakit mo doon sa dalawa." Nagbuntong-hininga ito pagkatapos ay marahan na tumango. "You're right. Pero ang inaasahan ko kasi sa 'yo ako unang magkaka-apo," anito at iniabot sa kanya ang ilang mga papel. Siya naman ang nawala ang ngiti. "Ako na naman ang nakita n'yo," aniya na pairap na binawi ang tingin rito. "Bakit? Twenty-eight ka na, kung tutuusin nasa tamang edad ka na nga para magkaroon ng sarili mong pamilya," pakli naman nito. Hindi siya kumibo. Dinampot niya ang isang ballpen na nasa ibabaw ng lamesa ng lalaki at sinimulang pirmahan ang mga papel na ibinigay nito sa kanya. "Seriously, Graciella... hanggang ba ngayon wala ka pa rin balak makipag-relasyon ulit. You're not even going out for a date?" Kunot-noong tiningnan niya ito. "Tatlong taon pa lang naman akong walang boyfriend, ah. And who says that I am not dating?" Tinitigan siya ni Mariano, bakas sa mukha nito na hindi ito kumbinsido sa sinabi niya. Totoo naman ang sinabi niya. May mga ilang manliligaw naman siya na ini-entertain kahit papaano. Lumalabas siya kasama ang mga ito, pero hanggang dinner, movies at pagpunta sa bar lang iyon. Wala sa isip niya ngayon ang sumeryoso sa pakikipagrelasyon. "Bakit kasi hindi mo pa pagbigyan si David?" pagkuway ay sabi nito. Agad na nagusot ang mukha niya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na he's not my type!" Si David ay isa sa mga accounting staff nila na matagal nang ipini-pair ng matanda sa kanya. Guwapo ang lalaki pero hindi naman niya gusto ang ugali nito, may kayabangan kasi si David. "Lahat naman hindi mo type," naiiling na sabi ni Mariano. "Nawalan ka na ba talaga ng interes sa mga lalaki?" Iniabot niya sa lalaki ang mga papel pagkatapos niyang pirmahan ang mga iyon. "Sobra naman kayo. Hindi naman sa nawalan ng interes, sabihin na lang natin na mas masarap lang talaga ang buhay nang walang inaalala. Sa ngayon ayoko muna ng problema or complications," aniya na nagkibit-balikat pa. "Hindi naman lahat ng lalaki katulad ng mga ex mo," ani Mariano. Alam nito lahat ng mga pinagdaanan niya sa pag-ibig, kilalang-kilala na siya nito dahil eighteen years old pa lang siya ay writer na siya roon. Nagkibit-balikat siya. "Pero mahirap na hong maghanap ng matinong lalaki ngayon. I don't want to commit another mistake. Namumuro na ako sa mga palpak kong desisyon when it comes to that thing. So for now, ipapahinga ko naman muna ang puso ko," aniya at kinindatan pa ito.  Napailing ito pero hindi na nagsalita. Hindi naman siya bitter sa mga nangyari sa past relationships niya, naka-move on na siya pero hindi pa siya handa na pumasok sa panibagong relasyon. Masaya at kontento siya sa buhay niya ngayon kahit wala siyang love life. At least tahimik naman ang buhay niya. Tumayo na siya. "I'll go ahead, Sir. Alam ko namang busy ka, so `di na po kita masyadong iistorbohin. Hintayin ko na lang ang invitation ko ha." "Okay. Be Safe, Hija," anito na bahagya pang tumango. KAGAT-KAGAT ni Graciella ang kanyang labi habang nakatutok ang mga mata sa screen ng laptop niya. Mabilis ang pagtipa ng kanyang mga daliri sa keyboard habang nakasalampak siya sa sahig at nagsusulat.  Napatigil siya sa ginagawa nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Tumayo siya at tinungo ang dining table kung saan niya iyon ipinatong habang nagcha-charge. "Nang-iistorbo ka na naman," bungad niya sa nasa kabilang linya. "Sobra ka! Namiss lang naman kita kaya ako tumawag, eh," sabi ng kaibigan niyang si Rosemarie. Inalis niya sa pagkaka-charge ang cellphone at muling naupo sa harap ng laptop. "Huwag mo nga akong echusin! For sure magyayaya ka lang na lumabas kaya ka tumawag. Sorry, I'm busy. May tinatapos akong manuscript." "Ano ba 'yan?! Hindi muna ako pinagsalita, inunahan na talaga ako." Hindi siya nagsalita.  "Ano ka ba, wala ka ba talagang balak ipahiram sa iba ang titulo mo as 'most productive writer'? Aba girl, nakakalimang taon na sa `yo ang titulong `yon, ah! Pasok ka na sa hall of famer! Partida may inaasikaso ka pang negosyo niyan, ha!" Limang taon na nga na siya ang nakakatanggap ng award na sinasabi ng kaibigan. Taon-taon kasi ay hindi pa bumaba ng limampu ang nasusulat niyang nobela. Siya nga raw ang pinakamasipag na manunulat ng RHP. "Puro na lang trabaho ang laman ng utak mo! Kahit nasa bakasyon ka, pagsusulat pa rin ang inaatupag mo. Pahi-pahinga rin naman kapag may time. Tingnan mo ako, pagkakatapos ko ng isang manuscript, relax muna. Eh, ikaw talo mo pa ang may limang anak na pinapa-s**o sa sipag mo, eh," patuloy pa ng babae. Nakilala niya ang babae sa RHP, tulad niya ay isa rin itong writer. Madalas silang nagkakasama noon ni Rosemarie sa mga workshop ng publishing house, at kahit na magkaiba ang ugali at personalidad nilang dalawa ay nag-click sila bilang magkaibigan. Hindi pa rin siya nagsalita. Nakatutok ang mata niya sa computer at binabasa ang ilang paragraph na kakatapos lang niyang i-type. "Hoy!" ani Rosemarie na nilaksan pa ang boses. "Nakaharap ka na naman siguro sa laptop mo kaya `di ka makausap ng matino, ano?" Napabuga siya ng hangin. Napakakulit talaga ng kaibigan niyang ito. "Intense na kasi `yong scene na sinusulat ko, tapos saka ka naman nang-istorbo." "Istorbo talaga?" wika ng babae na parang nagtampo ang tinig. "Okay, fine! Hindi na kita pipiliting lumabas ngayon pero, ire-remind ko lang 'yong lakad natin sa Batangas this Saturday. After ng event natin sa pubhouse, dederetso na tayo roon," ani ng babae. Napakamot siya sa ulo. Sa totoo lang ay wala muna sana siyang balak lumabas o mag-out of town hangga't hindi pa niya natatapos ang tatlong manuscript na kasama sa series niya. Pero dahil matagal na silang nakapag-commit ni Rosemarie sa lakad na iyon ay wala na siyang magagawa kundi ang pumunta. "Okay." "Siguraduhin mong sasama ka, Graciella!" nagbabanta ang tinig ni Rosemarie. "Oo nga, sasama ako. Ngayon, puwede mo na ba akong tigilan para matapos ko na itong sinusulat ko?" mahihimigan ng iritasyon ang tinig niya. Ito kasi ang pinaka-ayaw niya, ang naiistorbo siya sa pagsusulat. "Wala pa nga tayong ten minutes na nag-uusap tapos kung makapagsalita ka parang ang laki-laki nang abala ang ginawa ko sa `yo," nagtatampong sabi ng babae. "Fine! Sige na, ipagpatuloy mo na nga 'yan." "Okay, bye," aniya at pinatay na cellphone. Muli niyang binalikan ang ginagawa pero katulad nang dati kapag naaabala siya ay nawala na naman ang momentum at concentration niya. Napahinga siya ng malalim at isi-nave na lang ang ginagawa. Naisip niyang lumabas at pumunta sa paborito niyang coffee shop na nasa tapat ng condominium na tinitirhan niya. Mabilis siyang nagbihis at isinilid sa isang bag ang laptop. Bitbit iyon ay lumabas siya ng kanyang unit. Nalabasan niya ang ilang mga lalaki at isang babae na nagpapasok ng mga gamit sa katabing unit niya. Nginitian siya ng babae. "Hi! Ikaw ba ang owner ng unit na 'yan?" nakangiti niyang tanong dito. "No, sa brother ko ito. Ako lang ang pinakiusapan niyang mag-prepare para sa paglipat niya," tugon ng babae na sa palagay niya ay mas bata sa kanya ng mga limang taon. "Oh I see," aniya na napatango pa. "Mabuti naman madadagdagan na ang nakatira sa floor na `to. Tatlo pa lang kasi ang occupied units dito sa eleventh floor, eh." Bago pa ang condominium na tinitirhan niya kaya mangilan-ngilan pa lang ang mga residente doon. Magdadalawang buwan pa lang din buhat nang lumipat siya rito matapos ang mahabang pakikipag-argumento niya sa kanyang ina. Ayaw kasi siya nitong payagan na bumukod. Kung hindi pa niya paulit-ulit na iginiit na bente-otso na siya at gusto na niyang maranasan na mabuhay nang mag-isa ay hindi pa ito papayag. Nag-iisa siyang babae sa kanilang apat na magkakapatid at siya rin ang pinaka-close sa ina kaya naiintindihan rin niya kung bakit ganoon ito. "Anyway, I'm Rizza Dela Fuentes," pakilala ng babae sabay abot ng kamay nito. Tinanggap niya ang nakalahad na kamay ng babae. "Graciella Timoner." Natigilan ang babae at napakunot ang noo. "You're name sounds familiar." Mismong ang pangalan ang ginagamit niyang pen name sa mga nobela niya kaya marahil ay narinig o nabasa na ito ng babae. Hindi na niya iyon binanggit dito. "I'll go ahead. Nice meeting you, Rizza." Nakangiting tinanguan lang siya nito.  Kakalabas lang niya sa lobby ng condo nang mapansin niya ang isang lalaki na nakatayo sa may entrance ng gusali. Nakadaiti ang cellphone nito sa may tenga, habang may kausap ito ay marahang ipinapalo nito sa binti ang tangan na helmet. Dark chocolate brown leather jacket na nakaibabaw sa isang white v-neck t-shirt, navy blue na maong pants at leather shoes na kakulay din ng jacket nito ang suot ng lalaki. Naka-side view ito pero tingin niya ay guwapo ito. Matangos ang ilong ng lalaki at maganda rin ang mata. He's wearing a wave filled crop haircut, his hair looks messy but it made him look hotter. Matangkad ito at mukhang maganda rin ang katawan base sa tindig nito.  Narinig niya ang pagtawa nito. "Oo nga, I'll be there in twenty minutes." Even his voice and his laughter sounds sexy. s**t! Mukhang nahanap ko na ang magiging hero ko para sa susunod na nobela ko!  na-excite na sigaw ng isip niya. Oo, nai-excite siyang makakita ng guwapo at malakas ang dating na mga lalaki, but not because na 'like at first site' siya, kundi dahil nakakakuha siya ng ideya para sa gagawin niyang male lead sa kanyang istorya. Mukhang naramdaman ng lalaki na may nagmamasid dito, lumipad ang tingin nito sa kinatatayuan niya. Ilang segundo rin siyang natigilan nang magtama ang mga mata nila. Nakita niya ang unti-unting pagkunot ng noo nito. Nakadama man ng pagkapahiya ay pinilit niyang kumilos nang parang wala lang, binawi niya ang tingin dito. Tiningnan niya ang suot na relos at pagkatapos ay kunwaring nanghahaba ang leeg na tumanaw siya sa kabilang direksyon ng kinatatayuan ng lalaki. One... two... three... Tahimik siyang nagbilang habang nakatayo patalikod sa lalaki. After thirty seconds ay kunwari bumaling na siya sa direksyon ng kinatatayuan nito pero wala na ito doon. Natanaw niya ang lalaki na naglalakad patawid sa kalsada at patungo sa may coffee shop. Isinuot nito ang helmet bago sumakay sa motorbike na naka-park sa labas ng shop. Napasunod na lang ang tingin niya rito nang paandarin na nito ang motor.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook