bc

THE MAID WITH A GOLDEN CROWN

book_age18+
3.0K
FOLLOW
9.4K
READ
billionaire
possessive
independent
maid
twisted
sweet
bxg
office/work place
small town
punishment
like
intro-logo
Blurb

Tumakas sa sariling kasal ang bride na si Caliyah dahil hindi niya gusto ang lalakeng ipinagkasundo sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Suot-suot ang kaniyang puting traje de voda, sumakay siya sa isang cargo-truck para lamang matakasan ang mga humahabol sa kaniya pati na rin ang kasalang kailanman ay hindi niya ninais na maganap. Sa kaniyang pagtakas, dinala siya ng sasakyan sa isang probinsya kung saan makakagawa siya ng isang bagay na magpapabago sa takbo ng buhay na nakasanayan niya.

Dahil sa kamalditahan ay aksidente niyang nasunog ang malaking bahagi ng sakahan, na naging rason para kamuhian siya ng mga magsasaka sa lugar na iyon. At bilang kabayaran sa pinsalang nagawa niya, kailangan niyang magtrabaho bilang katulong ng isang Asher Yverette Delveña, isang magsasaka na laking probinsya. Ngunit ano nga ba ang alam sa gawaing bahay at lalo't higit sa gawaing bukid ng isang Caliyah Faye Corsiño na isang maarte, spoiled, at maldita na lumaki na may marangyang buhay?

Ngayon ang dating nang-aalila ng mga kasambahay ay isa na ring kasambahay s***h magbubukid. Magagawa nga kaya niya ang mga trabaho sa bukid o iiyak na lang siya at papayag na makulong?

—Azureriel

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE "Hindi na kita mahal, Asher!" buong tapang kong sambit sa lalakeng kaharap ko. Tumama ang repleksyon ng liwanag ng buwan sa nanunubig niyang mga mata. Nagpasya kaming magkita ng palihim dito sa aming tagpuan, sa kubo malapit sa kabukiran. Malayo ito sa karamihan at walang ibang maririnig kundi ang mga kuliglig na tila ba umaawit. Walang mga alitaptap ngayon hindi tulad noong mga nagdaang gabi. Tila ba nakikidalamhati sa pait na aming nararamdaman sa mga sandaling ito. "Ano bang sinasabi mo?" tanong niya ng naguguluhan. Humugot ako ng malalim na hinga at tinatagan ang sariling hindi mapaluha sa harap niya. "Narinig mo naman, hindi ba?" tanong ko. "Ano ba ang maling nagawa ko at sinasabi mo iyan?" tanong niya. "Hindi kita mahal." Ini-emphasized ko sa kaniya ang tatlong salitang iyon. "Oo Asher, hindi kita mahal. At kahit kailan hindi kita minahal." Pilit niya akong niyayakap pero pilit din naman akong nagpupumiglas. "Pakiusap mahal ko, bawiin mo lahat ng sinabi mo," sabi niya ngunit ako'y nagbibingi-bingihan sa kaniyang pagsusumamo. Alam kong masakit pero ito ang pinakatamang gawin. Hinding-hindi ko hahayaan na mapahamak siya ng dahil sa akin. Marami na akong naidulot na pinsala at ayaw ko na iyong dagdagan pa. Lalo't higit ang mandamay ng mga inosenteng buhay. "Tama na! Hindi pa ba malinaw sa 'yo lahat? Asher, hindi ko kayang magmahal ng isang magsasaka lamang na katulad mo. Mataas ang pangarap ko at hindi ko pinangarap ang tumira sa kubo-kubo!" Nagtatakbo ako palayo sa lugar na iyon. Tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon. Binilisan ko ang bawat hakbang sa baku-bakong daan. Hindi ako nahirapan dahil ginabayan ako ng bituin at liwanag ng buwan. Ngunit sa aking pagtakbo ay bigla na lamang naputol ang daan. Pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko sa takot nang makita ang ibaba. Napakatarik ng lugar at ang sinumang mahuhulog ay tiyak na magkakalasog-lasog ang katawan. Buong pag-aakala ko ay ligtas na ako ngunit may tumulak sa akin. Isang babaeng nakasuot ng itim na belo. Hindi ko batid kung sino. "AHHHHHHHH!" sigaw ko sa kawalan habang nahuhulog ako sa hukay na tila ba walang katapusan. "Lady Caliyah! Lady Caliyah, gumising po kayo." Napabalikwas ako ng bangon at habol ang hininga. Iginala ko ang mga nanlalabo ko pang mata sa paligid. Butil-butil ang malalamig kong pawis at hinihingal ako na tila ba tumakbo ng ilang kilometro. Panaginip--- hindi... isang bangungot. Kailan ba ako patatahimikin ng nakaraan ko? "Lady Caliyah, n-nabago raw po ang schedule ng meeting ninyo. P-Pinapasabi po ng secretary ninyo na alas-dyis na raw po." Anunsyo ng babaeng kasambahay na halatang tinakbo ang mahabang pasilyo ng mansyon para lamang ibalita iyon. "Tumigil ka nga, Shionee. Hindi mo ba nakikita na hindi maganda ang lagay ng Señiorita mo?" tanong ng may edad ng Mayordoma na siya ring gumising sa akin. "Pasensya na po," sabi nito at yumuko. "Hayaan n'yo na. Kaya ko. Pakisabi kay Venus na tutuloy ako sa meeting." Inubos ko ang laman ng baso at tumayo na para pumili ng damit na isusuot ko. Iniwan na ako ng mga kasambahay. Kilala nila ako at alam nilang ayaw ko ng maraming tao sa aking kuwarto. Pili lang din ang maaaring pumasok dito. Binuksan ko ang malaking cabinet sa aking Walk-in Closet at pinili ang damit na babagay. Gusto kong magmukhang perpekto sa paningin niya. Kailangan kong makuha ang partnership na iyon dahil kung hindi paniguradong babagsak ang aming kumpanya. "Excuse me, ma'am," humarang sa pinto ang isang babae kaya napataas ang kilay ko. "May appointment po ba kayo, ma'am? Kung wala po hindi po kayo pweding basta-bastang pumasok. Busy po ang Presi—" "Hindi mo ba ako nakikilala?" Iritable kong tanong dahil sa katangahan ng babaeng nasa harapan ko. "S-Sorry po b-bagong sekretarya lang po kasi ako ni sir." "Then you're lucky na hindi ako ang naging boss mo. 'Coz if I am, I would surely fire you at this moment. Ayoko sa tatanga-tangang empleyado. Umuwi ka na lang sa inyo at magsaing. Naiintindihan mo?" "Pasensya na po," sabi niya ng nakayuko. Tinabig ko siya at ako na mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Inayos ko ang aking sarili at nag-retouched pa ng make-up sa harap ng salamin ng Face Palette ko. Ayokong magmukhang hagard sa harapan ng Chief Executive Officer ng kumpanyang ito. I composed myself and took a deep breath before I stepped to his office. I can heard the clicking sound of my heels... it sounds power. "Good morning, sir," sabi ko sa lalakeng nakaupo sa swivel chair at nakaharap sa glass wall nitong gusali. Hindi ko ugaling bumati pero kailangan kong gawin dahil ako ang may kailangan. Hindi ito oras para magtaray ako. Katapusan na ng kumpanya kapag hindi ko nakuha ang deal na ito. Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan ang lalakeng naka-suit at prenteng nakaupo. I said good morning, tapos wala man lang siyang imik. Wala ba siyang manners? "Sir?" Unti-unting pumihit paharap sa akin ang upuan at ganoon na lamang ang gulat ko nang makilala siya. "It's been a long time, Ms. Corsiño," he said in his baritone voice. Tama siya ang tagal na nga simula noong huli. Simula noong— ipinilig ko ang aking ulo at iwinaksi ang isiping iyon. "Ikaw? I-Ikaw ang CEO? P-Pero paanong?" "I don't need to answer personal question, Mrs. Zilveros." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Miss, Ms. Corsiño," I replied. Bakit sa lahat ng tao bakit siya pa ang makikita ko? Dalawang taon na simula nang mangyari ang insidenteng iyon pero bakit ganito? Bakit mabigat pa rin? "I heard in a news that your Company will sink anytime," he said as he is turning the pages of my proposal. Kumuyom ng mariin ang kamay ko. Kung iinsultuhin niya lang ako, aalis na lang ako rito. "Hindi ko kayang mawala ang kumpanyang pinaghirapan ng lolo mo." I heard my mom's words from nowhere. Tama, hindi ako dapat basta magpadala sa emosyon ko. I have to do this for my family... for our Company. "In behalf of our company, we promise that you will not regret working with us, Mr. Delveña. So please, give us a chance to prove that we deserve to work with your group," I put my hands on his desk and shallowed my pride as I spoke to him. There is no way to back out. I have to get this partnership. And besides, professionalism is a must in business matter. Pinagsaklob niya ang mga kamay habang nakatuon ang siko sa ibabaw ng lamesa at tinitigan ako ng direkta sa mata. Ang mga matang iyon ang nagpapakalma sa akin noon dalawang taon na ang nakakaraan. "I did not expect that I will hear those words from the person who never give me a chance before," he said in insulting tone. I felt a sting of pain and guilt when I heard those words. Hindi ko siya masisisi. Ako ang may mali. Ako ang nakasakit. "L-Let's just be professional here, Mr. Delveña," I composed myself and smiled. Use your acting skill, Caliyah! C'mon girl. "Do you deserve to work with us?" he asked in his baritone voice trying to measure my capabilities. "Yes, I am," I answered, confidently. Caliyah is fearless. Kilala ako roon. Hindi ko hahayaan na panghinaan ako ng loob dahil lang sa nakaharap kong muli ang taong ito. "I will accept the partnership in one condition." He rested his back on the swivel chair and played the fountain pen on his fingers. "What condition?" I asked nervously. "I want you to work as my Secretary." "What?" I asked in disbelief. I have a high position in our company and he want me to work as his Secretary? Hindi ako nagtapos ng kolehiyo at nagpakahirap mag-manage ng kumpanya namin ng maraming taon para lang maging tiga-timpla niya ng kape. I am the future CEO of our Company! Is he out of his mind? "If you accept the offer then I will accept yours too. I know Mr. and Mrs. Corsiño would understand. And besides, kayo ang may kailangan. So deal?" he extended his hand. I stared on that for a moment, thinking if I will accept it or not. But I do not have any choice but to shallow my pride because if not, all of my parents and employees efforts for the Company will be useless. "D-Deal," I answered as I accepted his hand. "Now, we're even, Ms. Corsiño," he said and looked at me like he never loved me before. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. Parang dati lang hawak ko ang kamay niya. Hawak ko ang kamay ng isang... Asher Yverette Delveña. Ang magsasakang bumihag sa puso ng isang maldita't anak mayamang katulad ko. —Azureriel

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook