bc

School Trip 2

book_age0+
6.1K
FOLLOW
14.3K
READ
others
dark
drama
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(Tagalog Story)

Evil students. Bullied teacher. Hell yes, this is a one of a kind school experience! Get ready!

Class resumes...

This is SCHOOL TRIP 2!

chap-preview
Free preview
LESSON 01- Fresh Start
TUBIG. Basa. Malamig. Bakit basa ang kamay niya? Nakapagtataka. Naglakad siyang muli sa kadiliman. Tinahak niyang muli ang karimlan ng lugar na hindi niya alam kung ano. Basta nararamdaman niyang may tubig sa kanyang nilalakaran. "Ate..." boses ng isang babae. Tinatawag siya. Ume-echo na tila nakakulong ito sa isang malaking kahon. Pilit siyang umaninag sa kadiliman ngunit wala pa rin siyang makita. "Ate, tulungan mo ako..." ulit ng boses. Pero sa pagkakataong iyon tila paiyak na ang tinig. "Paano kita matutulungan? Nasaan ka ba?" umikot siya sa kanyang kinatatayuan. "Ate, tulungan mo ako. Ilabas mo ako dito..." "S-saan kita ilalabas?" Pagkasabi niya noon ay tila biglang tumahimik ang paligid. Wala siyang marinig kundi ang kanyang paghinga at t***k ng kanyang puso. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang takot at kaba na nararamdaman niya. Muli, inihakbang niya ang kanyang mga paa upang umalis na sa lugar na iyon ngunit nakakailang hakbang pa lamang siya nang may naramdaman siyang may naapakan siyang matigas na bagay. Napaatras siya nang bahagya at yumukod upang kapain sa tubig na hanggang tuhod niya ang bagay na kanyang natapakan. Matagumpay naman niyang nahawakan ang bagay na iyon at nanlaki ang mga mata niya nang malaman niyang tila isa iyong kamay ng tao! Akmang babawiin na niya ang kanyang kamay nang biglang gumalaw ang kamay sa tubig at hawakan siya sa kanyang braso. Hinihila siya ng kamay sa tubig pero nanlaban siya. Walang anu-ano ay umahon na mula sa tubig ang may-ari ng kamay na iyon. Isang babaeng halos pumapantay ang taas sa kanya. Maputla ang balat na kulu-kulubot na akala mo ay nababad sa tubig ng matagal. Nakasuot ito ng sira-sirang school uniform. Hindi siya maaaring magkamali. Kilalang-kilala niya ang babaeng ito--- ang namayapa niyang bunsong kapatid! Nanatiling nakahawak sa braso niya ang babae. "Ate, samahan mo ako..." lumuluhang pakiusap nito at umakto itong tila yayakapin siya. Pumalag siya at sumigaw. "A-ayoko. Ayoko! Lumayo ka!!!" pero wala na siyang nagawa kundi ang sumigaw hanggang sa tuluyan siyang yakapin ng malamig na katawan ng kanyang kapatid! "AYOKO!!!" butil-butil ang pawis ni Fely nang magising siya mula sa masamang panaginip na iyon. Hindi. Hindi iyon isang panaginip. Bangungot--- iyon ang tamang tawag sa bagay na iyon. Tiningnan niya ang larawan ng namatay niyang kapatid na nakapatong sa side table niya. Kinuha niya iyon at kinausap. "Huwag kang mag-alala. Makikita ko rin kung nasaan ka. Hindi titigil ang ate. Pangako..." aniyang lumuluha. WALANG gana sa pagkain ng almusal si Fely nang umagang iyon. Nilalaro lang niya ng hawak na kutsara at tinidor ang itlog na nasa kanyang plato. Iniisip pa rin kasi niya ang napanagipan niya kagabi. Napansin yata iyon ng kanyang ina na si Fatima kaya nagbukas ito ng isang usapan. "Narinig ko na sumigaw ka kagabi, Fely. May ipis na naman ba sa kwarto mo?" Umiling siya. "Hindi po. Napanaginipan ko na naman ang kapatid ko, Mama. Humihingi siya ng tulong!" "Nananahimik na sa kabilang buhay ang kapatid mo kaya patahimikin mo na rin ang utak mo sa kaiisip sa kanya. Pitong taon na siyang patay, Fely!" "Hindi, 'Ma. Paano siya matatahimik kung hanggang ngayon hindi pa rin natin alam kung nasaan ang bangkay niya? Sigurado nga tayong patay na siya pero hindi man lang natin siya nailibing ng maayos!" Malakas na ibinagsak ni Fatima ang hawak ng kutsara sa gilid ng kanyang plato. "Tinataasan mo ba ako ng boses, ha, Fely?!" "Bakit kasi parang wala kayong pakialam na namatay siya?! Simula ng mamatay si Papa wala na kayong pakialam sa amin! Sa akin!" Hindi na napigilan ni Fely ang bugso ng kanyang damdamin. Mabilis na tumayo si Fatima at pinatikim siya nito ng isang malutong na sampal sa kanang pisngi niya. "Stepsister ka lang niya samantalang ako ay totoong ina niya! Wala kang alam sa sakit na hindi maaalis dito!" at itinuro ni Fatima ang bandang puso niya. "Napakawalang modo mo. Naturingang guro ka pa naman, Fely!" Iniwan ni Fatima si Fely sa hapag-kainan. Oo. Stepmother niya lang si Fatima. Pangalawang asawa ito ng kanyang namatay na tatay. Halos tatlong taon na rin na sila lang ni Fatima ang magkasama sa bahay na iyon. NAKAYUKO si Bridgette habang naglalakad. Papauwi na siya galing mula sa pamimili sa palengke para sa pananghalian nila ni Tiyang Magda. Ramdam niya ang nakakasugat na tingin ng mga tao at ang mapanghusgang bulungan ng mga ito. Baliw. Nakakadiri. Masamang tao. Iyon ang tingin ng mga ito sa kanya. Mga taong hinuhusgahan siya sa kanyang anyo. Kuba, deformed ang mukha at may ilang natutuyong sugat sa balat--- iyan na siya ngayon. Malayong-malayo na sa Bridgette na sosyalera at maganda noon. Ito na nga ang impyerno niya. Ang habangbuhay na mabuhay sa panghuhusga ng mga tao. "Kuba! Kuba! Panget!" sigaw ng mga batang tuwang-tuwa na nakasunod sa kanya habang nilalait siya. Nagbingi-bingihan siya at binilisan ang paglalakad. Kailangan niyang maging bulag at bingi upang hindi masaktan. Sa pagmamadali niya sa paglalakad ay natapilok siya sa isang bato at napaawa siya sa kanyang sarili nang bukod sa kumalat na ang gulay na kanyang bitibit ay nakita rin niyang napigtas ang tsinelas niyang sipit na may butas pa sa bandang hulihan. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Hindi ako iiyak. Ayoko na..." bulong niya sa sarili. Ngunit totoo nga yatang kapag pinipigilan mo ang luha sa pagpatak ay lalo itong umaalagwa. Laglag ang luha na isa-isang pinulot niya ang mga nagkalat na gulay. Para saan ba ang mga luhang iyon? Para sa awa niya sa sarili... Habang nakayuko na namumulot ng gulay ay isang kamay ang nag-abot sa kanya ng iba pang gulay na natapon niya. "Heto. Tulungan na kita," ani ng isang babae na sa tantiya niya ay kaedad niya lamang. Mabilis niyang kinuha rito ang gulay at ibinalik sa bayong niya. "Ako nga pala si Dash Soriano. Ikaw, anong pangalan mo?" patuloy ng babae ngunit hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa paglalakad ng walang sapin sa paa. Iniwan na niya ang nasirang tsinelas. Mainit sa talampakan ang semento pero kaya niyang tiisin. Sinusundan pa rin siya ng babae. "Kay Tiyang Magda ka nakatira, diba? Kaano-ano mo siya?" tanong nito. Bigla siyang napahinto. "Bakit mo kilala si Tiyang Magda?" nagtatakang-tanong niya. "Kaibigan ko noon ang anak niyang si Ysabelle. Umalis ka na sa bahay na iyon..." Kumunot ang noo ni Bridgette. "Ano? B-bakit ko kailangang umalis doon?" "Hindi mo kilala si Tiyang Magda. Ibenenta na niya ang kaluluwa niya sa diablo! Umalis ka na hangga't maaga pa." "Baliw ka ba? Mabait siya. Mabait si Tiyang Magda!" pagtatanggol niya dito. "Siya ang kumupkop sa akin nang halos itakwil na ako ng lahat!" "Nagkakamali ka...Iaalay ka rin niya sa diyos niya!" "Bakit ba ang dami mong alam?! Sino ka ba?" aniya at tumalikod na siya para umalis. Nadidinig pa niya ang pagtawag sa kanya ng babae ngunit hindi na niya ito pinansin. Sino ba ang babaeng iyon para siraan ang nag-iisang tao na nagmamalasakit sa kanya? "MAMA, nasa lamesa po sa komedor ang gamot niyo. Inumin niyo po mamayang alas-dose. Pupuntahan ko lang po iyong bahay ng isa kong estudyante," aabutin sana ni Fely ang kamay ni Fatima upang mag-blessed ngunit nakaismid na iniwas nito iyon. Napabuntung-hininga siyang lumabas ng bahay. Sumakay siya ng tricycle at nagpahatid sa bahay ng kanyang estudyante. Ibinaba siya ng tricycle sa harap ng isang lumang bahay na yari sa kahoy at yero. Nagpahintay siya sa tricycle driver ngunit hindi ito pumayag. Umalis ito agad dahil sa kinikilabutan daw ito. "Tao po! Tao po!" malakas na tawag ni Fely. Bahagya niyang itinulak ang kalawangin na gate. Umingit iyon at nalaman niyang hindi iyon nakandado. Ngunit nanatili siya sa labas. Ayaw niyang mangahas na pumasok dahil baka makasuhan siya ng tresspassing. Tumawag siyang muli ngunit walang sumagot. "Sino po kayo?" Nagulat si Fely nang mula sa likod niya ay isang kuba na babae ang nagsalita. May bitbit itong bayong na may laman na gulay. Mukhang galing ito sa pamamalengke. "D-dito ka ba nakatira?" tanong niya. Lumapit ang kuba sa kanya. "Opo. Ano pong kailangan niyo?" "Teacher ako ni Ysabelle. Itatanong ko lang kasi kung ano na ang nangyari sa kanya kasi halos limang buwan na siyang hindi pumapasok. Recognition day na kasi sa susunod na buwan," aniya. Sasagot pa sana iyong kubang babae nang isang ginang na nakasuot ng kulay pulang blusa at palda ang lumabas mula sa bahay. "Walang Ysabelle na nakatira dito kaya umalis ka na!" turan ng ginang. "Kayo po ba ang nanay ni Ysabelle? Ako po ang---" "Sinabi nang walang Ysabelle na nakatira dito!" "Pero ito po ang address na nakalagay sa records niya sa school!" giit niya. Binuksan ng ginang ang gate at pinapasok nito iyong kubang babae. "Umalis ka na..." kalma lang ang pagkakasabi noon ng ginang ngunit nakaramdam siya ng kilabot sa paraan ng pagkakatitig nito. BAGSAK ang balikat na umuwi ng bahay si Fely. Pumasok siya sa kanyang silid at ibinagsak niya ang kanyang katawan sa kama. Nakatitig lang siya sa kisame. Blangko ang isipan. Ilang minuto pa ay sunod-sunod na katok ang kanyang narinig. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang stepmother niya. "Bakit po, Mama? May kailangan po ba kayo?" aniya. Isang sobre na kulay puti ang ipinakita ni Fatima sa kanya. May galit sa mukha nito. "Ano ito?! Bakit nag-apply ka bilang guro sa Wellington High School?" Mabilis niyang inagaw ang sobre at binasa ang sulat na nakalagay sa loob noon. Nagdiwang ang kanyang diwa dahil nakasaad sa naturang sulat na tanggap na siya bilang isang guro sa Wellington High School. Sa susunod na school year ay doon na siya magtuturo. Hinawakan siya sa braso ni Fatima. "Sumagot ka, Fely! Bakit ka magtatrabaho sa school kung saan nag-aral noon ang anak ko!" "Dahil malakas ang pakiramdam ko na doon ko makikita ang kasagutan kung nasaan nga ba ang bangkay niya! Bakit ba parang ayaw niyong makita ang katawan niya?" "Dahil ayokong malaman at makita ang kalunos-lunos na sinapit niya. Masakit para sa akin iyon, Fely!" nangingilid ang luha na sagot nito. Umiling siya. "Buo na po ang desisyon ko. Sorry...Gagawin ko ito para sa kapatid ko, para sa anak niyo! Para hindi na niya ako gambalain sa panaginip ko!" pinal na sagot niya. MAKALIPAS ang tatlong buwan... Tumigil sa paglalakad si Fely at tiningnan ang malaking gate na nasa harapan niya. Sa wakas ay nasa harapan na siya ng school kung saan nag-aral noon ang stepsister niya. Dito siya magsisimula upang alamin kung nasaan nga ba talaga ang bangkay ng namayapa niyang kapatid... Inihakbang na niya ang mga paa papasok sa school at bumulong siya sa kanyang sarili. "Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita para matahimik na ang iyong kaluluwa, RUVINA!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook