bc

Finally Found You (Completed)

book_age16+
3.9K
FOLLOW
29.1K
READ
others
fated
friends to lovers
arrogant
sensitive
independent
drama
sweet
betrayal
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

"Love is something that won’t ever fade. Once you really love someone, that person will stay in your heart forever.”

Arabella’s almost perfect world shattered when her fiancé went missing on the day of their wedding. Ang masakit ay wala man lang itong ibinigay na matino at katanggap-tanggap na rason kung bakit siya nito iniwan. Pinayuhan siya ng kaibigan at boss niya na magbakasyon muna para makapagpahinga at makapag-isip-isip. Naisip niyang tama ito kaya pumayag siya sa suhestiyon ni Charity na sa rest house ng pamilya nito sa Quezon magpunta.

Ang akala niya ay makakapagbakasyon siya ng maayos doon, pero unang gabi pa lang niya sa isla ay dumating na ang isang napaka-aroganteng lalaki na sumira ng pamamahinga niya—si Jared. Pinsan ito ng boss niya at naroon din para magbakasyon.

Pagkatapos ng matinding diskusyon ay nagkasundo sila ni Jared na parehong manatili roon. Magkasama sila sa rest house ngunit wala silang pakialam sa isa’t isa. Pero sadyang mahirap iwasan ang attraction nararamdaman niya para rito. This beast was just so damn hard to ignore!

***This novel was published by Precious Pages Corporation

chap-preview
Free preview
Chapter One
NAPAHUGOT nang malalim na hininga si Arabella habang nakatanaw sa mga tao na nasa labas ng simbahan na tulad niya ay naghihintay rin sa pagdating ng groom niya. Habang lumilipas ang mga minuto ay lalong tumitindi ang kaba niya. Napakislot siya nang bumukas ang pinto ng bridal car na sinasakyan niya. Sumakay roon at naupo sa tabi niya ang kanyang Tita Carlota. “Hindi mo pa rin ba ma-contact si George?” tanong nito sa kanya. Yumuko siya at marahang umiling. “Hija, naiinip na ang mga bisita.” “Maghintay pa tayo, Tita. Please tell them na maghintay pa kahit mga sampung minuto, baka na-traffic lang si George,” aniyang bahagyang nanginginig ang boses sa pagpipigil ng emosyon. Isang bahagi ng isip niya ang nagsasabing wala na siyang hinihintay. Pero ayaw niyang isuko ang munting pag-asa na nasa puso niya. Darating si George, matutuloy ang kasal, at habang-buhay silang magsasama at magiging masaya. Matagal siyang tinitigan ng kanyang tiyahin, bakas sa mukha nito ang pag-aalala. “Sigurado ka bang darating pa ang lalaking iyon?” "Of course, darating siya, Tita. Kung may plano siyang hindi siputin ang kasal namin, hindi na rin sana nagpunta rito ang pamilya niya.” “Pero kahit sila hindi alam kung nasaan si George,” naiiling na sabi nito. Tiningnan ng babae ang suot nitong dress watch. “Mahigit isang oras na tayong naghihintay rito.” Hindi siya kumibo, sa halip ay iniiwas niya ang tingin dito. Ayaw niyang makita ang pag-aalala at awa sa mga mata ng tiyahin, lalo lang niyon pinahihina ang kanyang loob. “Ako na ang magsasabi sa kanila na hindi na matutuloy ang kasal,” ani Tita Carlota pagkalipas ng halos limang minutong pananahimik nito sa kanyang tabi. Akma na itong bababa ng sasakyan pero mabilis niya itong pinigilan sa braso. “Tita, please. Maghintay pa tayo, darating si George. Hindi niya magagawa sa akin ang iniisip ninyo.” Magsasalita pa sana ito nang tumunog ang cell phone niya. Ang pinsan ni George na si Enrique ang tumatawag. Kanina ay nag-volunteer na ito na puntahan ang hotel na tinuluyan ni George kagabi. “Hello, Enrique. Kasama mo na ba si George? Nasaan na kayo?” sunod-sunod na tanong niya sa nasa kabilang linya. Natigilan siya sa isinagot ni Enrique. Pakiramdam niya ay may pumipiga sa kanyang dibdib habang nagsasalita ang lalaki. Nanlabo ang kanyang mga mata habang namumuo ang mga luha doon. "Ara, what happened?" lalong sumidhi ang pag-aalala ni Tita Carlota nang makita nito ang reaksiyon niya habang tahimik niyang pinakikinggan ang sinasabi ni Enrique. Hindi siya sinagot ang babae. Hindi na rin niya masyadong maintindihan ang iba pang sinasabi ng nasa kabilang linya. Naramdaman niya ang panginginig ng kanyang mga kamay,  hanggang sa tuluyan na niyang nabitiwan ang cell phone. Humahagulhol na isinubsob niya ang luhaang mukha sa kanyang mga kamay. Bahagyang natigilan si Tita Carlota, maya-maya ay kinabig siya nito. Hindi na niya kailangang magsalita pa, naunawaan na nito ang nangyayari. Hindi nagsalita ang matandang babae, sa halip ay marahan lang nitong hinagod ang likod niya na para bang sinasabi na ilabas lang niya ang nararamdaman niya. Wala rin itong maapuhap na sabihin, batid nitong walang anuman ang maaaring makabawas sa sakit na kanyang nararamdaman.  “Paano niya nagawa sa akin ito?” sabi niya sa pagitan ng pag-iyak.  Samu't-saring damdamin ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon—galit at sama ng loob para kay George dahil sa pag-iwan nito sa kanya sa mismong araw ng kanilang kasal nang wala man lang malinaw na dahilan, pagkapahiya sa mga bisitang naroroon para saksihan ang dapat sana’y pinakamasayang sandali ng buhay niya, at higit sa lahat ay awa para sa sarili. Wala siyang matandaang ginawa niya o pinagtalunan nila ni George para hindi ito sumipot sa kanilang kasal. Masaya pa nga silang magkasama noong makalawa nang pumunta sila sa party na inihanda ng mga kaibigan nila para sa kanila, kaya hindi talaga niya maintindihan kung bakit nangyayari ito. At ngayon mo pa talaga ako iniwan, sa araw na ito pa, George, naisaloob niya nang maalala ang mga taong nasa simbahan. Ilang minuto rin siyang nag-iiyak. Nang bahagya na niyang makontrol ang emosyon ay umalis na siya sa pagkakayakap ng tiyahin. Pasinghot-singhot na pinahid niya ang kanyang mga luha. Tinanaw niya ang mga tao na nasa labas ng simabahan na patuloy pa rin sa paghihintay na masimulan ang kasal. Humugot siya nang malalim na hininga.  "Saan ka pupunta?” tanong ni Tita Carlota nang akma niyang bubuksan ang pinto ng kotse. “Sasabihin ko po sa mga bisita na—” Umiling ito. “Ako na ang bahala, ako na ang magsasabi sa kanila kung ano'ng nangyari. Umuwi ka na, you need to rest." Marahan siyang tumango. Bahagyang lumuwag ang dibdib niya dahil hindi na niya kailangan pang humarap sa mga taong naroon para ipaliwanag kung bakit hindi na matutuloy ang kasal, mabuti na lang at nandito ang Tita Carlota niya para alalayan siya. Muli siyang niyakap ng babae at hinagkan nito ang kanyang noo. “Magkita na lang tayo sa bahay. Susunod agad ako ro’n,” ani Tita Carlota. Pinahid nito ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Halatang pinipigil lang rin nito ang maiyak habang pinagmamasdan siya. Napahikbi siya, hanggat maaari ay ayaw sana niyang makita siya ni Tita Carlota ng ganito. Alam niyang nasasaktan din ang babae para sa kanya. Ito ang kumupkop sa kanya nang mamatay ang mga magulang niya sa isang aksidente noong walong taong gulang pa lang siya. Dahil wala itong sariling pamilya, itinuring na siya nito na parang tunay na anak. Sa labingwalong taon na pagsasama nila ay ito na ang tumayong ina sa kanya.  “Sige na, pupuntahan ko na sila,” ani Tita Carlota at bumaba na ito ng kotse. Naluluha na sinundan niya ito ng tingin. Ang tiyahin lang niya ang kasama at naging karamay niya mula pa noon, maayos naman ang buhay nila pero minsan ay naiisip rin niya kung ano ang pakiramdam nang mayroong isang malaki at masayang pamilya. Kaya ganoon na lang ang tuwa niya nang yayain na siya ni George na magpakasal. Akala niya ay ang lalaki na ang magbibigay sa kanya ng pamilyang ninanais niya, pero nagkamali siya. Sa isang iglap ay parang bula na naglaho ang pangarap niyang iyon. "HINDI ka pa rin ba kakain, Arabella? Baka magkasakit ka na sa ginagawa mo, dalawang linggo ka nang hindi kumakain ng maayos, ah,” ani Tita Carlota nang pumasok ito sa silid niya. Palagay niya ay nakapagsumbong na rito ang kasambahay nila na hindi na naman niya nagalaw ang pagkain na inihatid nito sa silid niya kanina. Hindi siya kumibo, nanatili lang siyang nakaupo sa kanyang kama. Nakatuon ang pansin niya sa laptop na nasa ibabaw ng unan na nakapatong sa mga hita niya. Binabasa niya ang file na ipinadala sa e-mail ng kaibigan at boss niyang si Charity. Lumapit si Tita Carlota sa kama at naupo sa kanyang tabi. “Hanggang kailan mo ba balak magmukmok rito ha?" Hindi pa rin siya nagsalita. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng babae. "Hindi ka pa rin ba niya tinatawagan?” Marahan lang siya umiling. Pigil niya ang mapabuntong-hininga rin, sinasabi na nga ba niya na doon rin mapupunta ang usapan na iyon. Kaya nga mas gusto niya na magkulong na lang sa kanyang silid dahil ayaw niyang mapag-usapan ang bagay na iyon. Tuwing naaalala niya ang hindi pagsipot ni George sa kanilang kasal dalawang linggo na ang nakararaan ay tila bukal na bumubuhos ang mga luha niya. Nanatiling nakaiwas ang tingin niya sa babae. “Wala pa rin daw balita ang mga magulang niya kay George. Nag-aalala rin daw sila sa 'yo, hija. Nakausap ko kanina ang mama ni George. Gusto ka raw sana nilang dalawin pero ang sabi ko ay huwag na muna. Sabi ko, hayaan ka muna nila.” “Mabuti pa sila nag-aalala sa akin, samantalang ang anak nila parang walang pakialam,” mapait na sabi niya na mabilis na pinahid ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. “Hija…” Hinawakan ni Tita Carlota ang kanang kamay niya. Marahan niyang binawi ang kanyang kamay. “Let's not talk about him, Tita. Napapagod na akong isipin kung ano ang maling ginawa ko para saktan niya ako nang ganito.” Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hindi man niya tingnan ang tiyahin, alam niyang nakatuon ang mga mata nito sa kanya. “Tumawag nga pala si Charity kanina. Kung puwede ka na raw bang mag-report sa trabaho,” ani Tita Carlota na napilitan nang baguhin ang paksa ng usapan nila. "Opo, Tita. Nagkausap na rin kami. Magre-report na ho ako sa opisina bukas.” Nangunot ang noo ng matanda. “Kaya mo na ba? Huwag ka na muna kayang pumasok sa trabaho. Maiintindihan naman siguro ni—” “Tita, I really need to go back at work. Baka tambak na ang trabaho ko doon. At isa pa ho, aalis si Charity papuntang Europe, so ako rin ho ang magte-take over sa mga trabahong maiiwan niya habang wala siya.” Ilang sandali siyang tinitigan nito, pagkatapos ay tipid itong ngumiti at tinanguan siya. “Ikaw na nga ang bahala. Siguro nga mas makakabuti sa 'yo na magtrabaho na kaysa naman maghapon kang nagkukulong dito sa kuwarto mo. Basta bumaba ka na at kumain, ha," anito na hinaplos pa ang kanyang mukha. "Ayokong nakikita kang pinababayaan ng ganyan ang sarili mo." Ibinaba niya sa kama ang laptop at saka yumakap kay Tita Carlota. "I'm sorry for worrying you, Tita." Hindi sumagot ang babae, sa halip ay niyakap din siya nito. NAG-ANGAT ng ulo si Arabella nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang pribadong opisina. Pumasok doon si Charity, ang editor in chief ng Posh, ang fashion and lifestyle magazine na ipina-publish ng kompanya nila. Kababalik lang nito mula sa tatlong linggong biyahe sa Europe. Tuloy-tuloy itong lumapit sa mesa niya at ibinagsak doon ang dala-dalang draft ng magazine na ire-release nila sa isang linggo. "What the hell is that?!” malakas na tanong nito. Bakas sa mukha nito ang inis. “What?” nakakunot-noo niyang tanong. “Iyan! Ang laman ng draft na 'yan!” pagigil na sabi ni Charity na nakapamewang ang kaliwang kamay nito. Bumaba ang tingin niya sa papel na ibinagsak ng babae sa kanyang harapan. “What about this?” Lalong tumikwas ang maarkong kilay ni Charity. “Did you even bother to read that carefully, before you approved the contents of that damned draft?!" Hindi siya kumibo. “What’s wrong with you, Arabella? Hindi mo man lang ba na-notice na nonsense 'yong ibang article diyan? May dalawang article pa diyan na almost the same sa article na inilabas natin sa issue ng magazine five months ago! Next week na 'yan ipi-print pero tingnan mo nga!” Nanatili siyang tahimik. Alam niyang ayaw na ayaw ni Charity na makakarinig ng mga excuses at bukod pa roon, paano ba siya mangangatuwiran gayong kasalanan naman talaga niya iyon. Nagparoo’t parito ito sa harap ng lamesa niya. “I gave you that task while I was in Europe, because I was confident that you can do the job well. Ano ba’ng nangyayari sa 'yo, ha?! Para kang wala sa sarili mo, eh!” Dinampot niya ang draft at inilagay iyon sa ibabaw ng iba pang folders na nasa mesa. “I’m sorry, medyo lutang lang talaga ako lately. Don't worry, I'll take care of it," mahina niyang sabi. Bigla namang natigilan ang babae, nakagat nito ang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kanya. Gusto nitong pagsisihan ang mga sinabi at ang pagtataas ng boses sa kanya nang maalala ng babae ang nangyari sa kanya. "I’m sorry, Ara. I’m really sorry. Hindi ko lang nakontrol ang temper ko. Siyempre may jetlag pa ako and na-stess lang ako kasi nga next week na ang pagpi-print niyan." Tumango siya. "You don't have to apologize, it's my fault anyway." "No," mabilis na sabi ng babae. "It's all my fault. Hindi ko dapat iniasa sa 'yo ang lahat lalo na’t hindi ka pa nakaka-recover sa—” “Shut up,” mahina pero matigas na sabi niya. Alam na niya ang sasabihin nito at ayaw niyang pag-usapan o marinig man lang iyon. Pagod na siyang makarinig ng mga words of sympathy mula sa ibang tao, at hindi rin naman iyon nakakatulong sa kanya. Naupo ito sa silyang nasa tapat ng lamesa niya. Para maiiwas ang mga mata rito ay nagkunwari siyang abala sa pagba-browse sa kanyang computer. “Hindi man lang kita nadamayan that time and then ngayon sa `yo ko pa lahat isinisisi ang kapalpakang ito. I' sorry," her voice was full of sincerity. "Are you sure you’re okay now?”  “Yes,” tipid na sagot ni Arabella na hindi pa rin tumitingin dito. “Ara, I know what you’re still going through right now. If you want to talk—” “I’m perfectly fine.” Hindi niya maiwasang mainis dito. Hindi ba nito nahahalata na ayaw niya iyong pag-usapan. Bumuntong-hininga si Charity. "More than one month pa lang ang nakalilipas mula—” Natigil sa pagsasalita ang babae nang salubungin niya ang mga mata nito. “Ano ba’ng gusto mong marinig? I told you, I’m fine!” malakas at mariin na sabi niya. Umiling ito. “Do you really think you can fool us all? Why don’t you just admit it, Ara? Nasasaktan ka pa rin. Wala namang masama kung sasabihin mo ang totoo mong nararamdaman. Na nasasaktan ka, na galit na galit ka at masama ang loob mo dahil sa ginawa sa 'yo ni George. Stop pretending that you don’t care." “For what? Para lalo akong kaawaan ng mga taong nakapaligid sa akin?” sabi niya na hindi na napigilan ang sariling emosyon. Nalaglag sa pisngi niya ang mga luhang nais sana niyang pigilan sa pagpatak. “Napahiya na ako nang sobra, Charity. Nasaktan na ako. Tama na 'yon, hindi ko kailangan ang awa ng kahit sino!” Ngayon lang niya hinayaang lumabas ang nararamdaman sa harap ng ibang tao mula nang mangyari ang ginawang pang-iiwan sa kanya ng dating nobyo. Pilit kasi niyang ipinapakita sa lahat na okay lang siya, na anumang sakit ang ibinigay sa kanya ni George ay kaya niya pa ring makabangon. Napailing ang babae. “Hindi effective ang ginagawa mong pagtatapang-tapangan, Ara. Believe me, it would be better if you face your problem. Stop running from it. Kung nasasaktan ka, then cry. Pour it out. Bakit mo iintindihin ang iisipin ng iba, kung maaawa sila sa 'yo or whatever. 'Sabi mo nga ikaw ang napahiya at nasaktan, so, ano’ng pakialam nila kung gusto mong ilabas ang sama ng loob mo.” Hindi siya umimik. Nasasabi lang nito iyon dahil hindi naman nito nararamdaman ang pinagdadaanan niya. Hindi ito ang iniwan, hindi ito ang nasaktan. “Hindi mo tinutulungan ang sarili mo sa ginagawa mong pagtatago ng nararamdaman mo. Nagtatapang-tapangan ka, pinipilit mong ipakita na kaya mo na, pero tingnan mo ang nagiging resulta.” Itinuro nito ang draft na ibinaba nito sa lamesa niya. “I know it’s my fault. Hindi kita dapat p-in-ressure na gawin 'yan.” Hindi siya nagsalita. Titig na titig naman ito sa kanya, mayamaya ay nagpakawala ito ng malalim na hininga. “Why don’t you take a vacation? Magpahinga ka muna uli.” Mabilis siyang umiling. “Ayoko. Lalo lang ako made-depress, gusto kong magpaka-busy para makalimutan ko siya.” "Friend, believe me mas effective ito. Kailangan mo ng oras para sa sarili mo. Mag-soul searching ka, makakatulong 'yon sa 'yo.” Tinitigan niya ito. “Are you trying to get rid of me? Look, I'm sorry sa kapalpakang ginawa ko, okay? I told you, aayusin ko 'yon. Pero kung nagagalit ka talaga sa nagawa ko, then why don’t you just tell it to me straight that you’re firing me.” “Sira ka rin talagang babae ka!” Mabilis na dinampot nito ang isang folder sa lamesa at inihampas sa balikat niya.  “Ano ba’ng pinagsasasabi mo? Hindi ko sinabing tanggal ka na sa trabaho. Ang sabi ko, magbakasyon ka! Hindi pa ako nasisiraan ng bait para tanggalin si Arabella Rodriguez sa kompanya ko. Kapag ginawa ko 'yon, siguradong magdidiwang ang mga kakompetensiya natin at mag-aagawan sila sa 'yo. Napakagaling yata ng associate editor ko!" Hindi siya umimik pero isang matipid na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “Sige na. Magbakasyon ka kahit two weeks lang ulit. Dapat talaga hindi agad kita kinulit na bumalik sa trabaho pagkatapos nang nangyari sa `yo” Huminga siya nang malalim. “Okay lang ako, Charity. At isa pa, kung magbabakasyon ako, saan naman ako pupunta? Lahat na yata ng vacation spot dito sa Pilipinas napuntahan na namin ni George. Maaalala ko lang siya. I don't have enough money din naman to go abroad. I’m sure naman na hindi mo ako papautangin.” Tumawa ito. “Talagang ipinapamukha mo sa akin na kuripot ako, ha.” "Magpapahinga na lang siguro ako sa bahay.” “No. Mas maganda kung pupunta ka sa ibang lugar. Marami rin kayong memories ni George sa bahay ninyo, di ba?” "Oo pero wala akong ibang maisip puntahan, eh.” Nangunot ang noo ni Charity na tila ba nag-iisip, maya-maya ay bigla ring nagliwanag ang mukha nito. “May naisip akong place, sa Alabat! It’s an island in Quezon Province. May rest house doon ang pamilya namin. I’m sure you’ll love the place. Tahimik doon kasi medyo hindi pa fully developed ang islang 'yon.” “Pero paano na naman itong mga trabahong maiiwan ko rito?” “Ako na ang bahala ro’n. At isa pa, ano naman ang magagawa mong maayos kung tuliro ka? Pumunta ka sa Alabat. Ponder your life there. Kailangan mo 'yon. You need to pull yourself back together.” Tumayo na si Charity. “Pag-isipan mo ang sinabi ko.” Napabuntong-hininga siya nang wala na ang babae. Pero ipinangako niya sa sarili na pag-iisipan niya ang sinabi nito bago niya ibinaling ang pansin sa mga papel na nasa harap niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Love Donor

read
86.8K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook